Chapter 6

280 16 0
                                    

Ahry's POV

Ako ---> O____O

Sya ---> -_____-

Bakit sya nandito? Pag minamalas ka nga naman. Tsk! Patay na.

"Anong bibilhin nyo?" tanong ni Aling Nena.

"Suka ho!" - Ako

"Toyo po!" - Sya

Naku! Sabay na naman kami. Haaaay!

"Ah. Eh. Mauna ka na. Hehe." sabi ko habang napapakamot na lang ako ng ulo. Baka mamaya sungitan nya ulit ako.

"Tabi! -___-"

Aba teka! Sinungitan pa rin ako? Sya na nga pinauna sya pang ganyan. Grrrr. Sarap nya iumpog sa pader! Bwisit! >_<

Di din yata uso sa kanya ang 'ladies first.'

"Isa pong toyo yung nasa bote. Datu puti po." at ngumiti sya kay Aling Nena.

Buti pa si Aling Nena, di nya sinusungitan. :(

Inabot na ni Aling Nena yung binili nya at agad naman syang umalis. Pero nakalimutan nya yung sukli nya kaya sumigaw ako,

"Hoy!!" pero di pa din sya tumigil sa paglalakad. Di yata ako narinig.

"SEHUN!!! Yung sukli mo, naiwan!!" halos lumabas na lalamunan ko sa pagsigaw.

Tumigil naman sya sa paglakad at lumingon,

"Keep the change! -____-" Aba! Ang sungit na nga, mayabang pa. Para namang kailangan ko yung pera nya.

GRRRR. May araw ka din sakin!

Naglakad na ulit sya pero sumigaw ulit ako,

"Di ko kailangan pera mo!!" pero nagpatuloy pa rin sya sa paglakad.

"Akin na ineng yung pera. Ako! Kailangan ko yan! :)" Sabi ni Aling Nena na may namumuong 'peso sign' sa kanyang mga mata.

Tsss. Si Aling Nena talaga.

Inabot ko naman sa kanya yung pera at binili na yung suka.

Ang isa pang bumabagabag sakin ay kung bakit nandito din sya sa subdivision na 'to. Haaaay! I'm going crazy. >/////<

Sehun's POV

"Hoy! Kayong mga tambay kayo. Bumili kayo ng toyo dun. Di ko kayo papakainin nitong niluluto ko! DALI!" - D.O.

"Hoy Kai! Bumili ka daw!" - Chen

"Walang sinabing 'KAI'. Tumahimik ka dyan!" - Kai

"Aba! Nagtuturuan pa kayo dyan. Di ba uso yung word na 'kusa' sa inyo? Ha?! Gusto nyong mamatay sa gutom?!! Di ako nagbibiro, sinasabi ko sa inyo! Ihahampas ko sa inyo 'tong kawali!!" - D.O.

"Oh sya, bato bato pik na lang ng matapos na!" - Chanyeol

"GAME!!!" sabi namin ng sabay sabay. Talagang di kami matatapos sa bangayan dahil walang magpapatalo.

"BATO BATO PIK!"

Natanggal si Xiumin, Kris at Lay.

"BATO BATO PIK!"

tanggal si Luhan, Tao at Suho.

"BATO BATO PIK!"

at kami na lang ni Chanyeol ang natira. Tsss. Di ako pwedeng matalo. Ang init init sa labas eh! -_____-

"Hahaha. Ano ba yan Chanyeol! Ikaw nagsuggest, eh ikaw pala 'tong bulok dyan!" - Baekhyun

"Paano ba yan Sehun? Mukhang ikaw na ang bibili! Hahaha. *smirk*" sabi naman ni Chanyeol.

"And don't worry Baekhyun. Sinadya kong matira para makalaban ko 'tong si Sehun!" dagdag pa nya.

"Whatever loser! -___-" sabi ko na lang. Dami pang sinasabi eh. para namang mananalo sya over me. Tss.

"Ok. Let's see. You ready?...

BATO BATO PIK!" Sabi nya at nagpakita sya ng 'bato' habang ako...

"HAHAHAHA. See? I told you!" - Chanyeol

Tsss. I threw 'scissors'. Damn! >:/

"Fine!! -___-"

Grrr. Ang init init eh! Di ko sila papakainin. Bakit? Ako bibili ng toyo eh kaya di sila makakakain.

Akala nila ganun ganun lang yun ha! HAHAHA. Nasa akin ang huling halakhak.

"Pabili po!" - Ako

"Pagbilhan po!" - Sya

At sinabayan pa talaga ako ha! Bwisit talaga 'tong eng-eng na 'to!

At gulat na gulat pa sya. Tsss. Engot talaga.

"Anong bibilhin nyo?" tanong ni manang.

"Toyo po!" - Ako

"Suka ho!" - Si eng-eng

sumabay na naman! Bwisit!

"Ah. Eh. Mauna ka na. Hehe." tawa pa sya eh! Takte naman oh!

Kahit di nya sabihin, talagang mauuna ako!

"Tabi!" Sabi ko. Harang pa eh!

"Isa pong toyo yung nasa bote. Datu puti po!" pagkaabot ni manang nung binili ko eh umalis na ko.

ayoko na makita 'tong eng-eng na 'to.

Nung medyo nakalayo na ako,

nakalimutan ko pala yung sukli ko. Hala! Hayaan na nga kesa makita ko pa mukha nya.

"SEHUUUN! Yung sukli mo, naiwan!!" sigaw ni eng-eng. Haaaay. Tigilan mo na ko! Aish!

Tumigil ako at lumingon,

"Keep the change! -___-" At nagpatuloy na ko sa paglakad.

"Di ko kailangan ng pera mo!!" Inis na inis nyang sigaw. Di ko na sya nilingon. Hahahaha. Engot nya talaga.

Teka! Tumawa ba ko? Hmm. Kasi nainis sya. Nakakatawa naman talaga pag may naiinis kang taong ayaw na ayaw mo. Di ba?

Chanyeol's POV

"Hoy Chanyeol! Sundan mo na nga yung isang yun. Ang tagal bumalik. Kailangan ko na yung toyo!" sigaw ni D.O. na nasa kusina ngayon.

"Bakit ako? Ha?!" tanong ko naman.

"Eh ikaw kasama ni Sehun kanina na natira so, second loser ka! -Baekhyun.

"HAHAHAHAHA" nagtawanan naman silang lahat. Mga loko talaga 'tong mga 'to! Grrr.

Wala naman akong nagawa kundi sundan yung lalaking yun.

Natanawan ko naman agad si Sehun.

"Di ko kailangan ng pera mo!!" Teka si Yuen yun ah. Bakit sya nandito?

At nakita ko naman si Sehun na tumawa.

Eh?!! Totoo ba yung nakita ko? Tumawa si Sehun? Kala ko ba naiinis sya kay Yuen?

*Ting! Bright idea!*

Hahaha. Patay ka sakin Sehun! Ipagkakalat ko yan sa tropa.

Lumambot na ba puso mo sa mga babae? *smirk*

A/N:

Thanks for reading! <3

Gusto ko may magka-POV lahat. Pero hirap mag-isip. Hahaha.

-YuEnMi

HARTEU UNIVERSITY (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon