~~~~~
Maya's POV
Click!
"Aaw! Ang ganda naman ng pagka-kuha ko."
Napahiwalay ako kay CL ng narinig ko yun.
"Ahm.. Sorry Maya."
Nilingon ko kung sino yung nagsalita.
--.--' It's Aly. Ang campus "photographer" kahit saan kasi pumunta e dala yung pinaka mamahal nyang camera. At nandyan din pala ang kakambal nya na si Ely, na wala ng ginawa kundi matulog.
"Aly naman e! Panira ka talaga kahit kailan!" asar na sabi ni CL.
"Im sorry." pa cute na sagot ni Aly with matching peace sign pa. "Bigyan ko na lang kayo ng copy, tara na kuya istorbo tayo dito."
"Ikaw lang ang istorbo." nakapikit na sabi ni Ely. Pero tumayo na rin at nag umpisang maglakad kasama si Aly.
"Ely's cute, right?" baling ko kay CL.
"Psh. Ako ba.. Ahm.. Cute?"
He's blushing! I chuckled.
"Yeah. You're cute, and handsome too."
Nagliwanag yung mukha nya. "Really?"
"Para kang bata CL."
"By the way i have something to tell you."
Seryoso sya a. "Ano?"
"I..ahh.. Ano kasi.. Ano uhm.. Kasi Maya g-gust--"
*Riiiing!!*
"Bell na pala ang bilis naman. Ano na kasi yung sinasabi mo?" tanong ko.
"Argh.. Maybe some other time na lang."
"Sure ka ba? Baka importante yan."
"Nah. Let's go?"
"Okay."
Sabay na kaming bumalik sa room. Buti na lang wala pa yung teacher namin.
"Maya!"
"Ano?" tanong ko kay Light na syang tumawag sakin.
"Nasa clinic pala si Katy kasama si Kei, nagbugbugan e, paki dala nalang daw yung bag nya mamayang pauwi."
Aish! Anyare kaya sa babaeng yun? Ginawa pa akong taga bitbit ng gamit nya.
"Gano kalala bugbog ni Kei?"
Sigurado naman akong puro hampas lang ang nagawa ni Katy sa kanya.
"Malala!" sagot nya sabay tawa ng malakas.
"Kasing lala ba ng tama mo?" ( ̄ー ̄)
Natigil naman sya sa pagtawa. "Not really, kasing lala siguro ng tama mo kay Christop--"
Tinakpan ko yung bibig nya bago pa nya mabanggit ang pangalan ni CL. "Ako ang bubugbog sayo pag di mo pinigilan yang bibig mo! Ang Katy talagang yan hmp!"
Sigurado ako na si Katy ang nagsabi kay Light ng tungkol sa pagkagusto ko kay CL. Itataya ko ang baon ko bukas! Wala talagang preno ang bibig ng maldita!
"Walang sinabi si Katy. Na sense ko lang kanina." sabay tawa.
"Che! Sense your face! Bumalik ka na nga sa room nyo cutting kana nyan e."
"You're mean." umarte pang nasaktan ang pride. "Christoper ikaw na bahala sa pinasan kong malakas ang tama..." ampupu! Ano pinagsasabi nitong panget nato? Tumingin pa saken bago tinuloy sasabihin nya. "..sa utak."
BINABASA MO ANG
Torpe ang Crush Ko
Teen FictionPara to sa lahat ng torpe. Sa mga may gusto sa torpe. Sa mga may kakilalang torpe. Gaano ba kahirap maging torpe?