Chapter 7 : Gian

11.4K 101 5
                                    

Chapter 7 : Gian

Nakita ko na naman siya. Kasama ulit yung mga friends niya. Di ko maiwasang hindi tumingin sa kanya. I find her really cute. Sayang, niligawan agad siya ng pinsan ko. Sabagay, ang bagal bagal ko kasi. Tapos, ngayon, ipapakasal na ako. Hindi ko na talaga siguro siya makikilala na lubusan.

Nakita ko, sinulyapan niya ako. Napansin siguro ng kaibigan niya na tinitingnan ko siya, kaya nag-iwas na ako ng tingin. 

Asan na kaya sina Chad? Tinext ko na na sumunod dito sa canteen pero wala pa din. Tatawagan ko na nga lang.

I was about to get my phone on my pocket nang mag-vibrate.

Nagtext si Daddy.

|Your Lolo is at the hospital right now.|

Nagmadali akong lumabas ng canteen at sumakay sa kotse ko. Mabilis kong pinatakbo ang kotse papuntang hospital.

When I arrived, nakita ko si Daddy at si Tito Eric.

Halos humihingal pa nga ako ng nagsalita.

"Dad, what happened?"

"I am really disappointed with you, Gian. Ikaw ang may kagagawan nito", sabi ni Daddy.

Galit siya. Ako ang may dahilan? Teka. Ano bang ginawa ko? Magsasalita na ako ng biglang lumabas si Daddy sa kwarto. Kami na lang ni Tito Eric ang naiwan.

"Nalaman ni Papà na ayaw mong sundin ang gusto niya. Na ayaw mong pumayag sa fixed marriage", sabi sa akin ni Tito Eric.

"Sino pong nagsabi niyan kay Lolo?" tanong ko.

"Si Alex, sabi ni Alex ayaw mo daw pumayag. Nang malaman iyon ni Papà ay inatake siya."

Si Alex? Ano bang pumasok sa isip niya at sinabi niya yon kay Lolo?

Tiningnan ko si Lolo. Natutulog siya. Nakakaawa naman siya. Kung ganon, wala pala talaga akong magagawa. Kapag hindi talaga ako pumayag, sigurado magagalit si Daddy saken, worst maaari pang mawala si Lolo.

Dahil sa kalagayan ni Lolo, hindi na ako nakabalik sa school.

Umalis si Tito Eric. Naiwan akong kasama ni Lolo. Lumapit ako sa kama niya.

"Lo, I'm sorry. Hindi ko kaya na nasa ganyang sitwasyon ka. Mahal kita Lolo. Kaya kung kinakailangang pumayag ako sa fixed marriage, sige po, gagawin ko. Please, magpagaling ka na po, Lo", sabi ko habang natutulog si Lolo.

"Mabuti naman at alam mo na ang dapat mong gawin."

Lumingon ako. Nagmumula ang boses sa may pintuan. Si Daddy ang nagsalita. Tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Bigla namang nagising na si Lolo.

"Gian.. Apo."

"Lo. Kamusta po ang pakiramdam ninyo?" tanong ko.

"Gian, totoo ba ang sinabi sa akin ni Alex?"

"Dont worry Lo, pumapayag na po ako. Please, magpagaling na po kayo."

Nakita ko umaliwalas ang mukha ni Lolo, bigla siyang ngumiti pagkasabi ko na pumapayag na ako.

"Mabuti naman at pumayag ka na. You really made me happy, Gian."

"Papà, should we resched our meeting with the Sandoval? Baka mabinat kayo?" tanong ni Daddy kay Lolo.

"No. Im fine. Saturday is good. Tutal Thursday ngayon, Im sure makakalabas na din ako dito sa hospital."

"You heard him Gian, you must be ready for Saturday", sabi ni Daddy saken. 

**

Friday.

Nakalabas na nga si Lolo ng hospital, at ako, eto sinusulit ang mga oras ng pagiging binata.

"Kapag nag-asawa ka na, itutuloy mo pa din ba ang pagbabanda?" tanong ni Chad. Nasa classroom kami.

"Oo naman. Bakit ko naman ititigil?"

"Paano kung ayaw ng magigung wife mo?"

"Whoever she is, she can't stop me. Music is my life and no one can take that away from me."

"Sigurado Gian, madaming babae ang iiyak kapag nalaman nilang ikakasal ka na", sabi ni Chad.

"Ready ka na bukas?" tanong ni P.J.

"Eh teka, may gig tayo bukas. Paano na yun?" tanong ni Chad.

"Late na naman ang gig natin diba? For sure makakasunod ako. After naming mameet yung family nila. Punta kaagad ako."

"The Script?" tanong ni P.J.

"Ok. The Script", sagot ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please Vote and Comment! Thanks Guys! :))

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon