Chapter 29

324 6 1
                                    

DARED

"What the hell!" I muttered when he closed the door.

Umikot siya papunta sa driver's seat at sumakay. He quickly maneuvered the car.

"What the hell do you think you are you doing?" I asked in disbelief.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay nanatili ang kanyang mga mata sa daan.

"Just because I am your secretary doesn't mean you can do whatever you want! At walang office ngayon dahil Linggo! Stop the car!" I demanded but he didn't even listen.

"Ano ba! I said stop the car! Kung gusto mong umalis, bakit mo pa ako dinadamay?!"

And I thought he's in Cebu? Why is he in the exhibit? Oh, ngayon nga pala yung uwi niya. Pero bakit nga siya nandoon? At bakit kami umaalis ngayon?!

"I have a date there! Ibalik mo ako dun!"

I saw his jaw clenched.

Naramdaman kong mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. Napansin ko din ang mahigpit na pagkakahawak niya sa manibela.

"Brennon, si Matthew baka hanapin ako!"

Bumaling siya sa akin at masama akong tiningnan kaya napatahimik ako.

He really have that authority. Isang tingin niya lang, masisindak ka na at mapapasunod ka na niya agad sa kung ano ang gusto niya.

Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nag tipa ng mensahe para kay Matt dahil mukhang wala na talaga siyang balak ihinto ang sasakyan.

To Matt:

I'm sorry. Something came up so I had to leave. I'm really sorry. I'll make it up to you, I promise.

Mabilis ko iyong isinend sa kanya.

Binili niya pa naman iyong painting na gusto ko pagkatapos ay iniwan ko nalang siya bigla... ito kasing walangya niyang pinsan eh! Kung di ko lang ito mahal, kanina ko pa 'to sinakal...

Tumingin na lamang ako sa bintana. Sa bilis ng pagpapatakbo niya ay nagiging malabo na ang mga punong dinadaanan namin.

Wait... puno?! Paanong may mga puno?

And then I realized that we were already out of the city!

"Where are we?" I started to panic. Hindi naman sa takot ako sa kanya dahil maaaring may gawin siyang masama. I trust him. It's just that we might lose our way.

Hindi na naman siya sumagot. Oh damn this man!

I gritted my teeth.

He better know where we are heading or else...

Nakainom ba itong lalakeng 'to at kung anu-ano nalang ang pinaggagawa. And he won't even bother explain himself!

Ilang sandali pa nang bigla niyang itinigil ang sasakyan. Kung hindi dahil sa seatbelt ay baka nasubsob na ako sa kinauupuan.

Mabilis siyang bumaba at pabagsak na isinara ang pinto. Halos mapatalon ako dahil sa gulat.

Okay... What the hell!

Parang na trigger yata ako. May karapatan din akong magreklamo 'no! Porke't empleyado niya lang ako... what he's doing is an abuse of his power!

Galit akong lumabas ng sasakyan at sumunod sa kanya. Nakatayo lamang siya, nakaharap sa siyudad habang nagpapakawala ng malalalim na hininga.

I noticed that we were in a high place. Asan ba ito?

Mula sa kung nasaan kami, tanaw ang magandang siyudad na nagmistulang kalawakan dahil sa mga city lights na mukhang mga bituin sa langit.

My Aloof ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon