~~~~~
Maya's POV
"T-talaga?"
"Oo." tumatango kong sabi.
Bakit ganyan naman reaction ni CL parang natatae. Ano kaya ibig sabihin nun?
"Ah jok--"
"Maya! Nasa school daw si Kei Katanashi?!"
Bestsfriend ko nga pala si Katy. At oo sya ang babaeng baliw na baliw kay Kei.
"Oo. Bilis ng balita ah."
"Aaahh! Totoo nga! Tara na dali para maabutan pa natin sya." ta-talon talon na sabi nya.
Excited na hinila nya ako panalik ng school.
"CL bukas na lang a? Di na mapipigilan to e. Bye!"
Tumango lang sya na parang wala sa sarili.
Anyare? Sinabi ko lang naman yung "Buri da ka" na di ko naman talaga alam ang meaning, gusto ko lang syang lokohin. Teka, baka naman bastos pala ang ibig sabihin num kaya ganon reaction nya. Ngek! Pag nagkataon turn off yun saken. Hindii! Patay sakin yang Kei na yan!
*The Next Day*
"Aah! Mamatay na sya! Ang lakas ng loob na sabihin na hindi ako maganda! Parang sinabi na rin nyang panget ako! Sinusumpa ko sya--"
"Magiging palaka sya na may pakpak at halo?"
"Besfriend talaga kita Maya! Inis ka rin sa kanya?"
"No."
"Che! Ewan ko sayo!" nag pout pa sya at nag roll ng eyes.
Ah ang cute talaga nito pag naiinis.
Nandito pala kami sa rooftop. Recess namin kaya tumambay muna kami dito para kumain at humanap ng katahimikan, pero ang kumain lang ang nagawa ko dahil walang tigil sa kakasalita si Katy tungkol sa kung gaano sya kainis kay Kei, na kahapon lang e sinasamba pa nya.
"Nandito lang pala kayo."
Napalingon ako sa nagsalita.
"Light. Bakit? Ano-- what the--? Anyare sayo pinsan ang--"
"Gwapo mo!!"
Sabay kaming napalingon kay Katy.
Okay sya na maharot.
Nanlalaki ang mga mata. Check!
Todo smile. Check!
Naka tip toe. Check! (ganyan sya pag kinikilig)
Magkasalikop ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Check!
Isang malaking este maliit na harot! May gusto na ito sa pinsan ko.
Pano ba naman hindi e, shemay! Ang gwapo ng pinsan ko.
Ang buhok nya na laging nakababa lang e naka fix ngayon, pero may natira paring nakababa sa bangs part, pang kpop ba. Naka unbutton ang polo dahilan para makita ang black t-shirt na panloob nito. Chuck Taylor shoes imbes na black leather shoes. Oh my! Naka eyeliner din sya. \m/ rock and roll ang peg nya.
Napakamot ng ulo si Light. Aw cute! "Ayos lang ba?"
"Oo. Super!" tumatangong sabi ni Katy.
Haay! Sya na! Kanina lang nagda drama. (。-_-。)
"Bakit mo pala kami hinahanap?" tanong ko.
"Ah, Sakin kasi kayo hinahanap ng mga nakakasalubong ko e." natatawang sabi nya.
"Sino naman maghahanap sakin?"
"Si Chris? Yeah si Christoper Lance classmate mo daw sya e."
Nanlaki mga mata ko. (//O.O//) si CL hinahanap ako? My Gee!
Nagpa-panic na hinanap ko sa bag ni Katy ang pulbos nya.
"Hahaha! Uuy dalaga na sya!" pang aasar ni Katy na ngayon e nakalingkis ng parang ahas sa braso ni Light.
At shems naman nakitawa pa ang magaling kong pinsan.
Feeling ko tuloy namula ako. "Che! Magsitigil nga kayo! Ikaw babaitang Maha (maharot) bakit hindi mo nalang hanapin at sundan si Kei Katanashi mo?" pang aasar ko sa kay Katy.
"Che! Che! Che! Hindi ko kilala yun."
Hahaha kala siguro nya!
"Kei Katanashi? O Takanashi?" tanong ni Light.
"Katanashi." Katy.
"Takanashi." ako.
Sabay pa kami.
"Ah. Btw hinahanap ka pala ni Kei." si Light.
"Ako?" nabiglang tanong ni Katy.
"Yeah. Tara puntahan natin sya."
Wala ng nagawa si Katy ng akbayan sya ng pinsan ko at inakay kung saan.
Natatawang sinundan ko nalang sila ng tingin.
Nalusaw ang ngiti ko at napalitan ng kaba ng makita kong papalapit si CL... Papalapit ... Sakin.
Pasimpleng kinapa ko ang mukha ko. Okay hindi pa naman oily, kaka-pulbos ko palang pala. Pinadanan ko din ng daliri ang buhok ko. Tumikhim ako paglapit nya.
"Ah Maya." nahihiyang sabi nya.
"O, CL hinahanap mo daw ako?"
"Oo. Tungkol pala dun sa sinabi mo kahapo--"
"Ah yun wag mo na isipin yun nagbibiro lang ako hindi ko nga alam ibig sabihin nun e, sinabi lang sakin yun ni Kei kahapon."
Napa-angat sya sa pagkakayuko nya. Tinignan nya lang ako.
"Ah ganun ba?" parang malungkot na sabi nya.
"Ahm.. Okay ka lang ba CL? Sorry ah. Ano ba ibig sabihin nun?"
~~~~~
CL's POV
"Ahm.. Okay ka lang ba CL? Sorry ah. Ano ba ibig sabihin nun?"
Darn! Biro lang ang lahat? Kala ko pa naman.. may gusto din sya sakin. Umasa pa naman ako. Ni hindi nga ako nakatulog kagabi sa sobrang saya sa sinabi nya. Yun pala..
"Ah sige aalis na ako Maya."
~~~~~
Maya's POV
Tumlikod na sya at naglakad palayo.
Ano kayang nangyari sa kanya? Parang nasaktan sya. Pakiramdam ko lalayuan na naman nya ako pagkatapos nito.
Hindi pwede! Ang hirap kaya pag hindi pinapansin ng crush.
"Teka CL!"
Tumigil sya pero hindi lumingon.
"Ano ba ibig sabihin nun?"
Tumuloy lang sya sa paglalakad. Deadma? Pakingteyp! Ano ba ibig sabihin nun?
"Christoper Lance!"
This time lumingon na sya.
"Ano ba problema mo? Kainis ka ah alam mo yun. Kung ano man ibig sabihin nung salitang yun, sorry, okay? Pesteng Kei yan sya may kasalanan nito e."
"Si Kei?"
"Oo, sya nagsabi sakin ng letcheng salitang yun e, itanong ko daw sayo. E ako naman tong si gaga ginawa ko naman. Ayan tuloy nagalit ka sakin. Sasapakin ko talaga sya pag hindi mo na ako pinansin ang hirap nun no! Kaya sorry na--"
Ow My Gosh!
Yung crush ko.
Si CL.
Niyakap ako!! \(//∇//)\
Pwede mahimatay? Ngayon lang naman ako mag iinarte e, please!
Sheyt! Ang bango nya! Calvin Klein! Sosyal.
Patuloy lang ako sa pagsinghot sa kanya ng biglang..
Click!
~~~~~
Sorry late UD.
BINABASA MO ANG
Torpe ang Crush Ko
Genç KurguPara to sa lahat ng torpe. Sa mga may gusto sa torpe. Sa mga may kakilalang torpe. Gaano ba kahirap maging torpe?