Torpe ang Crush Ko (one)

66 2 0
                                    

Yay! At dahil sinipag ako dudugtungan ko to, sana matapos ko. (^∇^)

~~~~~

Maya's POV

"Maya!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si CL, ang makulit at mukhang koreano kong kaklase.

"O, bakit CL?" tanong ko.

Nagkamot ito ng ulo. "May itatanong sana ako."

"Bukas na lang. Busy ako." mataray kong sabi.

Medyo masama kasi ang loob ko sa kanya, medyo lang naman, dahil wala naman akong karapatang mag inarte kung hindi man nya ako pinansin ng halos isang linggo.

Nag-iinarte ako kasi.. Kasi.. Ano. Ahm. Crush ko sya! Since 2nd year pa, 4th na kami ngayon kaya kung bibilangin magti-3 years ko na syang gusto.

"Di na to makakapaghintay e," makulit na sabi nya.

"Sige na nga.." di naman kita matiis e, "Ano ba yun?"

"Talaga bang hindi naging kayo nung transferee na si Light?" nakayukong tanong nya.

"Chismoso karin e no? Kanino mo naman nabalitaan yan?" nakapameywang kong tanong.

"Kalat kaya sa school."

"Nako! Hindi pa naman sira ang ulo ko para pumatol sa pinsan ko, CL."

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang o talagang nagliwanag ang mukha nya at sumigla ang aura nya.

"Talaga? Pinsan mo sya? Kaya nakita ko kayong magkasabay umuwi at kung bakit close kayo?" excited na sabi nya.

"Teka, nakita mo kaming magkasabay umuwi? Pano, diba out of way yung sa inyo?"

"Ahm.. Ano kasi, DoTA, oo tama, yun nga. Nag laro ako ng DoTA sa lugar nyo. Alam mo na, wala ng makatalo sa kin sa lugar namin."

"Yabang! Inis ako sayo peste ka." di nakapag pigil na sabi ko, bigla ko kasing naalala yung hindi nya pagpansin sakin ng isang linggo.

"Teka bakit naman?"

"Ewan ko sayo."

Naglakad na ako papalayo sa kanya. Di ko mapigilang mapangiti. Shemay! Sa wakas after 1 week pinansin na nya ko ulit.

"Para saan yang ngiti mo?"

Napatili ako sa gulat. "Ano ba CL?" singhal ko.

"Hatid na kita sa inyo Maya." sabi nya at hinila ako sa kamay.

Oh Em Gee!

~~~~~

haist! Hirap pala nito, pero kakayanin ko to ! Aja. Go. Fighting! Try ko po palang halukayin yung story na isinulat ko sa notebook nung high school (katamad un teacher e) yun lang Ge. Bye.

Update ako as soon na bitawan ni mama ung phone. (。-_-。)

Torpe ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon