Chapter 3

349 14 1
                                    

Chanyeol's POV

Habang naglalakad kami ni Kris papuntang basketball court...

'Hoy Sis, tignan mo yung dalawang yun oh. Ang gwapo nila di ba?'

'Oo nga Sis, ang HOT nila grabe.'

Sabi nung dalawang babae na nakatayo dun sa waiting shed na nadaanan namin.

At eto namang katabi ko wala ng ginawa kundi magkikindat sa bawat babaeng nadadaanan namin.

Hahahaha. Parang may sakit lang sya sa mata. Late na nga kami nagagawa nya pang magpacute. Porke't alam nyang gwapo sya.

Syempre ako gwapo din pero di ko naman ginagawa yung mga kindat kindat at pacute na yun. Medyo may hiya pa naman ako noh! ^___^

Naglalakad lang kami kasi malapit lang naman sa school yung basketball court. napagtripan lang naming magbabarkada ang maglaro ngayon since malapit na matapos ang summer at pasukan na ulit. Paniguradong magiging busy na kami nun dahil college na kami.

Magpapakilala nga pala muna ko sa inyo.

I am Chanyeol Park. 17 years old. Incoming freshman college student sa Harteu University. Ang kinuha kong course ay BS Accountancy.

Actually, lahat kami ng mga kabarkada ko yun ang kinuhang course?

Bakit kamo?

Ang reason ko kung bakit ko yun kinuha, yun ay dahil gusto ko. Gusto ko maging accountant at dahil ang Mommy at Daddy ko ay mga accountant din. I guess, it runs in our blood. Hahahaha.

Yung rason naman ng mga kabarkada ko?

Kasi sa course na Accountancy, halos puro mga babae lang ang kumukuha nun. Rare lang ang mga male na kumukuha nun.

Gets nyo na kung bakit?

Oo, tama kayo!

Mangchichiks lang ang mga yun. Pero ok na din, magkakasama kami. Magagaling din naman mag-aral ang mga yun. Mga loko loko lang talaga.

"Hey, guys andito na sila." Sigaw ni Baekhyun.

Si Baekhyun, siya yung kausap ko kanina sa phone.

Baekhyun Byun ang full name nya. 17 years old din sya. Sya ang pinakaclose ko sa lahat. Magkasundo naman kasi talaga kami sa lahat ng bagay. Parehas din kaming active at masiyahin.

"Pasensya na ngayon lang kami. Eto kasing si Kris, tinamaan na naman ng kanyang Prince Syndrome." sabi ko.

at nagtawanan naman ang mga loko. Alam ko namang gets na nila yung sinasabi ko.

"Oh sya, tama na yan. Kanina pa kong larong-laro eh." sabi naman ni Luhan.

Sya naman si Luhan Xi. 19 years old sya. Isa sya sa mga matatanda sa amin. Same age sila ni Kris. Nahuli lang silang pumasok dahil galing silang China. Yes, half-chinese sila. Iba din kasi curriculum sa pinasukan nila dun.

"Tara na muna magpalit ng damit. Dali!" si Xiumin yung nagsalita.

He is Xiumin Kim. 19 y/o din sya. Kasamahan sya ni Luhan at Kris sa edad. Hahaha. Sya naman pinakasikat sa aming lahat pero napakatahimik at mysterious nya. Namana nya yata sa parents nya ang pagiging tahimik.

"Ok. Tara na!" Sabi naman ni Kris na nauuna ng maglakad.

Kris Wu. 19 years old. May prince syndrome sya kasi gwapong gwapo sya sa sarili nya at kulang na lang eh idikit nya yung mukha nya sa salamin. Hahaha. Siya ang pinakamatangkad sa amin. Mahilig sa chiks at hindi ko pa nababalitaang nagseryoso sya sa isang girl.

HARTEU UNIVERSITY (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon