MAALIWALAS ang bati ng panahon pagkatapos niyang buksan ang bintana mula sa kaniyang silid. Mula sa labas ay nakita na naman niya ang mga ibon na malayang nakikipaglaro sa isa't isa. Tumingin siya sa ibaba at nakita ang
kaniyang ina habang nagdidilig ito ng mga halaman. Tatawagin sana niya ito ngunit agad siyang nakita nito."Joss", gising ka na pala anak. Good morning! Baba ka dito, didiligan din kita." biro ng ina bago ito tumawa pagkakita sa kaniya. Kinawayan pa siya nito na parang bagong dating siya sa airport. Napanguso na lamang siya sa sinabi nito.
"Mama naman, ang aga-aga, binibiro mo na naman ako!"
"Ikaw talaga, hindi ka na mabiro. Bilisan mong bumaba dito bago maubos ang tubig." birong muli ng kaniyang ina. Binigyan niya ng isang malaking belat ito.
"Ayoko nga babasain mo na naman ako!"
"Ayaw mo?" sigaw ng ina mula sa ibaba. Hinawakan nito ng mahigpit ang hose.
"Ayaw."
"Pwes, etong sayo!" sigaw ng ina bago nito itinapat ang hose sa kaniya habang nakadungaw siya sa bintana. Kasunod nito ay mabilis siyang naabot ng tubig dahil sa lakas ng pressure nito mula sa gripo. Sa huli, nabasa siya ng wala sa oras. Instant hilamos ang nangyari sa kaniya.
"Mama! Sobra ka na!" aniya habang pinipiga ang kaniyang damit. Pati kaniyang kwarto tuloy ay nabasa na rin.
"Kung gusto mong gumanti bumaba ka na diyan para mapaliguan na rin kita. Palibhasa kasi, tuwing hapon ka lang naliligo pag walang pasok. Kaya binabasa na lang kita lagi pag nalalapit ka sa tubig."
"Hintayin mo ako mama! Gaganti talaga ako!"
Mabilis siyang lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Pakiramdam niya, kumpleto na ang araw niya dahil sa kaniyang ina. Kahit wala ang kaniyang ama ay ayos lang sa kaniya hindi naman sila close nito. Sapat na ang kaniyang ina upang maging maligaya siya.
Minsan, iniisip niya kung bakit pa kailangan ng tatay gayong wala naman itong isang salita sa kanila. Nangako kasi ito na babalik sa kanila bago ito lumipad patungo sa ibang bansa upang mag-trabaho. Pero ilang taon na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang nababalitaan sa ama. Kahit na bulong mula sa ibon ay wala siyang narinig. Ang ina naman niya ang wala ring sinasabi sa kaniya dahil tulad niya ay pareho silang walang balita mula dito.
Mabilis niyang binuksan ang pintuan papunta sa malawak nilang hardin. Hinanap niya kaagad ang ina ngunit hindi niya ito makita. Pumunta pa siya sa pinakasulok ng hardin ngunit wala ito.
“Huli ka!” mabilis na sabi ng ina pagkatapos nitong sumulpot sa likuran niya. Kasabay nito ay ang pagtutok sa kaniya ng hose na pasabog ding nagsaboy ng tubig. Tuluyan na siyang nabasa.
“Mama! Ang daya mo!”
“Ganyan talaga, nanay ako eh.”
“Eh ako anak lang, ganun?”
Binatukan siya ng ina bago siya nito niyakap at hinalikan sa noo.“Oo”
Niyakap niya pabalik ang ina. Ramdam niya ang init ng yakap nito. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa anumang panganib sa tuwing kapiling ang ina.
Ito lang ang kaniyang kakampi.
Ito lang ang kaniyang karamay.“Mama, aalis ka rin ba gaya ng ginawa ni papa?”
Ngumiti ito sa kaniya bago nito itinutok sa ibabaw ng kaniyang ulo ang hose saka siya binasang muli. Hindi na siya gumanti dahil tiyak, wala rin siyang magagawa.
“Hindi, bakit mo naitanong?”
“Kasi si papa, hindi na bumalik. Pag umalis ka, magiging mag-isa na rin ako.”
“Gusto mo ba akong umalis?”
“Ayoko.”
“Gusto mo bang maging mag-isa?”
“Ayoko rin.”
“Alam mo para kang bata.” anito bago inialis ang hose sa ibabaw ng kaniyang ulo. Pinahinto ng kaniyang ina ang pagdaloy ng tubig mula sa gamit nitong hose.
“Bakit naman mama?”
“Kasi—ang drama mo! Ang laki-laki mo na eh para ka pa ring bata!” muli na namang sabi ng ina bago siya nito kinurot sa puwet.
“Bastos ka mama!”
Nagpameywang ang kaniyang ina bago ito ngumisi sa kaniya.
“Sige,binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi ka na bata.” Biro nito habang humahalakhak na parang bata.
“Ewan!” aniya habang hinanaplos niya ang kaniyang puwet.
“Eh ano na ako?”
Niyakap siya ng ina bago ito bumulong sa kaniya. “Baby pa rin kita.”
Napabuntong-hininga na lamang siya. Ang hirap talagang makipagtalo sa isip-bata niyang ina. Pakiramdam niya minsan ay mas matured pa siyang mag-isip kaysa dito. Pero madalas sa minsan ay nahahawa rin siya ng pagiging childish nito.
“Lagi naman…”
“At mahal na mahal kita Josiah anak, ikaw ang buhay ko…”
“Mama…”
“Tara, kainin na natin ang niluto kong almusal. Pinag day-off ko muna lahat ng mga kasambahay natin. Full-time mom ako ngayon.” anito bago ginulo ang kaniyang buhok.
“Dapat lang, weekend eh.” buong sigla niyang ngiti sa kaniyang ina bago niya ito hinawakan sa kamay.
Sabay silang pumasok sa kanilang malaking bahay. Isang malaking bahay na silang dalawa lang ng ina ang nakatira. Isang malaking bahay na kahit wala ang kaniyang ama ay maituturing niyang isang tahanan dahil kasama niya ang ina.
Isang ina na mapagmahal, mapagbiro at maalalahanin.
BINABASA MO ANG
If I just could
Romance"I know it's been a long time since your mother left you. I also promised you that, I won't even mention her name or ipapaalala ko siya sayo kasi alam kong malulungkot ka na naman. But, I promised her that, I will always be at your side and I will a...