Para to sa lahat ng torpeng nabubuhay sa Earth (wink) (^_−)−☆
~~~~~
TORPE
Kung paiiksiin ang pangalan kong Christoper Lance, Torpe, yun siguro yon.
Ang singkit nyang mga mata na parang laging nakatawa,
Ang malakas nyang halakhak ay nakakahawa,
Pag nakikita ko sya ang nararamdaman ay saya,
Hay! Ang tagal ko naring may gusto kay Maya.
Sinubukan kong umamin,
Pero..
Shit!
Bakit napaka torpe ko naman?
Ang sasabihin ko lang naman ay ang nararamdaman,
Para akong naiihi,
Ang matamis na ngiti ay nauwi sa isang ngiwi.
Ang asarin sya ang tangi ko lang nagawa,
Parang gusto kong magwala!
Bakit ba ako ganito?
Magdadasal na ba sa mga santo?
Pero ako pala ay huli na,
Dahil si Maya, may boyfriend na,
Ang tanga ko!
Sobrang huli na pala ako,
Siguro kakalimutan ko na lang sya,
Susubukan kong maging masaya,
Alam kong mahirap pero para to sa kanya,
Sa first love ko, si Maya.
~~~~~
~FIN~
haaay! Ito first post ko sa account na to, nosebleed ako kahit tagalog, haha
Comment please 😊✌
Good Day Guys (^∇^)
BINABASA MO ANG
Torpe ang Crush Ko
Teen FictionPara to sa lahat ng torpe. Sa mga may gusto sa torpe. Sa mga may kakilalang torpe. Gaano ba kahirap maging torpe?