Hindi ko na maalala kung saan ko nabasa ang kwentong ito.Baka may nakabasa na sa inyo, Gusto ko lang i- share sa mga hindi pa nakakabasa. Para may maikwento din kayong katatakutan..
' Kainis naman 'tong last subject natin!madyado ng gabi! Reklamo ni Ida sa mga kaibigan.
Naglalakad sila sa Hallway papuntang Comfort Room, kakatapos lang ng subject nilang Research 5:30 - 8:30 pm.
Halos silang apat na lang ang natira sa fourth floor, ang iba nilang classmate ay nagmamadali ng umuwi, o di naman may gimik.
'Maghihilamos lang ako.' Sabi ni Karen sa mga kasama na malapit ng matapos sa pag reretouch. Umihi muna kasi sya pagka pasok ng C.R.
'Dalian mo ha! Hintayin ka namin sa labas! Sabi naman ni Grace sabay sukbit ng bag sa kanyang balikat.
Agad ng naghilamos si Karen, sinabunan nya ang kanyang mukha at mabilis na binlawan. Kanina pa kasi malagkit ang mukha nya. Dahil sa pawis at make up na naghalo na sa mukha nya.
Tinutuyo na nya ang kanyang mukha ng tisyu. Naririnig pa nya mula sa labas ang kwentuhan ng mga kaibigan.
Ng mapadako ang tingin nya sa salamin sa tapat ng pintuan ng cubicle sa likod nya.
May babaeng nakaitim. Na nakangiting nakatitig sa kanya mula sa salamin..
Kinikilabutang nag dasal si Karen, Hindi na rin niya kasi naririnig ang mga boses ng mga kaibigan na kanina lang ay malakas na nag ku-kwentuhan..
'Hail Mary full of grace, the lord is with you, blessed are you among the women. And blessed is the fruit of thy womb jesus'.
'Holy mary mother of god pray for us sinners, now and in the hour of our death..Amen'
Sa panggigilalas ni Karen ung babaeng nakaitim ang nakipag sagutan ng dasal sa Kanya!
Sa sobrang Kaba ni Karen, Malakas syang sumigaw at nawalan ng Ulirat..

BINABASA MO ANG
Creepy Collections
HorrorNarinig ko sa isang palabas na bawat empty space may mga bagay na nagfifill. Maaring Kaluluwa na hindi natin nakikita. 'Ikaw? May Katabi ka ba habang binabasa mo 'to? Siguraduhin mong nakikita mo sila, kasi baka sila lang ang nakakita sayo...