Chapter 11 - Souvenir

2.4K 62 3
                                    

Tinignan ko ang phone ko nang nagnotify ang viber ng message.

Liam:
Gising ka na?

Before mag Christmas break ay hiningi niya ang number ko. Since then we have been texting or viber.

Nagreply naman ako.

Me:
Morning person ako remember?

Liam:
Kailan ka nga ulit babalik?

Me:
Thursday!

Nasa Hong Kong kasi kami ngayon para dito magcelebrate ng Christmas. Medyo malungkot nga kasi hindi kasama si Seb. May sariling trip rin kasi ang family nila.

Masaya rin kasi siyang kasama sa mga ganitong out of country trip. At nabobored nanaman ako dahil magisa lang ako.

Dahil hindi naman namin first time makapunta dito ay halos alam na ni Mama ang mga pupuntahan at kung paano puntahan. Si Papa minsan nagpapaiwan lang sa hotel at kami ni Mama ang namamasyal.

Binilhan ko rin si Seb ng mga pasalubong na alam kong gusto ko. Iniisip ko rin kung ano ang pwede kong ibigay kay Liam.

I want to give him something and parang Christmas gift ko na rin 'yun sa kanya but I can't think of any.

Hindi ko naman matanong si Mama dahil malalaman niyang may pagbibigyan ako.

Then as we walked inside a souvenir store, may nakita akong bracelet doon at siya agad ang naisip ko.

It's the thought that counts. Hindi naman kailangan mahal ang ibigay na regalo diba. So I bought it immediately.

Nilagay ko agad sa loob ng bag ko para hindi makita ni Mama.

"Let's go? May nakita ka ba?"

Umiling lang ako.

Binilhan ko rin si Sebastian ng egg tart na pinapabili niya. Since nasa Japan siya cheese tart naman ang pabili ko sa kanya.

Dumating ang pasukan at excited na ulit akong pumasok. As usual maaga nanaman ako and as usual Liam was seated in front of my chair.

I know it was Liam but..

Napahinto ako sa paglalakad nung lingunin niya ako. I blinked and blinked again as I process his new look.

Sumimangot siya at nung hindi ko na napigilan ay natawa nalang ako. Ang lakas ng tawa ko at pakiramdam ko maiiyak na ako.

"Tawa ka pa. Tawa ka lang, Flynne."

Alam kong nagpakalbo si Seb pero hindi ko alam na si Liam rin.

Is this some kind of a requirement?

"Anong trip niyo? Bakit ka nagpakalbo?" Nakatingin ako sa ulo niya.

May mga maliliit pang buhok na natira doon but gone was his long hair na inaayos niya pa dati.

Narinig ko nalang na minunura niya si Seb under his breath. Don't tell me this is my cousin's idea?

"Trip lang ba 'yan o kailangan talaga?"

"Don't ask." Then he ran a hand in his now short hair.

Natatawa pa rin ako at hinawakan ko rin ang ulo niya. "At least hindi ka naman super kalbo. Hindi pa naman pang Mr. Clean so okay lang naman.. hindi naman pangit."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kung alam ko lang matatawa ka ng sobra sana matagal ko na 'to ginawa." Sarcastic niyang sabi.

"Bagay naman sayo. Di bale, gwapo ka pa rin naman." Pinigilan ko nang tumawa pero nakangiti pa rin ako.

"So inaamin mong nagwagwapuhan ka sa akin?" Tumaas ang kilay niya.

"Did I ever say otherwise?" Tumaas rin ang kilay ko.

Doon lang siya ngumiti.

Hinanap ko sa bag ko ang ibibigay ko sa kanya. Inabot ko iyon sa kanya habang wala lang tao sa room.

"Pasalubong ko sayo."

He eyed me first bago niya kinuha sa kamay ko ang bracelet.

Tinignan niya iyon ng matagal at ako ulit. "Binili mo talaga 'to para sa akin?"

"Yes. Alam ko bracelet lang 'yan pero ikaw agad ang naalala ko. Hindi ko alam kung magugustuhan mo pero--"

"No. I like it. Thank you. Hindi ko lang inexpect na may ibibigay ka sa akin."

My lips slowly formed a smile. Simpleng bracelet lang siya na kulay black na tali tali ang style.

I think it's handmade and may pagkachinese ang style na halatang hindi dito nabili so binili ko na.

It doesn't look expensive but it's unique at tingin ko ay bagay sa kanya.

"I can't wear this when training." He said.

Nawala sa isip ko iyon. Oo nga pala bawal ang any acessories sa kanila sa training at sa game.

Then tumayo siya at kinuha ang bag niya. Pinanood ko siya habang tinatali niya 'yun sa bag niya.

Well it can do too. At least nagustuhan niya.

Since then palagi akong napapatingin sa bag niya kung nandoon pa ba ang bigay ko. Minsan napapansin ko na suot niya at minsan naman nasa bag niya.

Ang sarap pala sa feeling pag 'yung taong pinagbigyan mo ng something naappreciate 'yung bigay mo kahit na simpleng bagay lang.

Habang nagtuturo ang filipino teacher namin ay may tinuturo sa akin si Liam. Pag tingin ko ay nakita kong nakatingin lang si Eugene kay Rach.

Maloko naman ngumiti si Liam. Pakana niya 'yan. After ng performance namin last time inaasar niya si Euge kay Rach at hindi namin inakala na talagang magkakagusto nga siya sa strict na leader namin.

Napangiti rin ako. And mouthed the words, "Ang lakas talaga ng trip mo."

"What? Bagay sila!"

"Don't play cupid." Dahan dahan kong sabi para maintindihan niya.

Nakatago ako sa likod ng kaharap ako at siya ay medyo nakasandal sa desk para hindi kami makita ng teacher.

"Walang naman masama." Nanlaki pa ang mata niya.

"Ewan ko sayo. Mukha ka pa rin itlog." Loko ko sa kanya.

Medyo mahaba na ang hair niya ngayon kumpara sa unang gupit pero niloloko ko pa rin siya.

Dahil conscious pa rin siya napahawak nanaman siya sa buhok niya.

Natatawa nalang ako sa kanya.

"Gwapo naman."

"Itlog!" Nagshape pa ako ng bilog gamit ang kamay ko.

Bigla siyang tumawa at agad akong napaayos ng upo.

Naging alerto naman agad ang mataray na filipino teacher namin.

"Anong nakakatawa, Liam? Kanina pa ako nagtuturo dito tapos hindi ka nakikinig? Tumayo ka hijo."

Napakagat siya sa labi at tumayo.

Then our filipino start giving him lecture about varsity players na walang alam kung hindi puro kalokohan at laging inuuna ang games kaysa pumasok ng klase.

May galit talaga 'tong teacher namin sa lahat ng varsity.

All the while tahimik lang niyang tinatanggap ang sermon ng teacher namin.

"Sorry po, ma'am."

Pag upo niya ay nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. "Ikaw kasi!"

"Ikaw kaya."

Napangiti nalang kaming dalawa at humarap sa teacher namin.

Chasing Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon