'Uy Be baka naman matulungan mo ako?! Bungad sa akin Ni Romeo, Service Crew ng isa sa mga stall sa foodcourt kung saan ako nagtatrabaho bilang Cashier.
"Wala akong pera, Malayo pa ang sahod!" Natatawang sagot ko sa Kanya, pero sa tingin ko di naman talaga pangungutang ng pera ang tinutukoy niya.
"Baliw!" Hindi naman ako nanghihiram, tatanong ko lang baka may kakilala ka na makakatulong sa pinsan ko. Di na kasi makausap ng maayos!' Mahaba nyang paliwanag.
"Ngeks, Eh di ipa check up nyo sa Doktor!" Feeling bibo kong sagot sa kanya.
"Bago mo pa sinabi ginawa na namin yan!" Sagot Niya, "Hindi kasi ordinaryo yun nangyari sa Kanya."
Medyo na curious na ako, akala ko kasi nagtitrip lang sya,
"Bakit anu ba nangyari?"
"Ganito kasi yun.. Umpisa niya. Sumakay sya ng Jeep pa- Dazma, (Cavite) papasok sa work. Nung nagbayad sya ng pamasahe buong isang daan yung pera niya. sabi nung driver wala daw syang barya. baba na sana yun pinsan ko, nun sumabat yung matandang babae na nakatabi nya. sabi, Sya na lang daw ang magbabayad. After nun wala na syang maalala. kwento ni Romeo.
"Buti nakapagkwento pa yung pinsan mo?!" Gulat kong tanong.
"Oo nga pero after nga nun nagsasalita na syang mag isa, minsan nagwawala pa. Nakarating daw siya ng Divisoria, Kungdi pa daw sya nabangga nun malaking mama di pa daw sya magigising.para daw syang nakatulog ng sobrang himbing. tapos yun na nga ang nangyari.
"Baka may kakilala ka, Sabihin mo agad sa Akin ha!" naawa na kasi ako sa Nanay niya. pakiusap ni Romeo sa akin.
'Sige wag kang mag - alala, kako magtatanong tanong ako para matulungan natin yung pinsan mo. Malungkot kong alo sa Kanya.
Friendly Reminder huwag basta - basta magpapalibre!
Please Vote and Comment kung nagustuhan Ninyo!
Thanks p0!!

BINABASA MO ANG
Creepy Collections
HorrorNarinig ko sa isang palabas na bawat empty space may mga bagay na nagfifill. Maaring Kaluluwa na hindi natin nakikita. 'Ikaw? May Katabi ka ba habang binabasa mo 'to? Siguraduhin mong nakikita mo sila, kasi baka sila lang ang nakakita sayo...