It's been a week since college started pero hindi ko pa rin masyado close ang mga blockmates ko. May nakakausap ako pero kokonti lang. I realized that I'm not that good at making friends dahil nung high school okay lang sa akin ang walang friends because there's Sebastian.
Si Tati naman naging close lang kami dahil siya ang kumausap ng kumausap sa akin. Ganon rin ang case namin ni Liam. Never na ako ang naginitiate to know someone and it's really different in college.
Ako kasi hindi ako kumakasap ng tao kung hindi nila ako kausapin but that can't do here in college. Kung hindi ako makikipagusap, wala akong magiging friends.
Buti pa si Seb tsaka si Viktoria same university sila ng pinasukan. At least they have each other if ever they don't have friends.
Habang naghihintay sa prof ay nilabas ko naman ang phone ko. Liam often urge me to talk to them. Madali lang naman daw ang makipagusap at sure siyang magugustuhan ako ng mga blockmates ko.
Ang alam ko siya nagustuhan agad siya ng mga blockmates niya. Well, dahil sa itsura niya sympre at sa outgoing personality niya. Why can't I do that?
At ang nakakainis pa ay since first week pa lang ng klase, hindi pumapasok ang mga profs ko. Nung first at second day nagstay lang ako sa classroom habang naghihintay ng oras.
"Uy Flynne, gusto mong sumama? Kain tayo!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag. Niyaya na nga ako tatanggi pa ba ako kaysa naman magstay nanaman ako dito sa room.
Sa Mcdo lang kami kumain at habang kumakain ay naguusap usap kami. I find that they are not difficult to talk to. Friendly rin naman sila kahit papaano.
"Sana hindi ulit pumasok ang prof sa next subject. Ano ba ang next subject natin?" Sabi ni JR na bading pala.
Sumagot naman si Jianne. "Nat Sci. Wag ka nga magwish ng ganyan, sayang naman pasok ko kung lahat sila wala noh."
Natatawa lang ako sa kanilang dalawa.
"Feeling ko ikaw hindi ka talaga tahimik. Nahihiya ka lang siguro sa amin. Alam mo wag kang mahiya. Hindi na uso 'yan!" Sabi ni JR.
"Oo nga. Mababait naman kami, girl." Sabi rin ni Jianne.
Tumingin ulit ako sa phone ko.
"May boyfriend ka? Parang kanina ka pa naghihintay ng text eh."
Automatic naman ang pag ngiti ko.
Siniko ni Jianne si JR at inasar naman nila ako agad. "Halata naman meron! Tignan mo 'yung ngiti oh. Patingin naman kami!"
And because I'm a proud girlfriend sympre pinakita ko sa kanila si Liam. Madramang tinakpan ni JR ang bibig niya at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa screen ng phone ko.
"Ang gwapo!" He said under his breath.
Simula noon palagi na kaming tatlo ang magkasama. Kinekwento ko rin sila kay Liam at nagkukwento rin siya sa akin pero may napapansin lang ako sa kwento niya.
"Bakit parang puro babae ang friends mo?" Tinanong ko siya.
"There are more girls than boys in our class."
"Ohh.." Tumango tango lang ako pero deep inside parang naiinis ako. Naiinis ako sa mga babaeng kaibigan niya. I don't want him having girl friends na hindi ko kilala.
Buti nalang at magkaiba kami ng school at walang chance na makita ko sila dahil baka hindi ko mapigilan hindi sila irapan at ismiran.
Viktoria would be proud of me if she knows what I'm thinking right now.
"Tell me something about your friends and profs." He entwined our fingers.
"They are nice. I think sobrang matutuwa si JR pag nakilala ka niya. Baka himatayin pa siya sa kilig. Alam mo bang palagi niya akong kinukulit kung may kapatid ka kahit na sinabi ko nang wala?" Natatawa ako. Ang kulit rin talaga ng bading na 'yun! Ang cute cute pa niya pag nagiinarte siya. "There's nothing to talk about about my profs. Favorite ko pa 'yung masungit na filipino teacher natin."
He groaned remembering her. Naalala ko na palagi siyang pinagiinitan ng filipino teacher namin.
Before he could say anything I put my other hand on his mouth. "No. I don't wanna hear anything about your friends."
Natawa naman siya sa ginawa ko. Inalis ko ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. "Anong nakakatawa? I'm serious. I don't want to hear about them maiinis lang ako."
"Baby.." May guhit ng ngiti sa labi niya.
"Wag mo ako ma-baby baby. If you want to talk about them, kay Viktoria mo sabihin or your other friends."
His face was full of amusement while here I am thinking about how to murder those girls when I meet them.
Base kasi sa mga nakwento niya na sa akin before, I conclude that I don't like them especially when I see them texting Liam. I'm not a possessive girlfriend, I just don't want to share what's mine.
"Nagseselos ka ba?" His mouth twitched.
"Indeed I am. Bakit bawal? Sino may sabing text sila ng text sayo."
"What? Tigilan mo na nga 'yan mga iniisip mo. Hindi ko sila ineentertain if that's what you're thinking."
"Hindi 'yun ang iniisip ko." Mataray na sabi ko.
Nagiging masungit tuloy ako dahil kay Liam at sa mga new friends niya. Hindi nakakatuwa na ang dami niyang babaeng kaibigan. Maybe I'll tell Viktoria about them at sabay namin iisipin kung ano ang gagawin sa kanila.
"You got that look again." He nudged me and I looked at him.
"What look?"
He chuckled. "Wala. Cute mo eh noh? Gandang ganda ka kay Vik but you were never jealous of her pero ngayon.."
"Magkaiba 'yun, okay? And Liam--"
"Liam? Woah, you are really jealous then. What happened to baby?"
Pinagdikit ko ang labi ko at hindi nagsalita. Dahil sa pangungulit niya ay natawag ko siyang baby and since then tinatawag ko lang siya pag trip ko.
Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap sa kanya.
"Wala ka naman dapat pagselosan. They are just my classmates. Ikaw," His hand cupped my face. "You're my girl. Tandaan mo 'yan. I'm yours so you don't have to be jealous of anything. Dapat nga ako ang magalit kasi okay lang sayo na ipakilala ako sa friend mo kahit na alam kong type niya ako. Paano kung agawin niya ako sayo?"
Nagpigil ako ng ngiti dahil doon. Nakakainis talaga 'to si Liam kanina naiinis ako tapos ngayon magsasabi siya ng mga pakilig lines niya. Paano nalang ako magagalit?
"He can try but he won't succeed. You're mine." Tinignan ko siya sa mata.
Ngumiti naman siya at nilapit ang mukha niya sa akin.
"You're mine too." Then he kissed me.
BINABASA MO ANG
Chasing Love (Completed)
RomanceLove is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?