IV: US

7.2K 226 12
                                    


Nanlalatang bumangon ako sa kama at sinabunutan ang sarili. Now I know why many are getting insane because of love.

I didn't sleep well last night. And the very reason why? Apparently, it's that flat seeker hunk. Napahawak ako sa labi ko. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan kung paano humagod ang malambot niyang labi sa akin. It's kinda...suffocating in a nice way.

Jusko Sandro! You'll be the death of me.

Tinatamad na naglakad ako papuntang banyo ng kuwarto ko at naghilamos.

Napanganga ako nang makita ang sariling repleksyon. Tangina! I look like a ghost deprived of sleep. Damn it. Damn Sandro.

I hate him for violating the virginity of my lips. I hate him for making me look like a ghost! Ugh!

Hanggang sa pagdating sa school ay namumula parin ang mukha ko. I don't know why but nahihiya ako sa mga nakakasalubong ko. Feeling ko lahat sila may alam na nadevirginized na ang lips ko.

Thanks to my pink lipstick. 

"Pempem!" Nakasimangot na hinanap ng mata ko ang pinanggalingan ng boses. Nang makita si Rio ay agad na itinaas ko ang middle finger ko sakaniya. Natatawang sinabayan niya ako sa paglalakad at tinitigan. Habang tumatagal ay kumukunot ang noo niya.

"Putangina! Bat mukha kang zombie?"

Naiinis na hinila ko ang buhok niya. Mahina lang naman kaya hindi iyan masasaktan. Makapal libag niyan sa ulo eh.

"Eh ikaw, bat mukha kang uling?"

"Bago mo anuhin yung balat ko, tignan mo muna yang pata mo. Lahat na lang ba ng kinakain mo napupunta sa pata mo?"

"Uling." Inirapan ko siya at inunahan sa paglalakad. Akmang papasok na ako ng classroom nang matanaw si Sandro na patungo sa direksiyon ko. Tangina, hindi pa ako ready! Pwede bang magretouch muna for five minutes?

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko habang naglalakad ito palapit at tinititigan ako ng mariin. Nalusaw na ba yung lipstick ko? May pimples ba ako? Bat ganiyan yan makatingin? Tangina talaga.

"Honeylore." Shit bhe! Why does my name sounds so sexy  in his lips?

"Hoy, pata. Uuna na ako sa loob." Paalam ni Rio sakin habang nakangisi. Pagkatapos ay tumingin ito kay Sandro. "Hoy, Sandro. Uso ang condom ha?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Ngaling ngaling batukan ko ito kung hindi lang iyon turn off kay Sandro. Kainis talaga yang babae na yan.

Ngumisi lamang si Sandro at tinanguan siya. Tangina. Bat siya tumango? Tototohanin niyang gagamit siya ng condom? Ano to? Iva-violate niya narin ba ang pagkababae ko? Idedevirginized na rin ba niya ako? Tangina! Hindi nga ako ready!

Napatda ako ng bigla akong sundutin nito sa noo. "I know what you're thinking, woman." Nakangising sabi nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko naman iniisip na makipag sex sayo tapos gagamit ka ng condom! Never!" Defensive na sabi ko.

Nagulat ako ng bigla itong bumunghalit sa tawa. Natutop ko ang bibig. Ano ba tong pinagsasabi ko? Nakakahiya! Kainis.

Nagulat ako ng akbayan ako nito. "Come on. Let's just talk after class. Any minute now, our prof will be here."

Parang tangang nagpatangay na lamang ako sa kaniya at hinawi ang buhok sa likod ng tenga.

Konti na lang talaga, tototohanin ko na yang condom na yan!

--

Hindi ko alam kung bakit panay ang lagay ko ng lipstick ngayon. Tuwing aalis yata ang mga prof, nagreretouch ako. Eh pano ba naman kasi? Yang Sandro nayan. Masyadong halatang patay na patay sakin. Kung makatingin akala mo mawawala ako sa paningin niya. Pero siyempre gustong gusto ko naman, atleast napansin na niya ang lipstick ko diba? Diba?

Medyo nakakapagtaka lang talaga ang mga inaasta nito ngayon. Nakakapagtaka rin na wala ng sumusunod sakaniyang flat chested. Nagbago na ba siya ng standards? Like, in a snap, he's into big-breasted people now? If there's such term. Tangina. Oh baka naman pata ko ang napansin niya?

Jusmiyo.

Nang matapos ang last period sa tanghali ay nagulat ako ng hilahin ako nito palabas hanggang sa basement.

Dito na? Ito na ba yun? Mava-violate na ba ang pagkababae ko? Gagamit na ba siya ng condom? Puta, anong gagawin ko? Hubaran na ba? Ano na--

"Get in." Napatigil ako sa pagiisip nang buksan nito ang pintuan sa front seat.

"Dito sa kotse?" Exaggerated na tanong ko. Bat dito? Ang cheap!

"What?" Kunot noong tanong nito.

"Dito tayo magsesex?! Ayoko rito! Sa kama dapat!"  Frustrated na sabi ko. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Hindi iniisip kung saan komportableng makipag sex ang mga babae? Kainis ha, ang selfish!

Nagulat nanaman ako ng tumawa ito ng pagkalakas lakas. Namula ako at napatingin sa paligid. Maraming mga estudyante ang napatingin samin kaya lalo akong nahiya. Bat ba to tumatawa? Nakakainsulto ha!

"You never failed to amuse me, woman. Just get in. We'll go somewhere--not to have sex but to talk. So keep your dirty mind out of the line." Natatawang sabi nito. Napanguso ako upang itago ang pagkapahiya.

Paasa ka Sandro. Paasa.

--

"Eat." Napakagat labi ako habang sinusundan ng tingin  ang pagkain. Medyo nalito pa ako sa sinabi niya.

Eat na daw ako. Ng pagkain o siya? Ay letseng utak.

Bago ko pa man siya makain ay kumain na ako ng totoong pagkain. Napapapikit pako sa sarap.

"Hoy." Ngumunguyang tinawag ko siya. He's not even eating and just staring at me as I rummage the food.

Tumaas ang kilay niya sakin.

"What's there to talk about, Montreal?"

"It's babe for you, Honey." Ay puta. Bat kinikilig ang ingrones ko?

"Babe? Hindi naman kita boyfriend." Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga at nagpacute sa kaniya.

He laughed heartedly and bit his lips. He murmured a cuss smilingly. Damn gorgeousness! "Hindi pa ba? I thought I'm already yours the moment I devirginized your lips."

Napaubo ako dahil sa sumalang na pagkain sa lalamunan ko. Tangina! Pano niya nalaman na siya ang nakadale sa birhen kong labi?
Agad niya akong inabutan ng iced tea.

"Joke ba yan?" Hysterical na sabi ko sakaniya.

"Nope. And this isn't a dream either. You're mine now, Salvejo. And sooner, you'll be a Montreal. Always remember that."

Isa lang ang masasabi ko.

Hindi na flat chested ang type ni Sandro. Thank you Lord!

--

IGS #2: THAT BLUE-EYED BEAST (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon