~~~~~
Maya's POV
"You belong with me! You belong with m--"
"Che! Magtigil ka nga Maya! Kanina kapa!"
"Bitter ka lang!" balik ko kay Katy.
"Bakit naman kasi sa ibang section pa yung partner ko?!"
"Kasalanan mo yan aabsent-absent kapa kasi, ano bang nangyari kahapon nabugbog karin ba at kaylangan nasa clinic ka din.?"
May naamoy akong kakaiba sa babaeng to e! ( ̄ー ̄)
"E yun pa nga! Ang walang hiyang Artista na yan nag inarte! Gusto nya ako pa magbantay sa kanya dun sa clinic."
Ayos to. Inis sya pero di naman nya kayang tiisin. Haha!
"Buti napilit ka nya? E sa tigas nga ng ulo mo... Hindi kaya..." tinitigan ko sya sa mata. "gusto mo rin na bantayan sya para maka tsansing ka?"
"Che! Isa kang malaking che Maya! Hindi ma kita bestfriend si Light na lang ang bff ko!" nagmamaktol na binitbit nya yung sandwich at inumin nya.
Ako naman tinawanan ko lang sya at kumagat sa sandwich ko.
"Nga pala since hindi na tayo bestfriends.." ngumisi sya "sasabihin ko na kay Lance ang pinakatatago mong-- hmp."
Agad na tinakpan ko ang madaldal na bibig ni Katy. Peste talaga to madami pa namang tao ngayon sa rooftop para mag recess.
"Tumigil kang pusa ka kung ayaw mong ipalapa kita kay Skipper!" mahina pero mariin kong sabi sa kanya. Btw aso namin si Skipper at takot si Katy sa kanya.
"Ako ba yung Lance na sinasabi ni Katy?"
Patay! Ipapalapa ko talaga si Katy sa aso namin.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. "Ah. Hi CL."
"Buti nandito ka Lance may sasabihin sana ako say--"
Tinakpan ko ulit ang bibig ni Katy. "Ah diba aalis kana Katy? Diba hahanapin mo pa si Kei, este si Light pala. Sige bye! At wag mong kalimutang bisitahin si Skipper mamaya ah."
Tinulak ko si Katy, na ngayon e naka ngising demonyo, papunta sa may hagdan.
"Humanda ka saking pusa ka!" nang-gigigil na sabi ko sa kanya ng makalayo kami ng konti kay CL.
"Meow!" sabi nya at bumaba na ng hagdan.
Bruha talaga!
Binalikan ko si CL na ngayon e nakaupo na sa binakanteng upuan ng pusang nag ngangalang Katy. Nginitian ko sya ng magtama yung mga mata namin. At..
Sheet! Ngumiti din sya ng makalaglag panty!
Tumikhim ako para mabawasan ang kalandiang sumasakop sa average na utak ko.
"Okay na ba yung napili nati-- ko palang kanta?" tanong ko pagka upo ko sa kaharap nyang upuan.
"Yun na nga e, hindi na daw pwede yun kasi may nauna na satin."
"Tsk! Sayang naman."
Peste naman e kung kailan naman naka relate ako sa kanta! Panira!
Tinignan ko si CL. Ngumiti sya.
Shemay!
His eyes! Make the stars look like they're not shining.
His hair! Falls perfectly without him trying.
He's so wonderful.
*sigh*
You're amazing CL.
"Maya?"
"Just the way you are." wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Just the way you are?"
Nakatingin parin ako sa kanya. Straight sa mata.
"Yeah. Coz you're amazing. Just the way you are."
He chuckled. "Yeah. That will be great."
"Yeah.."
"Are you okay? Parang wala ka sa sarili mo e."
"Ha?" O.O
Pakingteyp! Anyare saken? Hala! Natulala ako sa kanya at kung ano ano pa pinagsasabi ko.
"Okay ka na?" tanong nya.
"Oo, okay na. Anong kanta pala ang gagamitin natin nyan?"
"Sabi mo Just the way you are."
Napakunot noo ako. "Sinabi ko?"
"Oo, kumanta ka pa nga e." sabay tawa.
Shocks! Nakakahiya!
"Ah. Oo pala. So okay kana ba dun?"
"Oo okay na."
At dahil sa kalandian ko Just the way you are na nga ni Bruno Mars ang gagamitin naming kanta.
2 days narin kaming magkasabay sa lunch at recess. Si Katy? Haha ayun si Light ang partner ng maharot. Pero ewan ko lang a sa palagay ko si Kei parin gusto nya nag iinarte lang.
"Sayo yung first verse. Sabay tayo sa chorus tapos ako naman sa second verse. Ikaw na lang bahalang mag ayos ng lyrics."
Nakatunganga lang ako kay CL habang sya naman e nagsuaulat ng mga gagawin namin sa notebook nya.
"Okay ka na ba dun?"
"Maya?"
"A-ah.. Bakit pala aayusin ko pa yung lyrics?"
"Ah yun. Syempre ikaw ang kakanta, babae ka kaya palitan mo yung 'her' ng 'him' atska 'she' ng 'he'." paliwanag nya habang pinupukpok yung dulo ng ballpen sa notebook.
"Aaah! O sige gets ko na. Kailan yung practice?"
Natawa sya. "Hindi pa tayo pwedeng mag practice, wala pa nga tayong 'drama' para sa video."
Napakamot ako sa ulo. "Edi..."
Kunyare tayo na tapos kunyare inlove ka sakin, syempre kunyare inlove din ako sayo pero totoo yun di kunyare lang ≧∇≦)\ kunyare inip tayo tapos naisipan mong haranahin ako nag duet tayo kunyare nagkatitigan tayo, kunyare lumapit ka sakin tapos kunyare kinilg ako kunyare hinalikan kita. Kunyare.. Kunyare.. Kunya-- pwede bang wag nalang kunyare?! Totoo nalang pleaseee!
"Maya! Maya!?"
Napabalik ako sa realidad ng alugin nya ko.
Pakingtape! Nakakahiya lagi nalang akong lutang pag magkasama kame!
"Ikaw may idea ka ba?" tanong ko nalang.
"Wala rin e, gayahin nalang kaya natin yung totoong music video palitan nalang natin yung ibang mga eksena."
"Sige, okay yung naisip mo."
"So sa saturday na natin i vi-video ako na bahala mag edit. Bukas practice na natin yung kanta. Okay?"
"Okay!" excited na ko!
~~~~~
BINABASA MO ANG
Torpe ang Crush Ko
Genç KurguPara to sa lahat ng torpe. Sa mga may gusto sa torpe. Sa mga may kakilalang torpe. Gaano ba kahirap maging torpe?