"Iniwan na kami ni Papa"..malungkot kong anas sa aking sarili, habang pinagmamasdan ang Tatay ko sa loob ng salamin ng kanyang kabaong kung saan para lamang syang natutulog.
Nang biglang may pumisil ng madiin sa balikat ko, Si Uncle kapatid ni Mama.pagkatapos ay kinabig nya ako palapit sa kanya.
"Huwag kayong mag-alala tutulungan ko kayo magkakapatid" Ngumiti ako ng matipid, bilang tugon sa kanyang sinabi.
Uupo na sana ako sa isang upuan malapit sa kabaong ni Papa. Napadako ang tingin ko sa mga bagong dating na bisita, na kasalukuyang kausap si Mama, Sinenyasan niya ako upang lumapit, paglapit ko agad nya akong ipinakilala sa mga ito.
"Ito nga pala ang panganay ko,pakilala ni Mama sa akin. "Tiyuhin at Tiyahin mo sila mga kamag anak ng Papa mo".
Tipid akong ngumiti at nagmano sa kanila, kahit pa nga ngayon ko lang sila nakita.
"Buti po nakarating kayo!" Sabi ko na medyo nagtataka. Wala kasi kaming kakilala na kamag-anak ni Papa na narito sa Maynila, karamihan nasa Visayas kung saan sya pinanganak.
"Oo nga!"May tumawag kasi sa amin kahapon, Lalaki. Si Uncle Damian mo nga ang nakasagot, Ang sabi sa amin may kamag anak kaming namatay dito sa Paranaque. Wala naman kaming ibang alam na kadugo maliban sa Papa mo. Kaya pumunta kami dito".
Nagkatinginan na lang kami ni Mama.
Naniniwala ba kayo na nag-reach out si Papa?

BINABASA MO ANG
Creepy Collections
TerrorNarinig ko sa isang palabas na bawat empty space may mga bagay na nagfifill. Maaring Kaluluwa na hindi natin nakikita. 'Ikaw? May Katabi ka ba habang binabasa mo 'to? Siguraduhin mong nakikita mo sila, kasi baka sila lang ang nakakita sayo...