"May game kayo sa Friday diba?"
Nakaupo kami sa may bench sa bandang likuran ng school garden.
Konti lang ang mga taong dumadaan dito dahil sa rumors na may multo daw dito sa garden. Ang pinaka hindi ko makakalimutang rumor ay 'yung pag dumaan ka dito kailangan mong ibaliktad ang ID mo para hindi makita ang mukha or else..
That's it. I used to do it before dahil natatakot ako pero ngayon nakakatawa nalang para sa akin 'yun. Malamang tawang tawa 'yung nagpakalat 'non pag nakikita niya ang mga tao na tinatakpan ang id.
Now, sasabihin kong mas takot pa ako sa taong makakakita sa amin kaysa sa multo.
"Manonood ka?"
"Pagiisipan ko pa."
"Wag na pagisipan. Natuwa ka naman nung last game."
"'Yun ay kung mananalo kayo." I joked.
"Mananalo kami pag nandun ka."
Nakatanggal na ang first two buttons ng uniform niya at kita ang puting tshirt niya sa loob at magulo ang buhok niya. Mukhang bagong gising si Liam pero bakit ang gwapo niya pa rin?
"Line mo ba 'yan para sa mga fans mo? Because I saw some who cheers for you and almost cried when you scored and won."
"Pumasok lang ang bola dahil nandun ka." Nagtaas baba ang kilay niya.
"Ah. So ganyan mo pala binebrainwash mga babae dito sa school." I nodded continuously. "Wait, dito mo rin ba ginagawa sa garden?"
"That's why I brought you here. Anong tingin mo? Is it working?"
"No. Isa pa kung manonood ako si Seb pa rin ang ichicheer ko. Loyal fan kaya ako."
"I don't need to snatch you from him. Pag nanood ka kusa kang magiging fan ko." He laughed. "Baka gumawa ka pa ng fan club?"
"Ugh bakit ang hangin bigla? Mali pala ang pagkakakilala ko sayo. Mayabang ka pala talaga."
Tumawa ako ay siya rin. "Pero seryoso. Manonood ka ba? Kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin."
"Alam mo ganyan ganyan mga sinasabi ng mga taong namimilit. Sige na nga, manonood ako pero pag kasama si Tati. Tatanong ko pa kung gusto niya."
Pero alam ko na ang sagot niya. Siya pa nga parati ang nagpupumilit na manood kami. Malamang excited na iyon ngayon para sa game.
"And if you do will you cheer for me?" He tilted his head and I can see that he is really curious.
Hmm.. will I?
"Ichi-cheer ko 'yung buong team."
"Sabi ko ako. You'd cheer for me right?"
"You're part of the team so I guess so. Yes."
xx
Ramdam na ramdam ko ang bawat paghampas ng mga drums sa tenga ko as if I'm just seated beside them.
We are watching the game but this time wala nang pumilit sa akin. Mas naenjoy ko this time dahil halos kilala ko na sila at hindi lang sa mukha.
Dati dalawa lang ang kilala ko now I also know Cedric and Jordan too.
I can see Liam looking around as they entered the court. Feeling ba ako kung sinabi kong baka hinahanap niya ako?
Then his eyes found the side where I'm seated. But then I saw Viktoria, seated at the front row waving at him. Then he smiled at her.
Tapos nagsimula na ang game.
"Go Romero!" Tati shouted.
Of course she's shouting for Jordan Romero. Sino pa ba? Ngayon lang rin nag sink in sa akin na siya 'yung classmate na sinasabi ni Tati last year.
"You're not the only one who has player friends." She once said to me.
Viktoria was cheering for Liam. Hindi siya sumisigaw but she clapped her hands and raised her thumb at him every time he scores.
Ako hindi ko alam kung sino ang dapat kong suportahan. Nakatanggap ako kanina ng message galing kay Cedric na sinabing icheer ko siya. At si Liam ay umaasa ring icheer ko siya. Not to mention Sebastian who the moment he knew I'm watching ask me to cheer for him too.
So can I just shout our school's name then?
I remained seated for the first 2 quarters. Tahimik lang akong nanonood at paminsan napapatayo lang at napapasigaw."Hindi ka ba nageenjoy?" Tati asked. "Kung sabagay kulelat ang team. Mukhang walang sa mood si Liam at ang pinsan mo ah?"
"Yeah. Pero ang galing ni Jordan."
At parang nagulat siya sa pagmention ko ng pangalan. Yes, Tati, I know his name. Hindi lang ikaw ang may kilala sa kanya.
"Icheer mo kasi ang pinsan mo para ganahan. Tayo na! Start na ng 3rd quarter."
Tumayo ako at nagsimulang magcheer. Favorite part ko sa panonood ay magcheer dahil ang sarap sa feeling na 'yung taong chinicheer mo nakakascore and you can assume that it was because of you.
The moment I started cheering. Sunod sunod ang pagscore ni Liam na parang bigla siyang ginanahan sa paglalaro.
I shouted at whoever has the ball. Sinigaw ko rin ang pangalan ni Cedric at ngayon ko lang nalaman na Kho pala ang apelyido niya. Maybe that's why they call him by his first name dahil medyo weird nga naman na tawagin siyang Kho.
That explains the chinky eyes.
"Cedric!" Sinigaw ko ang pangalan niya when he scores a 3pts for the team.
"Oh my God!" Napahawak ako kay Tati nang tumalsik ang pinsan ko.
Someone had pushed him at literal na tumalsik talaga siya.
Napatayo si Viktoria sa pwesto niya. The only time I saw her having a reaction towards Seb.
"Hala. Hindi ata siya makatayo." Nagaalalang sabi ni Tati.
Natigil muna ang laro saglit dahil inalalayan nilang makatayo si Seb. Tumango naman siya at sinabing okay lang siya pero hindi na siya naglaro pagkatapos nun. Bumalik siya sa bench at nagpahinga.
I see their coach talking to him and him nodded and nodded.
The game resumed and they played the last 5 minutes without him.
"Go Liam! Liam! Go Cedric!" Pakiramdam ko mapapaos ako nito bukas but I don't really care.
Sa ginawa ng kabilang team sa pinsan ko I know we have to win. At least maging worth it man lang ang pagkatalsik ng pinsan ko.
My breath hitch on the last 10 seconds. Then the buzzer sounds. They had announce that our school had won.
The players jumped and ran to the bench and hugged each other. Nag group hug sila at sinigaw ang pangalan ng team.
Bumaba agad kami habang naghihintay sa may gate dahil hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Seb.
Hindi ko muna naisip kung gaano kagaling si Liam sa paglalaro. How he plays got me to like basketball a little..
Sebastian. I need to see him.
Pagkatapos ng halos isang oras ay nakita ko siyang pababa na ng hagdan kasama ang ilan mga players.
He looked okay though 'yung mukha niya hindi okay. Parang may masakit na hindi ko alam.
Lalapit na sana ako when suddenly Viktoria was there. Lakad takbo ang ginawa niya at kay Seb agad ang diretso niya.
Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa. She had punched Seb in the arm.
Nagulat rin si Seb sa ginawa niya pero natawa after.
"Okay ka lang ba?" She askes after punching him.
Nanonood lang kami ni Tati sa likod at inangat ko ang tingin ko kay Liam pero nagkibit balikat lang siya habang malaki ang ngiti.
"Well I hope you're not. Ginusto mo naman 'yan. You shouldn't have block the guy. He's twice your size." She said right after. Parang nawala agad ang pagaalala niya kanina.
"Anyway congrats boys." Then she storms off.
My mouth fell open as I watch her.
BINABASA MO ANG
Chasing Love (Completed)
RomansLove is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?