“ATE! Nasaan na ang panty ko!? Wala sa sampayan eh!” si Aly, pangalawa sa panganay nilang magkakapatid, second year HRM student.“Ate! Turuan mo naman ako sa assignment ko!” si Gab, ang ikatlo, kasalukuyang fourth year hayskul student.
“Ate! Nasira yung project ko, paano na to?” si Alex, ang ikaapat, grade six student.
“Ati, mamam?” si Koko, ang bunso, nasa prep school na sana pero hindi makapasok dahil walang sapat na pera ang kanilang mga magulang.
Maya-maya ay mabilis siyang tumayo sa pinakamataas na bahagi ng kanilang bahay, sa cabinet, bago siya sumigaw ng ubod ng lakas.
“Nandito na si Super Ate Jen at pupulbusin ko kayong mga kampon ng kadiliman!” sabay turo sa kaniyang apat na makukulit na kapatid gamit ang kaniyang hawak na sandok.
Tumahimik ang paligid. Nagkatinginan ang kaniyang mga kapatid habang pinagmamasdan ang kaniyang mala-sailormoon na pose. Ang kulang na lang sa kaniya ay costume para magmukha talaga siyang anime—pang model kasi ang kaniyang pangangatawan.
“Ano raw?” sabi ng kanyang tatlong kapatid liban kay Koko na pumapalakpak pa pagkatapos makita ang kaniyang pose.
Napabuntong-hininga siya bago niya inulit ang kaniyang pose.
“Uulitin ko! Pupulbusin ko ‘kayong’ mga kampon ng kadiliman!” sabay turo ng paisa-isa sa kaniyang mga kapatid.
“A—ate, you’re so weird.” Si Aly
“Oo nga.” si Gab
“Walang kaduda-duda.” Si Alex
“Ayiy!” si Koko
Pinagbabatukan niya ng mahina ang apat, bago niya ibinalik ang sandok mula sa niluluto niyang sardinas na may itlog.
“Diba ang sabi ko sa inyo, pag nagluluto ako, huwag kayong maingay? Nasisira ang concentration ko!”
“Eh kasi ate, nagmamadali na ako eh. Male-late na ako!” pagdadahilan ni Aly bago ipinagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang nawawalang panty. Lumapit naman siya sa cabinet bago ipinasok ang kaniyang kamay sa likuran nito.
“Oh eto, dito mo kaya sinampay sa likod ng cabinet kagabi. Ulyanin ka na Aly, mahirap yan baka pati pekpek mo eh maiwan mo rin.”
“Eh ate, yung assignment ko mahirap. Ano bang sagot sa bugtong na ito, Balong malalim, puno ng patalim?” si Gab habang hawak ang kaniyang magkabilang sentido habang nagiisip.
Napangisi na lamang siya dahil naalala niya ang sagot sa bugtong na iyon nuong nasa hayskul siya.
“Simple lang. Bibig yan. Kasi ang bibig parang balon pero kapag nagsalita ka ng masama at nakasakit, parang nagiging patalim ang bawat salita na lalabas sa dito”
“Eh ate, paano tong project ko Kailangan ko na to maipasa ngayon. Mabobokya ako pag di ko ito nagawa.” si Alex bago ipinakita ang project nitong pencil holder. Tumabingi ang project nito kaya hindi ito pantay tingnan.
Napabuntong-hininga na lamang siya bago kumuha ng barbeque stick mula sa basurahan. Kinulayan niya ito gamit ang crayola ni Alex saka nito inilagay sa gilid ang stick. Nilagyan niya ito ng glue upang hindi ito matanggal.
“O ayan, nilagyan ko na ng design.”
Maya-maya lang ay nakita niya si Koko na kumapit sa kaniya mga paa.
Niyakap siya nito bago ito nagsalitang muli. “Ma—mam!” May pagkabulol ito pero unti-unti naman itong natututo ng ibang mga salita dahil sa matiyag niyang pagtuturo.
Kumuha siya ng baso saka nagsalin ng tubig mula sa pitsel.
“Oh eto na Koko
Anong sasabihin pagkatapos bigyan ng tubig?”
“Yenkyu!” mabilis nitong sagot bago ito ngumiti.
Halos umabot sa magkabilang pisngi ang ngiting ibinigay sa kaniya ni Koko. Pakiramdam niya ay nawala lahat ng kaniyang pagod mula sa kaniyang ginagawang pagluluto at paglalaba kaninang madaling-araw.
Niyakap naman siya nila Aly, Gab at Alex bago ito umalis papasok ng eskwela.
Sa pagkakataong ito, daig pa ata niya si Darna dahil mas malakas pa siya sa kalabaw ngayon. Dahil kahit makukulit at pasaway ang mga kapatid niya ay hindi naman nakakalimutan ng mga ito ang maglambing sa kaniya.
“Pagdating ni nanay mamaya, magdadala ako ng suman para may almusal tayo bukas.” si Aly.
“Ako magdadala ng iced tea at yelo mamaya para kunwari, nasa foodcourt tayo habang kumakain.” si Gab
Hindi naman nagpahuli si Alex. “Ako, eh, ano—“
“Ano Semi?” tanong niya habang hinihintay din ni Aly at Gab ang sasabihin ni Alex.
“Kami nila nanay ang kakain ng suman at iinom ng iced tea ninyo!”
Sabay ngisi sa dalawa niyang kapatid. Binitbit naman niya si Koko na abala pa rin sa pag-inom.
“Kayo talaga… basta, kahit mahirap tayo, huwag ninyong kalilimutan-“
“— na weather-weather lang yan!” koro ng tatlo.
Nakabisado na ng tatlo ang lagi niyang pangaral sa kanila.
Pagkatapos umalis ng tatlo niyang kapatid dahil sa personal nitong mga lakad ay naiwan silang dalawa ni Koko sa bahay.
Ka-ga-graduate lang niya pero wala siyang mahanap na trabaho, kulang daw kasi siya sa experience at credentials.
Tuwing weekend naman nag-tatrabaho ang kaniyang ina, samantalang pag weekdays ay nasa bahay lang ito dahil abala naman siya sa paghahanap ng trabaho.
At dahil sa weekend ngayon ay may panahon siya upang asikasuhin ang kaniyang pamilya. Isang pamilya na bagamat salat sa lahat ng bagay ay masiyahin, mapagtiis at may takot sa maykapal.
BINABASA MO ANG
If I just could
Romance"I know it's been a long time since your mother left you. I also promised you that, I won't even mention her name or ipapaalala ko siya sayo kasi alam kong malulungkot ka na naman. But, I promised her that, I will always be at your side and I will a...