Chapter 57 - Forgive

2K 44 2
                                    

Pagkatapos ng klase ay pinapunta ako ni Viktoria sa apartment ni Seb dahil may ibibigay daw siya sa akin.

Pagdating ko ay wala pa siya dahil mamaya pa matatapos class niya so I was stuck with my cousin.

Good thing hindi niya ako inasar ngayon. Malamang alam niyang wala ako sa mood makipaglokohan ngayon. Magaaway lang kami kung susubukan niya.

Naglalaptop lang siya sa isang tabi habang nagpapalipat lipat ako ng channel sa tv.

Wala talagang magandang palabas sa tv pag ganitong weekdays. I just settled on HBO when Viktoria came in.

Kumunot ang noo ko because I didn't hear her knock. Napatingin naman ako kay Seb at parang normal lang sa kanya na bigla nalang pumapasok ng apartment niya si Viktoria.

Something is fishy between these two. Since I don't want to talk about me, I'll make her talk.

"Hay ang tagal magpalabas ng last prof ko." Sabi niya bago umupo sa sofa.

Humarap naman siya kay Seb. "Pwede sa kwarto ka muna? May paguusapan lang kami." Then she smiled sweetly.

Seb looked at her then at me then at her again.

"Ako ba 'yan paguusapan niyo?" He smirked.

"Kapal mo. Dali na!" Pilit ni Viktoria kaya wala rin nagawa ang pinsan ko kundi tumayo at pumasok ng kwarto dala dala ang laptop.

When I heard the door humarap ako agad sa kanya at inunahan siya. "Ayaw kong pagusapan."

"I heard what happened." She said ignoring what I just said.

I sighed. "From Seb?"

Ngumiti siya, "From Liam actually."

"Tanga ba ako?"

"What? Anong klaseng tanong 'yan? Of course not!" Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. "You should never ever look down on yourself. Never."

"Do you think I should forgive him? I mean hindi naman ako galit pero nandun pa rin 'yung feeling na nasaktan ako."

It's good that I can talk to someone that can understand me. 'Yung hindi ako ijujudge kahit anong gawin ko.

Dahil hindi na kami masyado nagkikita ni Tati mas napapalapit ako kay Viktoria. Busy rin kasi si Tati at minsan ay nakakalimutan niya ako replyan.

"Honestly hindi ko alam. I've never been in a relationship. But that's your feelings. Kahit naman sabihin ko sayo na patawarin mo na siya pero kung hindi mo pa talaga kaya hindi mo rin gagawin. Do it when you're ready." She said softly.

Nagindian seat siya at alam kong may sasabihin siya kaya umayos rin ako ng upo at naghintay.

"Nakausap ko siya pero hindi ko sasabihin sayo tungkol saan pero sa lahat lahat ng sinabi niya isa lang ang bottomline. Mahal ka niya. I'm not on his side kahit na best friend ko siya kasi may mali rin siya. Hindi niya naisip kung anong mararamdaman mo kung malaman mo. And things are good between you and still he chose not to tell you pero hindi mo rin naman siya masisi kung 'yun lang ang naisip niyang paraan. It may have been wrong pero 'yung feelings niya para sayo totoo. Hindi ka niya niloko in terms of his feelings for you."

"Alam ko naman 'yun. Hindi ko rin siya sinisisi. Hindi ko lang rin maintindihan kung ano bang kinaiinis ko." Sabi ko.

Hinawi niya ang buhok niya at nilagay sa left side.

"Hindi naman kita sinisisi at hindi rin kita pinipilit na makipagbati sa kanya. What I'm saying is wag niyo nang pahirapan ang sarili niyo. It's actually easy because you love each other."

Chasing Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon