With all the morning talks and recess time hang out in our classroom unti unti kami naging close ni Liam.
Minsan nagpapasahan pa rin kami ng notes pero madalas naguusap nalang kami while mouthing the words dahil magkatabi naman kami at para rin hindi na kami makaistorbo ng ibang tao. But we never really talk when we're outside of the classroom.
Bihira lang rin kami magkita pag uwian dahil madalas rin siyang may practice at nagsisimula na rin kasi ang laban nila.
Pinipilit ako ni Seb na manood pero talagang ayaw ko. Niyayaya rin ako ni Liam kung gusto ko pero tumatanggi rin ako kahit na magpacute pa siya.
Ang bilis rin ng oras at sembreak na. Which means 2 weeks kong hindi makikita si Liam at ngayon ko lang rin namalayan na hindi ko nga pala alam ang cellphone number niya.
Dahil hindi ko naman 'yun kinailangan. Ayaw ko naman hingin kay Seb at lalong ayaw kong hingin kay Liam kaya hindi ko ginawa besides araw araw naman kaming nagkikita so naisip ko na okay lang.
Nung Halloween night napilit rin ako ni Seb na pumarty. Lahat kaming magpipinsan ay pupunta. Even our cousin na mas bata pa sa amin ay sumama kaya wala akong dahilan na hindi sumama.
Kahit ang parents ko ay pinipilit na sumama ako.
Pagdating sa party ay agad humiwalay si Seb. Kasama ko ang mga natirang pinsan ko na hindi pumunta sa bar para kumuha ng alak.
Pupunta sana ako sa may mga upuan para umupo nang may tumawag ng pansin ko.
"Flynne!"
"Liam!" Gulat kong sabi. "Bakit ka nandito?"
Ngayon ko lang siya nakita outside school at ngayon ko lang rin siya nakitang hindi nakauniform. He was in jeans and black shirt na fit kaya kita ko ang muscles niya.
"Naginvite si Valdez. Ikaw sinong kasama mo?"
Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Seb. Lahat na yata ay ininvite niya dito ah.
"I don't even know why I'm here. Kasama ko mga pinsan ko."
Then an arm draped over my shoulder. Paglingon ko ay nakita ko si Seb. "Kanina pa kita hinahanap!" Sabi niya sa akin at napatingin sa kasama ko.
Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko na parang doon lang nakita si Liam. "Oh Ramos nandito na pala kayo."
"Yeah. Sila Cedric nasa may bar."
Seb clicked his tongue and whispered in my ear before he left. "Don't talk to strangers. Call you later, cuz."
Nakatingin lang si Liam the whole time sa amin habang nakataas ang kilay. Nagtataka siguro siya sa closeness namin ni Seb.
"Hindi mo sinabing magkakilala pala kayo ni Valdez?"
"Yup. Actually he is my cousin." Sabi ko pero bago ko matapos ang sasabihin ko ay may mga lalaking nagsisigawan na lumapit sa amin. Dinumog nila si Liam.
I think mga players ata sila pero hindi ko kilala.
"Hi." One of them said to me. Ngumiti lang ako.
Liam shoved them all away. "Oo susunod ako. Sandali lang." Then tinutulak na niya sila paalis.
"Sorry. Ano ulit?"
This time bago pa ako makasagot ay lumapit na ang mga pinsan ko sa amin. "Tara Flynne! Doon tayo!"
Hindi ata nila alam na may kausap ako dahil hinihila na nila ako palayo.
Sumama ako at dinala nila ako sa may mga nagsasayaw.
Nagtry rin ako ng isang shot at napangiwi sa lasa. Bakit gustong gusto 'to ng mga tao kung ganito ang lasa?
The night ended without us seeing each other again.
Dumating ang pasukan at hindi ko alam pero medyo excited akong pumasok. Ang aga ko pang nagising para lang maghanda.
Pagdating ko ng classroom ay wala si Liam pero nandoon ang bag niya. Alam ko na agad kung nasaan siya dahil tambayan rin namin 'yun.
Pumunta ako sa may balcony ng building at nandoon nga siya.
"Good morning!" Sabi ko habang nakatalikod pa siya.
Huminto ako sa tabi niya at ngumiti.
"Morning. Ano ba 'yan talo nanaman kita. Mas maaga nanaman ako sayo."
"Sorry kung hindi ako kasing excited mo pumasok ng school ha?"
"Bakit parang ang tagal natin hindi nagkita. 2 weeks lang naman." Sabi niya.
"Nagkita kaya tayo nung Halloween."
"Yup. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit kayo magkakilala ni Valdez." Kumunot ang noo niya.
Is that really important? Gusto kong matawa dahil hindi pa rin niya makalimutan ang tanong niya.
And suddenly parang ayaw kong sabihin sa kanya na magpinsan kami ni Seb.
"Basta. Alam mo naman sa school halos lahat magkakilala."
He nodded without asking further questions.
Agad naman nagsimula ang klase. 2 days pa lang ang dumaan at agad na nagturo agad ang mga teachers.
Parang hindi sila dumaan sa bakasyon lang at ang sipag agad nilang maglecture. Habang kami ay may hangover pa sa bakasyon.
"Okay class let's count from 1 to 4. Start." Our english teacher pointed at the first student on the first row.
We are forming a group dahil may play siya na pinapagawa sa amin. Isa sa pinakaayaw kong pinapagawa ng mga teachers ay mga play at mga roleplay.
Hindi ko talaga gusto ang mga ganon activities pero wala naman akong magagawa.
"Group 1 stand." Tinignan ko ang mga classmates kong tumayo. "Choose your leader. Okay group 2."
Ang mata ko ay nasa isa lang namin classmate na mahilig sa mga ganitong play. Hindi ko nasundan kanina kung anong group siya pero sana magkagroup kami.
Please. Sana magkagroup kami--
"Group 3."
Unti unti akong tumayo at halos magsisigaw ako sa tuwa nung nakita kong tumayo rin siya. Nanlaki naman ang mata ko nang nakitang nakatayo si Liam.
We're groupmates!
Pinalapit niya ang mga group leaders para pumili ng play na gagawin.
"Class, I'll give you the remaining time to talk among yourselves and I expect a good performance after 3 weeks."
Naghiwahiwalay na ang mga magkakagroup para magusap.
"Guys, Grease 'yung nabunot ko. Familiar naman kayo dun diba? 'Yun ang gagayahin natin. So we need 2 volunteers para sa main lead." Sabi ng leader.
Nagtinginan kaming lahat at iniwasan ko ang tingin ng leader namin dahil ayaw ko. Kung pwede nga narrator nalang ako.
May narrator ba dun?
He sighed. "Magbunutan nalang tayo para walang reklamo."
One of us start tearing paper and crumpled it into little balls. Magkahiwalay na nagbunutan ang mga girls at boys.
Shit malas pa naman ako pagdating sa mga ganitong bunutan.
Ang tagal kong tinignan ang mga maliliit na bilog sa kamay ng kagrupo ko as if makikita ko ang nakasulat.
Ugh bahala na. I just picked a random piece.
When I opened it napamura nalang ako dahil main ang nakalagay doon.
Ako ang female lead! Shit lang talaga.
Napatingin naman ako sa mga boys na nagbubunutan rin at pinigil ang hininga hanggang sa isa sa kanila ang nagsabing main siya.
Nanlumo rin siya katulad ko.
But at least hindi si Liam ang main dahil hindi ko ata kakayanin pag siya ang main.
"Ikaw ang bida? Nice." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Liam.
Pinagtatawanan ba ako nito?
BINABASA MO ANG
Chasing Love (Completed)
Storie d'amoreLove is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?