Torpe ang Crush Ko (three)

63 2 0
                                    

~~~~~

Maya's POV

"So. Bakit ka nandito Kei?" masiglang tanong ko habang naglalakad kami.

Papunta kami ng gym para puntahan si Light, ang pinsan ko, na nagkataong kaibigan pala nito.

Pinagtitinginan nga kami, este sya pala ng mga kapwa ko estudyante. Kilig na kilig pa ang mga babae.

At hindi na ako nagtaka kung bakit walang nagtangkang lumapit samin. Tamad na tamad kasi ang itsura ng bruho.

"Lilipat sana ako dito sa school nyo." tinatamad na sagot nito.

"What?!"

O.O - ako.

--.--" - sya.

"Seryoso?"

Tumango ito.

Napatili ako. "OMG! Matutuwa nito si Katy!"

Nagtatakang tinignan nya lang ako.

Ngumiti ako sa kanya, as in ngiting-ngiti. Excited ako para sa bestfriend kong maharot.

Tinaas ko ang cellphone ko at akmang kukuhanan sya ng picture ng biglang may humila sa kamay kong may hawak ng cellphone.

Si CL..

"Mas masanting ku parin kaya, buran mu ne iyan aku ng picture-an mu." anito sa kanya sabay ngiti.

"Ano bang pinag sasabi mo CL?" kunwaring naiinis na sabi ko.

Pero ang totoo ay masaya ako dahil nakita ko na naman sya at nakangiti pa.

Kilig! Shemay!

"Sabi ko maganda ka sana kaso bingi ka. Hihintayin kita sa gate may sasabihin ako sayong importante. Bilisan mo."

Yun lang at naglakad na ito palayo.

"Ano kayang drama yun?" nakangiting sabi ko.

"Ang yabang nya ah." nakangising sabi ni Kei.

"Mayabang talaga yun."

Naalala ko tuloy mga kalokohang pinag gagagawa ni CL sa classroom pag wala kaming teacher.

"Naintindihan mo ba mga ka-elyen-ang pinag sasabi nya kanina?" tanong ko kahit alam ko namang hindi nya naintindihan.

Ang alam ko ay Kapampangan ang ginamit nitong dialect pero hindi ako sigurado. Dati na kasing niloko nito si Katy at tinawag na "Matchura" ang sabi nito Maganda daw ang kahulugan nito sa tagalog, pero nalaman naming "Panget" pala talaga ang kahulugan ng salita ayon sa isa nilang teacher. Kapampangan daw ang salitang yon.

"Of course."

Napatingin ako sa kanya.

"Weh? Talaga? Ano yung sinabi nya'" hamon ko.

"Mas masanting ku parin kaya, buran mu ne iyan aku ng picture-an mu." ulit nya sa sinbi ni CL kanina.

"Wow! Marunong ka rin ng salitang yon?"

"Kapampangan."

"Tama Kapampangan nga." sabi ko sabay tango. "Ano ibig sabihin ng sabi nya?"

"Mas gwapo parin ako sa kanya, burahin mo na yan ako na lang ang picture-an mo."

Napatanga ako sa sinabi nya.

Talagang sinabi yon ni CL?

Sa sinabi nito para syang isang boyfriend na nagseselos!

"Oh my gee!" tili ko habang tumatalon talon.

He smirk. "Sabyan mu na kaya nung buri me, ali itang kilig-kilig ka ken." (Sabihin mo na sa kanya kung gusto mo sya, hindi yung kilig na kilig ka dyan.)

"Ano daw?" takang tanong ko.

"Wala. Ang sabi ko Buri da ka." sabi nya pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko.

"Buri da ka?" tanong ko.

"Oo, Kapampangan yon itanong mo sa lalaki kanina kung ano ang ibig sabihin non. Sige pwede mo na akong iwan dito nakita ko na si Light. Salamat."

Di ko namalayang nakarating na pala kami sa gym.

Nagtataka parin ako sa sinabi nya pero sa next time na lang yon.

Hinihintay pa ako ni CL my crush sa gate ng school, nakakahiya naman kung paghihintayin ko sya.

Excited. Tumakbo ako papunta sa gate.

~~~~~

CL's POV

"Ang tagal naman nya."

Baka naman sumama na yon kay Kei at pinabayaan na lang akong maghintay ako dito sa wala.

Baka naman nayabangan sya sa ginawa kong paglapit kanina.

Baka naman wala talaga syang pakialam sa akin.

Baka naman--

Hindi! Tama na nga ang kakaisip ko ng kung ano-ano maghihintay pa ako dito ng 3minutes. Pag di parin sya dumating pagkatapos ng 3minutes iisipin ko talagang sumama na sya sa singer na yon.

1 minute..

2 minutes...

3 minutes....

Hay! Di na talaga sya darating. (*~*)

Badtrip naman!

Magtatapat na sana ako sa kanya.

Damn! Damn!

Bakit hindi sya pumunta?!

Naglakad na ako palayo ng school ng biglang..

"Christoper Lance!"

Dahan dahan akong lumingon at ..

Napangiti ako.

Si Maya. Ang crush ko. Hinihingal habang papalapit sakin.

"Sorry ngayon lang ako. Ano pala ang sasabihin mo?"

"Ahh. Ano kasi Maya.. Ano ahm.. G-gus.. Gust.. Ahm gust.."

Aaaah! Ang hirap! Bakit ba kasi napaka torpe ko?!

"Eh? Ang gulo mo. By the way, may sasabihin din aki sayo."

"A-ano?"

"Buri da ka."

Nabigla. Napanganga. At napatanga ako sa sinabi nya.

Buri da ka..

Buri da ka...

Salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay...

Gusto kita..

~~~~~

Yang ang nakayanan ng sabaw na brain ng nagpapanggap na writer.

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

Torpe ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon