Duet

29 2 0
                                    


Matutulog na sana si Vanj sa kwarto ng Ate Bads nya, Call Center agent kasi ito kaya laging wala sa gabi. Mas kumportable kasi duon dahil wala syang katabi, malaki pa ang kama at malamig dahil sa buga ng aircon na madalas sa umaga lang ginagamit dahil sa sobrang init.

Kesa makipagsiksikan sya sa kwarto kung saan duon din natutulog ang Mama nya at iba pa nyang kapatid.

Nang biglang nag ring ang celfone nya na nakalagay sa ibabaw side table, agad nya itong inabot at tinignan kung sino ang nakaregister sa screen na tumatawag,

"Si Blessie pala!" Anya sa sarili, masaya nyang sinagot ang telepono.

"Uy Kumusta long time no see! Di ka man lang nag tetext sobrang busy mo naman!" Bungad nya.

"Okay naman ako!Ikaw kumusta ka na balita ko promoted kana!" manlibre ka naman! biro ni Blessie.

30 minutes na silang nag kukwentuhan ng may mapansin si Blessie sa kabilang linya,

"Vanj ang ingay naman ng katabi mo, Sumasabay sa sinasabi mo!

"Talaga'!Baliw ka talaga! wala naman akong kasama dito!wag ka ngang manakot!"

"Di ako nanakot Pramis!"

Weeh?!Yoko na nga! Bye na! Next time ulit!

At Mabilis nyang pinatay ang aircon, at agad lumipat sa kabilang kwarto.

Creepy CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon