'Ate may kasalanan ako sayo!Sorry talaga, with puppy eyes na sabi ni Jabi.
'Ano na naman yon?' Tanong ko habang nakapamewang.
Di ko kasi alam kung nagbibiro ba sya at ginugudtaym lang ako.
'Kagabi kasi Ate, nag-aabang ako ng sasakyan pauwi, May Matandang Babae na lumapit sa akin, Sabi niya huhulaan nya daw yun pangalan ng taong ibibigay ko sa kanya, Eh kinabahan na ako, nasabi ko pangalan mo. Sorry talaga.' Mahabang paliwanag ng Kapatid kong kulang na lang eh sabunutan ko dahil pinahamak ako!
'At anu namang sabi nya?' Medyo na excite na din ako pero di ko pinahalata, baka isipin niya pinatawad ko na agad sya sa kalokohan niya.'Eto bang si El eh pinanganak ng July 30, Leo, at nag aaral sa kursong Masscom?
Tanong/Hula ng Matanda.'Oo' sagot daw ni Jabi sa matanda.
Medyo kinabahan ako kasi tama yun sinasabi ng matanda. Di man ako naniniwala sa mga hula medyo naeelibs na ako at the same time natatakot na rin sa usapan nila ng magaling kong kapatid.
'Makakapag - asawa si El ng isang gwapong lalaki, At magkaka-anak sila ng tikbalang.
Sabi ni Jabi na hula pa daw ng matanda.'Natakot ako syempre!tumakbo ako. Malayong malayo na nga ako sa Kanya.patuloy pa ni Jabi.
Natakot din ako para sa kaligtasan ng Kapatid ko kahit nakakabuwisit 'to, kapatid ko pa din sya at wala akong magagawa.
'Ang akala ko nakalayo na ako sa matandang babae.Kaso dun sa napuntahan ko nauna pa pala sya sa akin, Nakangiti pa nga sya. Tapos bigla syang umikot, si Manang naging lalake!'
Tapos sabay sabi ng Joke! Joke! Joke!
Dito nagsimula ang World War 3.
---Fin---

BINABASA MO ANG
Creepy Collections
HorrorNarinig ko sa isang palabas na bawat empty space may mga bagay na nagfifill. Maaring Kaluluwa na hindi natin nakikita. 'Ikaw? May Katabi ka ba habang binabasa mo 'to? Siguraduhin mong nakikita mo sila, kasi baka sila lang ang nakakita sayo...