Manong

25 2 0
                                    

Gabi na kami nakarating ng Barkada sa resort kung saan nagkayayaang mag overnight.

Lahat kami pagod kaya napagkasunduan namin sa isang silid na lang sa second floor matulog tutal puro naman kami lalaki at malaki naman ang kwarto na aming inukopa.

Agad kaming binigyan ni Manang ng mga kumot at unan.

"Yung mga banig at kutson nandyan nakalagay sa gilid ng kabinet. Pag may kaylangan kayo, Katukin nyo lang ako sa baba!"

"Magpahinga na kayo"bilin nya sa amin,pagkatapos ay agad na din syang luamabas ng kwarto.

Dahil sa pagod agad kaming nakatulog. Hindi naman kaylangan ng aircon kasi malamig ang simoy ng hangin,nakabukas ang bintanang capiz sa gilid ng aming higaan.

Bandang alas kuwatro, naalimpungatan ako. Nakaramdam kasi ako ng pagka ihi.
Buti may banyo sa loob ng kwarto. Di ko na kaylangan lumabas.

Babalik na sana ako sa higaan. Napansin ko si Manong na asawa ata ni Manang. Nasa tapat ng bintana namin nagwawalis.

Ang aga naman mag walis ni Manong?! Sabi ko sa sarili ko. Babatiin ko sana kaso seryoso sa pagwawalis ng bakuran medyo nakayuko kasi sya. Agad din naman akong nakabalik sa pagtulog.

Tirik na ang araw ng magising kaming lahat, ang iba nakaligo na. Naghahanda na para humanting ng mga chicks. Malapit kasi sa dagat ang resort na nakuha namin.

Maya-maya pa bumangon na din ako. Feeling ko kasi maiiwan na ako mag-isa sa kwarto. Okay lang naman makakapag relax kasi ako ng husto. Lumapit ako sa bintanang Capiz para lumanghap ng sariwang hangin.

Masaya kong pinagmasdan ang mga kaibigan ko sa baba na naghaharutan sa buhanginan.

Medyo mataas pala itong kwarto namin, naalala ko kaninang madaling araw, Si manong nagwawalis sa tapat ng bintana namin. Paano nangyari yun?

Nakalimutan ko nasa second floor pala kami!!


Creepy CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon