Pagkadating ko ng school ay tinignan ko agad ang board kung saan nakalagay ang nga listahan ng mga sections.
I scanned the list of the 3rd years.
I already know what section I belong pero gusto kong idouble check at napabuntong hininga nalang ako nang nakitang hindi talaga kami nagkaklase ni Tatiana.
Pumasok na ako sa room bago pa magbell. Marami na ang nandoon. Some kilala ko and some not so I just sat at the middle. Sure naman ako magpapaalphabetical rin mamaya ang adviser.
"Oo tinignan ko kanina sa board!" Narinig ko ang usapan ng dalawang babae malapit sa akin.
"Totoo? Magiging classmate natin si Liam? Oh my God!" Tili ng second girl.
"Oh my God talaga diba! Sana rin pati si Sebastian. Crush ko kaya iyon."
Napairap ako nang narinig ang pangalan ng pinsan ko. Sebastian Valdez isa sa mga pangalan na kilalang kilala sa school. I think 'yung Liam rin na pinaguusapan nila ay sikat kahit na hindi ko kilala.
Basketball players sila ng school but I don't understand why all the fuss about them. Student lang rin naman sila. It's not like they're gods.
But Seb likes all the attention given to him by his fans specially the girls.
"Girl! Ayan na siya. Ang gwapo!"
Napalingon ako sa may door way dahil sa narinig. Isang matangkad na lalaki ang nakita kong pumasok at gwapo nga.
Gwapo kasi matangkad, maputi, maganda ang mata at ang kinis.
Inalis ko na ang tingin ko pagkatapos. Hindi naman ako mahilig sa mga gwapo lalo na kung isa sa mga basketball players.
Marami ang bumati sa kanya. Mostly girls and I just sat there like a girl na walang kaalam alam sa mundo.
He went to sit at the back along with the other boys. Umingay ang buong classroom sa pagdating niya and I just want the teacher to arrive para manahimik na sila sa pagpapapansin doon sa player.
The first thing our adviser asked us to do was to seat alphabetically.
All boys to the left side and girls seated at the right. Nadisappoint pa ang ilan babae dahil wala na ang chance na makakatabi nila si Liam since hiwalay ang boys sa girls.
What I didn't expect is I will be the one honored to seat next to him.
Siya na ang last sa seating arrangement ng boys dahil Ramos siya at ako ang medyo nasa unahan dahil de Leon ang apelyido ko.
Girls gave me jealous stares but I just sat without any reaction.
Napatingin ako sa katabi ko and wonder why do they like him. Wala naman kakaiba sa kanya para magustuhan ko.
He keeps on smiling at the girls and that made me lose any interest. He is just like my cousin, like any other players.
Mayabang at feeling gwapo.
He might have noticed my stare so he turned to look at me.
Nginitian rin ako at doon ko lang napansin na may dimples pala siya. Alright may kakaiba rin pala sa kanya. Siguro 'yung dimples lang niya ang nagustuhan ko sa kanya.
I didn't smile back. Napatingin nalang ako ulit sa teacher namin na nagsalita na.
We started by introducing ourselves. Ang iba kilala ko na dahil every year nag shushuffle ang sections.
When it's Liam's turn I watched as he introduce himself.
And I realized one thing. This guy is so full of himself. Pinakilala niya ang sarili niya bilang varsity ng basketball team when he could just say his name and be done.
Napairap ako. I don't know if he saw that but when I looked again he is looking at me.
My name is Flynne de Leon and I hate basketball.
That's what I said. I didn't say it because I don't like Liam but I really hate basketball. I hate any kind of sports actually.
But I looked at him when I said it and I saw his mouth twitched at that statement.
Itatanong ko nga mamaya si Seb tungkol dito kay Liam.
Lumabas ako agad ng classroom nung recess at pinuntahan si Tatiana.
"Flynne!" She ran to me and I smiled at her.
"Tati! Sayang talaga hindi tayo classmates."
"Oo pero classmate ko 'yung isa sa players. 'Yung Romero yung apelyido."
Sumimangot ako. Another basketball fan. "Hindi ko kilala."
"Ay oo nga pala hindi ka nanonood. Pero--" Napahinto siya habang nakatingin sa likuran ko and then gasped. "Classmate mo si Ramos? Liam Ramos?"
Tumango ako. Sympre kilala rin niya si Liam. "Punta na nga tayong canteen. Gutom na ako."
Habang bumibili ako ay napasulyap ako sa table ng pinsan ko.
The players table.
Maiingay silang lahat at halatang excited makita ang isa't isa. They were exchanging high fives and punches.
Inalis ko rin ang tingin ko bago pa nila ako mapansin. Niyaya na ako dati ni Seb na makiupo sa kanila pero ayaw ko. I don't want the attention at hindi ako interesado makilala ang mga kaibigan niya.
And no one knows except Tati that we're cousins. Ayaw ko kasi na lalapitan ako ng mga babae para humingi ng info sa pinsan ko.
Sa classroom ni Tati kami kumain at pagbalik ko ng classroom ay naabutan kong nakaupo si Liam sa pwesto ko.
Kokonti pa lang ang tao sa room dahil marami pang oras na natitira sa recess time.
Tumayo ako sa harapan niya at kinalabit siya. "That's my seat."
"I know. Bawal bang makiupo?" Ngumisi siya.
Mayabang talaga!
I sighed and made to leave when he stopped me.
"Liam." I whirled around. "My name is Liam." Ulit niya.
"I know."
He just laughed and shook his head.
"Flynne right?"
"Yes."
"Flynne." He said it again like testing my name in his tongue.
And I was caught looking at him while he is smiling at himself showing me his dimples.
I bit my lip as my heart gave a loud thump. Alam kong gwapo siya pero gwapo pala talaga siya lalo na pag sa malapitan.
Umalis siya sa pwesto ko pagkatapos non at pinaupo ako.
I just looked at him weirdly and went back to my seat. Bumalik na siya sa pwesto niya pero napapansin ko na pinapanood niya ako.
Pag hinuhuli ko naman siya ay ngingitian lang niya ako. In the end ako nalang ang nailang at hindi na ulit tumingin. Nagpasalamat nalang ako nang dumating ang iba sa room at kinausap siya.
What does he want with me?
BINABASA MO ANG
Chasing Love (Completed)
Storie d'amoreLove is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?