Kakatapos ko lang kumuha ng entrance exam ngayon. At alam nyo ba ang hirap ng mga tanong? Haaay. Parang sasabog ang utak ko nanina. Pero kailangang maipasa ko iyon dahil kung hindi, masisira ang matagal ko ng pangarap na makapasok sa dream school kong ito. Pero wag kayong mag alala. I did my best but I guess my best wasn't good enough. Wahaha. Biro lang. Napakanta pa ko ng Just Once. Hahaha. Baliw ko lang, ano?
Naglalakad na ako palabas ng university ngayon. Ang ganda nga dito eh. Kitang kita mo yung mga tarpaulin na may nakalagay na 'Congratulations to All Board Passers!' Tapos nakalagay dun yung list ng mga pumasa. Balang araw din, mapapasama ang pangalan ko sa listahan na yan.
Magiging 'Ahry Yuen Dela Cruz, CPA' yata ako noh!
Ano ang 'CPA'?
Certified Public Accountant po yun.
And yes, gusto ko pong maging isang magaling na accountant. Kaya ang course na kinuha ko ay BS Accountancy. Hihihi. Na-e-excite na tuloy ako.
Habang nagde-daydream ako, di ko namalayang may nabangga na pala ko. Patay.
"A-aray!" Sabi nung nabangga ko. And wooah, ang laki at lalim ng voice. At pagtingin ko, napatingala ako dahil higante ang nasa harapan ko. O____O
Kasi naman Ahry tatanga tanga ka na naman. Tsk.
"Ayy. Kuya, sorry. Di ko po sinasadya. Sorry po talaga. May masakit po ba sa inyo?" Nag-alala naman ako.
"Ah. Okay lang. Nagmamadali din kasi ako. Di kita napansin. Sayo ba may masakit?" Wow, ang gentleman naman ni Kuya. Hihi. And napatingin naman ulit ako sa kanya.
**jaw dropped**
Totoo ba itong nakikita ko? Ang gwapo ng nilalang na ito.
Ahry, Jackpot na jackpot ka ngayong araw.
"Miss? Miss?"
Bumalik naman ako sa katinuan nung tinatawag nya ko. Nakanganga pa ko. Hala. nakakahiya naman. Waaah. >_<
"Hahahahaha." Tumawa naman si Kuya.
Waah. Nakakahiya ka talaga Ahry. Sana lamunin na ko ng lupa. Now na. ToT
"Hahaha. Miss, anong pangalan mo?" tanong ni Kuya at tumigil na sya sa pagtawa.
"Ah, eh. Ahry Yuen Dela Cruz po." At nagsmile ako ng konti dahil nahihiya pa din ako.
"Ahh. Yuen na lang itatawag ko sayo, ha? Ako nga pala si Chanyeol Park." pakilala nya sabay abot ng kamay nya.
Di ko naman alam kung tatanggapin ko yun o hindi. Nakakahiya naman pag tinanggihan ang grasya. Kaya grab the hand. Hahaha.
"Nice to meet you, Channie" at ang laki ng ngiti ko. Wahaha. Ngumiti din naman sya ng pagkalaki laki. Hindi ko alam pero komportable ako sa kanya.
"Hahaha. Channie. Ikaw palang tumawag ng ganyan sa akin. Nice to meet you, too." sabi nya. Grabe nakakatunaw ang mga ngiti nya! *o*
"Hehe. Ikaw lang naman din unang tumawag sakin ng Yuen." halata kayang kinikilig ako? wahaha.
"Dito ka ba..." Naputol ang pagsasalita nya ng biglang may tumawag sa kanyang lalaki.
"Chanyeol! Sus. Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."
Ako-----> O_____O
A/N:
Sino kaya nakita ni Ahry? And what will happen next? Stay tune!
Haha. Salamat po sa mga nagbabasa nitong story ko. Pagpalain nawa po kayong lahat.
Kung nagustuhan nyo po, vote po kayo kung may free time po, comment na din.
-YuEnMi. ♥
BINABASA MO ANG
HARTEU UNIVERSITY (EXO FF)
Teen FictionEXO Fanfiction <3 Sulli Choi - Ahry Yuen Dela Cruz EXO - as themselves Sandara Park - Sandy Lopez IU - Wish Imperial