~~~~~
Christoper Lance's POV
Sobrang saya ko! Hindi pala boyfriend ni Maya yung Light na yun. Pinahirapan ko lang pala ang sarili ko para sa wala. Grabe ang hirap, parang wala akong energy sa isang linggong pag-iwas ko sa kanya.
"CL."
"Maya?" nakangiti kong baling sa kanya.
"Yung kamay ko, pinagtitinginan na tayo." nakayuko nyang sabi.
Napabitawa ako bigla sa kamay nya. Di ko napansin na kanina ko pa pala hawak ang kamay nya.
"Ah.. Haha. Sorry." nahihiyang sabi ko.
Nakayuko parin sya habang naglalakad kami. Parang may mali sa kanya.
"Maya okay ka lang ba? Namumula ka o."
Napa angat sya ng tingin sa akin. "O-okay lang ako."
"Sure ka?"
"Oo, sige una nako ah may gagawin pa pala ako, bye! Bukas na lang CL."
Nagmamadali syang umalis at iniwan ako.
Parang may mali talaga sa kanya. Hmm. Susundan ko sya. Ulit. Hindi ako stalker, admirer ako. Pag gwapo admirer, pag pangit stalker. Gets? Hahaha ψ(`∇')ψ
~~~~~
Maya's POV
Whew! Ano bang nangyayari kay CL napaka weird ng kinikilos nya.
Deym!
Hinawakan nya ang kamay ko. \(//∇//)\
At
Ihahatid nya pa ako saamin.
Sayang! Nag inarte pa kasi ako kanina e! Pano ba naman di na ko makahinga sa sobrang kilig! \(//∇//)\
"Aw!"
Naputol ang pag-iinarte ko ng may nabunggo akong kung sinong mabango.
"Im sorry. You okay?"
"Okay lang ako, sorry din." sabi ko habang busy sa pagpulot ng mga nalaglag kong gamit.
Tinulungan naman nya ko sa pagpupulot.
"Here." sabay abot nya ng mga libro.
"Salamat." saka lang ako tumingin sa kanya.
Napanganga ako nang makita ko sya.
"Kei Takanashi?" mahina kong sabi.
"Uhm.. Yeah?"
Kei Takanashi. Shemay! Ang Filipino-Japanese singer/model na super sikat ngayon at tinitiliian ng madami lalo na ng bestfriend kong si Katy.
"Pwede ba kitang picture-an? Salamat ah." sabi ko at kinuhanan ito ng larawan gamit ang camera ng cellphone ko.
"Mabebenta ko to kay kitty Katy!" excited na sabi ko habang nakatingin parin sa cellphone ko.
"You're Maya right?"
Napatili ako. "Kilala mo ko?" O.o
"Yeah. You're Light's cousin right?"
Tumango ako.
"Pwede mo ba akong samahan sa kanya? Naligaw na yata ako sa school nyo e." sabay gala ng tingin sa paligid.
"Sure!"
Exciting to! Mainggit nga si Katy mamaya.
~~~~~
CL's POV
Di naman ako nahirapang abutan si Maya dahil sandali lang naman akong tumunganga sa hallway ng 4th floor. Sa second floor ko sya nakita.
Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla syang mabangga sa kung sinong asungot.
Teka kilala ko yung asungot na yun a. Si Kei Takanashi.. Katanashi.. Takanashi.. Kata-- ah what ever! Ang idol ni Katy na best friend ni Maya. Tama! Si Kei Katana-- Taka-- aah! Ang bulol naman kasi ni Katy nahahawa na ko sa kanya, sya pasimuno ng "Katanashi" e--
Nanlaki ang mata ko ng makita kong kinuhanan ng picture ni Maya si Kei T. O.O
Teka! At bakit magkasabay pa silang naglakad palayo!
May gusto rin ba si Maya kay asungot na ang pangalan ay Kei T. ?
Bakit magkasama sila?
At.
Bakit kinuhanan pa nya ng picture?
Dahil ba artista sya? O dahil may crush din sya dun?
Aaah! Hindi pwede!
~~~~~
Ano kaya ang gagawin ni CL? Hmm.
Mag iisip pa ang sabaw na isip ng kunyaring writer.
(salamat ^^)
BINABASA MO ANG
Torpe ang Crush Ko
Teen FictionPara to sa lahat ng torpe. Sa mga may gusto sa torpe. Sa mga may kakilalang torpe. Gaano ba kahirap maging torpe?