'Buti na lang wala ng tao sa fourth floor!' Sabi ko sa sarili ko na nagmamadaling tahakin ang CR sa ikaapat na palapag ng aming unibersidad.
Madalas na kasing sira ang Tiyan ko, dala siguro marahil ito ng pagkakasakit ko ng amoebiasis, kakainom ng palamig sa kalye.
Agad kong tinalunton ang pinakadulong cubicle.kumportable kasi ako kapag tahimik mas nakakapag concentrate ako sa aking pagmumuni muni.
Ang aarte kasi ng mga kaklase ko! Makarinig lang ng utot kahit walang amoy sasabihin na agad na mabaho! Kala mo mga hindi tumatae!inis na sabi ko sa sarili ko.
Walang anu-ano'y bigla na lang may tumapik sa noo ko, 'isa, dalawa, tatlong tapik, hindi ko na lang pinansin. Malimit ko naman na itong nararamdaman sa tuwing pumupwesto ako sa cubicle na ito.
Nagconcentrate ako. 'buti na lang dito tahimik!' Nililibang ko na lang ang sarili ko.medyo kasi kinikilabutan na ako.
Iba na kasi pakiramdam ko.medyo masikip at maalinsangan.pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may lalabas pa, nun feel kong wala na agad na akong nagpunas ng wet wipes nag flush at agad ng umalis.
Lakad takbo ang ginawa ko, hanggang sa makababa ako ng third floor. Nakasalubong ko si Ate, Yung Janitress ng school. Nakangiti sa akin. Alam nya sigurong galing ako sa aking pagdedeposito.
Nadaanan ko yung mga kaklase ko sa Research, na naghuhuntahan, medyo nag evesdrop ako na pinagsisihan ko sa bandang huli..
'Narinig nyo ba yun kwento dun sa cr sa fourth floor?' Hindi nila brinodcast sa lahat kasi kahihiyan ng school, baka wala ng mag enroll, may nagpakamatay pala na janitress dun, nagbigti, hindi nya kasi nakayanan yung pangangaliwa ng asawa niya! Dun daw sa last cubicle.kaya pala wala ng nag kaklase dun tuwing gabi!'
Yung Nagta tap pala sa noo ko eh paa ng babaeng naka bigti..
---end---

BINABASA MO ANG
Creepy Collections
HorrorNarinig ko sa isang palabas na bawat empty space may mga bagay na nagfifill. Maaring Kaluluwa na hindi natin nakikita. 'Ikaw? May Katabi ka ba habang binabasa mo 'to? Siguraduhin mong nakikita mo sila, kasi baka sila lang ang nakakita sayo...