Six

4 2 0
                                    

Jennifer Santos

KATATAPOS lang niyang mag-arrange ng mga red roses nang mapansin niya ang isang lalake na pumasok sa shop.

Isang hunk! Gwapo ito at mukhang mayaman. Base rin sa tindig nito, mukhang bigatin ito at hindi ordinaryong lalake lamang.

“Sino kaya ito? Parang masarap tikman!” bulong sa kaniya ng kaniyang masamang konsensiya.

Ginising niya ang kaniyang sarili sa pagpapantasya at binati na lamang ang lalake.

“Hello, how may I help you?”

Nginitian pa niya ito ngunit ang sinagot lamang sa kaniya nito ay kailangan daw nito ng bulaklak.

“Antipatiko!

Obvious naman you need flowers, kaya ka nga nasa flower shop para bumili ng bulaklak. Alangan namang pumunta ka dito para bumili ng diaper para sa anak mo no!”

Nginitian na lamang niyang muli ang lalake. Papalipasin na lamang muna niya ang inis niya dito kahit na may kainitan sa loob ng flower shop nila. Buti na lamang at naka sleeveless na shirt siya dahil kung hindi ay kanina pa siya naliligo sa pawis. At kailangan din niyang makabenta para naman pagbalik ni Kairi ay matuwa ito sa kaniya.

“For what occasion sir?”

“For anniversary…” matipid nitong sagot sa kaniya.

Sa wakas! Nagsalita rin ng may sense ang lalakeng nasa harap niya. Agad niyang naalala na katatapos lang niyang mag-arrange ng red roses kung kaya’t iyon ang una niyang inalok dito.

Tinanggap naman nito ang inalok niya
dito. Base sa tono ng pananalita nito, parang may problema ito. Pero anong pakialam niya dito, hindi naman niya ito boyfriend at sigurado, taken at not available na ang lalakeng ito.

Pagkatapos magbayad ng lalake ay agad niyang sinuklian ito. Ngunit nang ibibigay na niya ang sukli ay agad itong umalis pagkakuha sa bulaklak nito.

Nakalabas na ito ng shop pagkatapos sabihin na para daw sa death anniversary ito ng girlfriend niya. Nakonsensiya dahil parang may mali sa itinanong niya dito kanina. But that means—?

Hindi na siya nag-isip at agad niyang hinabol ang lalake. Awtomatiko ang lahat. Kakaiba dahil sa lalakeng ito lamang niya ginawa ang ganun. Buti na lang at hindi pa ito nakakasakay ng sasakyan. Sinigawan niya ito.

“Sir! I…”

“Yes?”

“I’m sorry. Ito po ang sukli ninyo.”

Kinuha naman ng lalake ang sukli nito. Oo, kailangan niya ng pera pero sa pagkakataong ito ay parang mabigat sa kalooban niya ang bigyan siya ng tip ng lalakeng nasa harap niya.

“Why are you saying sorry to me, may nagawa ka bang mali?”

Para siyang tinamaan ng bala sa sentido. Oo nga naman, bakit ba siya nag-so-sorry dito gayong wala naman siyang ginagawang mali. Naguguluhan tuloy siya. Buti na lang at mabilis na nag-rehistro sa utak niya ang dapat niyang sabihin.

“I mean, condolence for your girlfriend.”

“It’s ok.”

Tiningnan niya ang lalake ngunit hindi ito nakatingin sa kaniya. Nakatingin ito sa malayo at tila may malalim na iniisip. First time niyang maka-encounter ng ganitong lalake. Gwapo nga pero halos ata lahat ng problema sa buong mundo ay dala nito.

“I’m Jenni, you are?”

Nagpakilala siya dito without thinking of anything else. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya nahihiya kung siya man ang naunang magpakilala. Wala namang mawawala sa kaniya. Besides, she finds him mysterious and attractive at the same time. Sa tingin niya kasi ay kailangan nito ng isang kaibigan at sa tingin niya ay siya ang pinaka perfect candidate for that position.

“Josian but please call me Joss instead.”

Anito bago nito inilahad ang kamay nito sa kaniya. Nakikipag-kamay ito bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Ramdam niya ang init ng mga palad nito at base sa higpit ng hawak nito sa kamay niya ay hindi nga siya
nagkamali ng pagpapakilala niya dito.

He really needs her in some way or the other.

“Sige, babalik na ako sa shop. Ingat ka at balik ka ulit if you need some flowers.”

Matipid niyang sagot dito. Sa isang iglap ay nahiya siya dito. Ang gulo niya!

“May modelling agency ka na ba Jenni? You look like a model kasi.” bigla nitong tanong sa kaniya.

Agad namang namula ang kaniyang mga pisngi. Totoo ang sinabi nito. Pang-model nga ang kaniyang kagandahan pero hindi niya inaasahan na agad itong magtatanong ng ganoon. Kunsabagay, friends na sila kung kaya’t hindi siya dapat mag-isip ng mga bagay na may malisya.

“Wa—wala dahil wala namang nag-aalok sa akin. Bakit mo naitanong?”

“Just in case you need one, you may call me here. Sige, ingat ka—Jenni."

Sabay abot sa kaniya ng calling card bago ito pumasok sa sasakyan nito at tuluyang umalis sa harapan niya. He called her name at dahil doon ay halos lumagpas ang kaniyang ngiti sa kaniyang tenga. Pero mas maganda siguro kung inalok na lamang siya nitong mag-date kaysa bigyan siya ng calling card. Aanhin niya iyon, kakainin? Huwag na lang!

Tiningnan niya ang calling card at noon niya lang na-realize na CEO pala ito ng nangungunang modelling agency ngayon sa bansa! Ito na yata ang sinasabing swerte ni Kairi! Sa wakas, ito na ang simula ng kaniyang magandang buhay!

If I just couldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon