Torpe Ang Crush Ko (seven)

23 0 0
                                    

"His eyes make the stars look like they're not shinning."

Kasalukuyan akong nasa garden ng bahay namin ngayon at excited na isinusulat ang lyrics ng parte ko sa kanta na gagamitin namin sa project.

"He's hair fall's perfectly withou--"

"Maya!"

Paglingon ko sa gate namin ay nakita ko si Katy kasama si...... Kei Takanashi?!

Lumapit ako sa gate at pinagbuksan ko sila.

Kaagad na niyakap ako ni Katy, na labis na ipinagtaka ko. Si Kei naman ay linagpasan kami at tuloy-tuloy na pumasok at umupo sa binakante kong upuan kanina.

"Anong meron?" tanong ko kay Katy ng humiwalay na sya sa pagkakayap nya sakin.

Di maipinta ang mukha ng gaga.

"Pwede bang dito na lang ako tumira?"

"Ha? Ano bang nangyayari sayo?"

"Maria Yalena! Tulungan mo ko! Ayokong makasama sya sa bahay." histerikal na sabi nya at tinuro si Kei na prenteng naka-upo at nakikinig lang samin.

"The feeling is mutual kiddo." tamad na sabi ni Kei.

"Teka nga, bakit naman magksama kayo sa bahay?"

"Lumipat sya sa bahay namin kanina. Anak sya ng boss ni papa." nakasimangot na paliwanag ni Katy.

"Talaga? Edi masaya ka nyan?" Excited na tugon ko.

"Mukha bang masaya ako? Maya naman e! Makakasama ko ang antukin na yan sa bahay--"

"My gulay Katy! Ang mga posters nya sa kwarto mo tsaka yung mga--" mabilis na tinakpan ni Katy ang bibig ko.

"Maya!"

"Ah, kaya pala ayaw mong ipakita ang kwarto mo. Tsk tsk tsk, isa ka talagang nakakatakot na stalker!" sabi ni Kei habang may nakapaskil na nakakalokong ngiti.

"I hate you! Hindi ako stalker!" tili ni Katy at nag-martsa na ito paalis.

Tumayo narin si Kei at sinundan si Katy matapos akong tanguan.

"Good luck best friend." mahinang sabi ko na hindi mapigilan ang pag ngiti ng todo.

****

"Okay na ba yung part mo?"

Masayang tinanguan ko si CL.

"Sige. Kita na lang tayo sa roof top mamaya."

Nalungkot ako ng tinalikuran na nya ako at umalis na. Parang iba sya.

"Maya dumating na ba si Katy?"

"Oh Light ikaw pala, hindi pa e bakit?"

"Di parin kasi dumarating si Kei."

"Ah." matamlay na sagot ko.

"Malungkot yata ang pinaka paborito kong pinsan?" sabi nya at inakbayan ako.

Tumingin ako sa direksyon ni CL na kausap ni Cindy.

"Parang ang sarap manakal ngayon diba?" sabi ko na nakatingin parin kina CL at sa isang nagpapanggap na prinsesa na lumabas mula sa isang fairy tale.

"Teka lang-" di na nya natapos ang sasabihin dahil hinarap ko na sya at sinakal ng pabiro.

"Argh! Nakakagigil talaga!"

"Ano ba Maya, papatayin mo ba ako?" reklamo ni Light na pilit kinakalas ang mga kamay ko sa leeg nya.

"Pwede ba?" tanong ko at binitawan ko na sya, tumalikod na lang ako para di ko makita ang pangit na tanawin na kinagigigilan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torpe ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon