PROLOGUE.
Ang gwapo naman ng lalaking nasa harap ko ngayon. Napaka-perfect ng pagkakalikha sa kanya. Di kaya anghel ito? Hmmm. Mahaplos nga mukha nito. *haplos haplos*.
Woaah! Infairness, ang kinis ng skin. Inggit ako. >_<
Ang tangos din ng ilong nya. Hinawakan ko yung nose nya at pinadaloy dito ang daliri ko. Hihihi. Kinikilig ako. =^__^=
At napatingin ako sa kanyang lips. *Gulp gulp* Oo, tama kayo. Napapalunok lang naman ako ng laway. Sobrang pula kasi ng labi nya at mukhang malambot. Parang ang sarap.. ang sarap halikan.
Hala! Ano na bang nangyayari sakin? Manyak na ba ko? Tsk.
Pero biglang lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Sinubukan kong ilayo ito pero naninigas ang katawan ko. Hindi ako makakilos. Waaah. Ayan na, malapit na. Unti-unting naglalapit ang mga labi namin hanggang sa...
"Aray!" Ano ba yun. Ang sakit naman.
"Bumangon ka na dyan. Male-late ka na sa entrance exam nyo! Dali. Dali! Kumilos ka na." bulyaw naman ni Mother dear.
"Mama naman eh! Kung makahampas ka naman po. Sakit ah. :(" Opo. Hinampas nya ko. Ang sakit nun ah. Ouch lang. :(
"Kumilos ka na sabi eh!" dagdag pa ni Mama.
"Opo. Eto na po oh, babangon na po." Ang sarap sarap pa ng tulog ko eh.
"Dalian mo, naghihintay na ang pagkain mo dun sa baba." At bumaba na si Mama mula sa kwarto ko.
At dahil gising na ko, dun ko lang nalaman na nanaginip lang pala ko. Huhuhu T_T. Malas ko naman. Pero bakit ganun, di ko maalala yung mukha nung lalaki sa panaginip ko. Ang alam at natatandaan ko lang, GWAPO sya. Haaaaaay!
"Sayang naman yun. *Sigh*" Syempre, tumayo na ko dahil ayaw ko namang ma-late sa entrance exam na kukunin ko sa aking dream school.
Gusto nyo bang malaman kung ano pangalan ng school na yun?
Hmmmm.
Pilitin nyo muna ako. Wahahaha.
Di naman, joke lang.
Yun lang naman ang pinakasikat na University sa amin.
ang HARTEU UNIVERSITY!
Ang pagpronounce ay 'Har-tu'. Gets nyo ba? Tama. Dyan ako papasok.
Bago nga pala ang lahat, kwento ako ng kwento sa inyo di pa ko nagpapakilala.
I am Ahry Yuen Dela Cruz. 16 years old. Incoming Freshman College Student.
'Ahry' (Ah-rie) ang tawag sakin ng friends ko kaya yun na lang din itawag nyo sakin. Ok?
Ayy nga pala, mag-aayos muna ko ha. Baka ma-late pa ko ng tuluyan eh. ^____^
A/N:
Hello po. Eto po ang una kong story na ginawa sana po magustuhan nyo. masyado ko lang po talagang mahal ang EXO. Kaya tinry ko din gumawa ng FF. Salamat po.
*YuEnMi*
© March 2014
HARTEU UNIVERSITY™

BINABASA MO ANG
HARTEU UNIVERSITY (EXO FF)
Подростковая литератураEXO Fanfiction <3 Sulli Choi - Ahry Yuen Dela Cruz EXO - as themselves Sandara Park - Sandy Lopez IU - Wish Imperial