Chapter 8

258 16 2
                                    

Sehun's POV

"Ayieee. Si Chanyeol! Umiibig!" - Baekhyun

"Hahaha. Oo nga, tunaw na yung babae sa titig mo eh! -Lay

"Wag nga kayo! Sino ba nagsabi sa inyo? Ha?!!" Galit na sigaw ni Chanyeol.

Napatingin naman sa pwesto namin lahat ng tao dito sa canteen.

Break kasi namin ngayon at inaasar ng tropa si Chanyeol. Kasi nga tinext ko sila di ba? Nakaganti na rin ako sa wakas. Wahaha!

*Flashback*

Habang naglalakad ako pauwi galing tindahan, natanawan ko si Chanyeol na nakatayo habang ngumingiti na parang aso. Tsss. Ano na naman kaya iniisip nito? -_____-

"Anong ginagawa mo dito?"- ako

"Pinasundan ka nila sa akin. Ang tagal mo daw kasi." at nakangiti pa din ang loko.

"Problema mo? Ang laki nyang ngiti mo ah." nakakapagtaka talaga.

"Hmm. Wala naman, masaya lang! Tara na nga!"-Chanyeol

--------------------------------------------------------------------

Pagdating namin sa bahay, inabot ko lang yung binili ko at pumunta ako ng kwarto para maligo. Amoy araw na ko at init na init din ako.

Pagpasok ko ng banyo, tinignan ko kung may sabon pa ko..

"Naku! Ubos na pala."

Bumaba ako at pumunta ng kusina para kumuha ng sabon dun sa mga naka-stock.

Narinig ko namang nag-uusap silang lahat, sasama na din sana ako nang,

"Maniwala kayo. Tumawa talaga si Sehun dahil ni Yuen! Ngayon ko lang sya tumawa ng ganun ng dahil sa babae. Di ba alam nyo naman yun?"

Pagsilip ko,

Si Chanyeol yung nagsalita. Kaya pala parang aso kung ngumiti kanina.

"Oh Sehun! Andyan ka pala, tara nga dito!" sabi ni Luhan. Habang papunta ako ay tinignan ko ng masama si Chanyeol. Ang daldal naman. Kalalaking tao eh! Tsk.

Iniwasan nya lang din ako ng tingin.

"Binata na talaga ang bunso natin!" pang aasar naman ni Suho.

"Oo nga. Galit pa sya kunwari kay Ahry, bibigay din naman pala!" -Chen

Kung di lang matatanda sa akin 'tong mga 'to, nabanatan ko na sana ng isa sa mukha! Grrr.

"Ewan ko sa inyo! Magsitigil nga kayo!..

At ikaw Chanyeol, san mo naman nakuha yang tsismis mo?" tanong ko.

"Eh bakit ba parang guilty ka? Totoo ba? Hahaha." - Kai.

Tamo 'to! Kala ko naman sakin sya kakampi. Aish!

"Hayaan mo Sehun, tuturuan ka namin ng 'da moves'. Ayos ba?" -Kris

Bakit ba napaka-big deal ng pagtawa ko? Aish!

*end of flashback*

So yun nga ang nangyari. Pero dahil si Chanyeol na topic namin ngayon, di na nila ko aasarin. Wahaha.

"So Chanyeol, anong balak mong gawin? Hanggang tingin ka na lang ba? Wala ka pala eh!" pang aasar ko naman sa kanya. Mukha naman kasing tinamaan sya dun sa kaibigan ni eng-eng.

"A-anong wala?! Igagaya mo pa ko sa'yo?" -Chanyeol

Hahaha. Tsss.

"So gusto mo nga?" - Baekhyun

HARTEU UNIVERSITY (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon