I: JERK

14.6K 266 13
                                    

People fall inlove in the right place at the wrong time.

I'm still in my Senior High years when I first fell inlove. Pero may batas bang nagbabawal na mainlove sa isang eskwelahan? Wala. What's wrong is that there are things that should be prioritized first. And for a senior high student like me, I should know how to balance family, love and studies.

Pero minsan, hindi mo talaga maiwasang masaktan, lalo na't mahal mo ang taong yun na hindi maka-get over sa malanding ex niya.

"Bhe." I was snapped out of my thoughts when my bestfriend Rio called me.

I looked at her and frowned.

"Anyare sa mukha mo?" Natatawang sabi nito sakin.

Nginuso ko si Sandro na nakikipag usap sa ex niyang si Jannah. Mukha silang nagtatalo pero hindi ko alam kung bakit naiinis parin ako. Ayaw na ayaw ko silang nakikitang naguusap o nagkakatinginan man lang! Ang sakit sa mata! Nakakasore-eyes!

"Oh? Anyare dun?"

"Ewan ko. Yang putanginang malandi nayan eh. Sarap sabunutan sa pempem. Bat kasi ang martyr ng hudas na Sandro na yan?! Nakipagbreak na nga yung tao, ayaw pa layuan. Tanginang yan."

"Hoy bruha. Yang bibig mo. Palaklakin kita ng holy water diyan eh."

"Nakakatanggal ba ng sakit sa puso yang holy water na yan?"

Ngumisi si Rio. "Hindi."

"Itapon mo na lang. Wala palang kwenta."

Pabirong sinabunutan niya ako at tumawa. "Alangan namang magdala ako ng holy water? Aanhin ko yun? At isa pa, para sa makasalanan lang ang holy water, hindi sa sakit sa puso." Natatawang sabi nito.

Pero hindi ko magawang tumawa. Naiinis ako. Sobra. Oh hayan na, tumalikod na ang malandi. Ang lakas  ng loob na talikuran ang bebe kong si Sandro! Wala naman siyang dede! Flat ang letse!

"Hashtag mesheket." Wala sa loob na sabi ko habang tinititigan ang lulugo-lugong si Sandro na papasok na ng classroom namin. Hindi niya kami pinansin at dire-diretso lamang siyang pumasok. Aba, hindi pinansin ang kagandahan ko. Bulag lang?

"Hashtag tababoy."

"Nananahimik ang fats ko. Wag kang ano."

Natawa lang ito at hinila na rin ako papasok ng room. Saktong pagpasok namin ay nagring na ang bell.

Umupo nako at pinagmasdan siya. Nakaupo siya sa pinakaharap dahil lalaki siya. At ang mga girls naman ay nasa likod kaya naman malaya ko siyang nasisilayan. Mukha siyang nalugi. Duhh! Masyado niya naman yatang minahal yung landedeng yun? Ihampas ko pa sa kaniya yung Victoria Secret na push up bra ko eh, baka sakaling lumaki naman yung kaniya.

-

"Hoy. Bayanihan na raw." Siniko ako ng katabi ko. Tamad lamang na tumayo ako at lumabas hanggang sa may stairs. Bayanihan ang tawag namin kapag lilinya kami hanggang sa baba ng hagdan upang pagpasa-pasahan ang mga halaman para madiligan bago kami umuwi. Hindi kasi maaaring sa taas diligan ang mga iyon dahil mababasa ang corridor sa ibabang classroom.

Wala sa loob na sumali ako sa linya at kinuha ang ipapasang  paso nang tila ba napaso ako. Napahawak tuloy ako ng mabuti sa paso dahil baka mahulog. Pagbayarin pa ako ng prof namin, wala pa naman sa schedule ko ang magbayad ng basag na paso. Napatingin ako sa nagpasa sakin at napanganga ako ng makita si Sandro. Hindi siya ngumingiti pero ang pogi  niya parin. Tangina, bat ang unfair ng buhay?

"Ano Honeylore, wala ka bang balak ipasa yang paso? Madidiligan ba yan sa kamay mo?" Inis na sita ng katabi ko. Aba!

Inis rin na pinagduldulan ko rito ang paso at tumingin muli kay Sandro. Pero hindi parin nakatingin sakin ang loko. Ganon na ba ako kapanget?

"Hoy." Tawag ko sakaniya.

Tumingin lamang siya sakin sandali at ipinasa ang isa pang paso. Letseng paso. Pasimpleng hinawakan ko ang kamay niya. Wala lang, ang lambot kasi eh. Hmmm...

Napatingin tuloy siya sakin dahil sa ginawa ko. Ngumiti ako sakaniya bago ipinasa ang paso sa kabila.

"Bat sambakol yang mukha mo, Sandro?"

Sandaling kumunot ang noo nito sakin at kinuha muli ang isang pasong ipinasa sakaniya.

"As far as I know, we are not close."

Aray ko bhe!

-

IGS #2: THAT BLUE-EYED BEAST (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon