Chapter 12 - Last Day

2.4K 60 4
                                    

I didn't expected that one whole school year would go by that fast. Last day na namin ngayon. Magtatake lang kami ng exam ngayon at tapos na.

Hindi ko na makikita si Liam. Unless classmates pa rin kami next year.

My classmates were all really excited for summer vacation at gusto na nilang matapos ang exam pero ako parang gusto kong huminto ang oras.

Mabagal akong naglalakad papuntang classroom hoping that time would tick slowly too.

There, I can see Liam in his seat. Waiting for me. Today is the last morning that we get to talk to each other like this.

Alam kong mamimiss ko ang paguusap namin but will I miss him? Si Liam na walang ginawa kung hindi magpatawa at kulitin ako.

I grab the door knob and turned it.

"Good morning." Bati ko sa kanya.

"Good morning. Nagreview ka?" He said and that's when I saw he is flipping his notebook.

Tumango ako. "Sympre. Ayaw ko kayang maiwan sa 3rd year."

So both of us reviewed. Tinatanong niya ako at tinatanong ko rin siya. Marunong na naman ako pero gusto kong tanungin lang niya ako ng tanungin.

Ayaw kong isipin na last day na talaga so I tried to occupy myself with the exam.

Mabilis akong natapos sa exam at ang ginawa ko ay sinandal ang ulo sa braso ko, paharap sa pwesto ni Liam at pumikit.

Kung titignan ako ng teacher ay mukha lang akong natutulog habang naghihintay pero ang totoo niyan pinapanood ko si Liam. Nagsasagot pa siya at paminsan ay kumukunot ang noo niya at tinatap rin niya ang ballpen sa may labi.

Ako lang yata ang maswerteng babae na may chance panoorin ang crush habang seryosong nageexam.

Nung binalik niya ang cap ng ballpen niya. Alam kong tapos na rin siya magexam. Aalisin ko na sana ang ulo ko at aayos ng upo pero nagulat ako nang ganon rin ang ginawa niya.

He rest his head on his arm while facing me. But he didn't close his eyes like I did. Tinitignan rin ba niya ako? Akala ba niya natutulog ako o alam niyang nakatingin ako kaya tumingin rin siya sa akin?

What I did next surprised me. I didn't think twice before I opened my eyes and stared back at him.

I don't know but we stayed like that for the rest of the remaining time. My heart was beating twice faster. If this is the effect of looking at him I don't know what will happen if his hands touch mine again.

"Time's up! Pass the papers." Our teacher clapped.

Doon lang ako natauhan. Siya rin ay biglang napaupo. I was so deep in my trance that I didn't bother looking at the time.

Habit ko pa naman ang magdouble check last five minutes before passing the papers. Since wala na akong time tinignan ko nalang kung naisulat ko ang pangalan ko at lahat may sagot then passed it.

Pagkapatapos ayusin ng teacher ang papel ay tumayo na siya. "No more papers? Okay, see you all next school year. Enjoy your summer vacation."

The class cheered at isa isa silang nagmadaling lumabas ng room habang nakaupo pa ako.

Bakit ba ang lungkot lungkot ko samantalang magkikita pa naman kami. Hindi naman siya lilipat ng school para hindi ko makita.

"Liam Ramos." Tinawag ko siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I just know I wanted to say his name. Hindi ko masyado sinasabi ang pangalan niya but when I did it really makes him smile like an idiot.

"Kung kailan last day.." Nanliit ang mata niya.

"May next year pa naman ah." Sabi ko sa kanya kahit na hindi rin ako convinced dahil malaki ang chance na hindi na kami maging magkaklase.

"Yeah."

"So bye? See you sa pasukan?" Sabi ko nalang when what I really wanted to say was, sana maging classmates pa rin tayo.

"See you, Flynne."

That was the last time we really talked.

Hindi na kami ulit nagkita pagkatapos nun. I spent my summer vacation with Seb constantly annoying me. Nakikipagkita rin ako kay Tati at sa iba ko pang kaibigan.

Mabilis rin natapos ang vacation at pasukan na ulit.

The first thing I did was to look at the list of students enrolled in 4th year. Hinanap ko ang pangalan na gusto kong hanapin sa section ko pero hindi ko siya nakita doon.

I knew we weren't going to be classmates but I still had hope until I saw the board. And no luck too because hindi rin kami magkaklase ni Tati.

Kung sino gusto kong maging kaklase 'yun ang mga hindi ko nagiging kaklase. Nananadya ata talaga ang nagaarrange ng sections eh.

"Sayang hindi tayo magkaklase." Biglang sumulpot si Seb sa likuran ko.

"Mabuti nalang talaga." Sabi ko.

"Anong mabuti? Malas mo hindi mo ako naging classmate. Mabuti ka dyan!" Kinurot pa niya ang ilong ko.

Pinalo ko ang kamay niya at sasagot pa sana kung hindi ko lang nakita si Liam naglalakad palapit.

Sa tabi niya ay si Viktoria. As usual Viktoria is still beautiful mas gumanda pa siya lalo dahil bagong style na ang buhok niya at bagay na bagay sa kanya.

While me, walang pinagbago. I didn't even changed my hairstyle. Nagpagupit ako pero sinabi ko lang na trim. And that's it.

Seb and Liam did their thing. At nagtanungan sila ng section habang si Viktoria ay nakatingin lang sa akin at kay Seb.

Para bang iniisip niya kung bakit kami magkasama.

Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Viktoria at masasabi kong may aura siya na sinasabing 'alis, dadaan ang reyna'

Tumataas ang balahibo ko habang tinitignan niya ako. Ang singkit niyang mata ay lalong naningkit habang tinitignan niya ako. Inalis lang niya ang tingin sa akin para harapin si Liam.

"Bakit mo pa kasi titignan kung sino magiging classmates mo kung makikita mo naman sila sa room." Maarteng sabi niya kay Liam.

Seb chuckled at that. "Good morning. Ang aga aga badtrip ka na, Vikvik?"

"Don't call me that."

Then Seb look at Liam and me tapos ay lumapit siya kay Viktoria. "Halika na nga. Ano ba section mo? Sabay na tayo. Iwan mo na si Ramos tumingin ng section."

Hindi siya sumagot pero pumayag siya pero bago siya umalis tumingin ulit siya sa akin.

Chasing Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon