Five

10 2 0
                                    


“THANK you! Please come back again!” magiliw niyang bati sa customer pagkatapos nitong bumili ng mga bulaklak para sa dadaluhang kasal nito.

Agad na lumapit naman sa kaniya si Kairi pagkatapos nitong magtabas ng mga tangkay sa mga bulaklak.

“Buti na lang pumayag ka na tulungan akong magbantay ng shop Jen. Hindi ko akalain na may kahirapan din pala ang ganitong negosyo.”

“Ikaw talaga Kairi, you always talk like somebody else. Friend kita, of course, tutulungan kita, right?”

“Oo nga naman.”

“At dahil sa friend kita, pautang naman oh. I mean, babale muna ako kasi bibilhan ko ng regalo si Aly, ka-ga-graduate lang kasi ng kapatid kong iyon. Baka magtampo pag wala akong nabili kahit ano.” Nag-beautiful eyes pa siya kay Kairi para makumbinsi niya ito.

Humalakhak naman si Kairi sa kaniya bago ito nagpagpag ng kamay.

“Graduate na pala si Aly, siya ang sumunod sayo diba? Sige, papahiramin na lang kita ng pera tutal minsan lang naman grumaduate ang kapatid mo.”

“Talaga!? You’re such a good friend Kairi! I’m so thankful nakilala kita patina rin si Danica at Cathy! Kung wala kayo, paano na ako?” lambing niya dito.

Binatukan naman siya ng mahina nito bago siya nito inakbayan.

“Jenni, napaka-energetic mo. Yan ang bagay na nagustuhan ko sayo na wala sa akin. Besides, you’re something else and unique. Mahahanap mo rin ang kapalaran mo.”

“Kapalaran? Anong ibig mong sabihin dear?”

Tiningnan siya ni Kairi ng deretso sa mga mata bago lumaki ang mga ito.

“Ano ka ba! I’m talking about having a boyfriend! Simula ng magkakilala tayo, hindi ka pa nagkaka-boyfriend! Ano ba kasing problema sa pagkababae mo?”

“Hay na ko Kairi, can I use my lifeline for your question? I mean, hindi ko pa siguro natatagpuan ang kapalaran ko.”

“Really? What do you mean?”

“I mean, open naman ako kung merong gustong manligaw sa akin pero, ang gusto ko yung makakatulong sa akin at sa aking pamilya pagdating ng panahon.

I’m not getting any younger and honestly, wala pa nga akong desenteng trabaho tapos puro lang ako part-time lang ako. Nakakahiya naman sa magiging fafa ko kung sakali.”

“Ikaw talaga. Hindi pa siguro dumarating ang swerte mo Yehni. Time will come, maaawa sayo ang mga diosa ng kapalaran!”

“Sana nga!” aniya bago niya ipinagpatuloy ang pag-aayos ng bulaklak.

Sinulyapan niya ang kaniyang relo. Before lunch ang meeting ni Kairi para makipagkita sa kanilang supplier ng bulaklak. Balita niya ay bata pa ito at gwapo. Well, sana nga para naman mahanap na rin ni Kairi ang kaniyang kapalaran. Pero pag nangyari yun, siya na lang ang magiging single sa grupo.

And come to think of it, siya ang pinakamatanda sa grupo pero siya ang kolelat pagdating sa social status ng mga ito. Napakagat siya ng labi dahil naaawa siya sa kaniyang sarili.

“Kairi, you still have a meeting with our supplier, right? Mahuhuli ka na. Ako na muna ang bahala sa shop.” Paaalala niya dito.

Halos magulat naman si Kairi pagkatapos niyang matapos ang sinabi nito sa kaniya.

“Oh no! Male-late na ako! Thanks for reminding me Jen. At eto yung hinihingi mong favor. Ikaw na rin ang mag close ng shop just in case na gabihin ako ng uwi.” Anito bago siya inabutan ng pera.

Sobra ito sa kaniyang inaasahan kung kaya’t tuwang-tuwa siya. At least, makakabili pa siya ng iba pang bilihin para sa iba pa niyang kapatid.

——————————————————

DEATH anniversary ngayon ni Bianca at kanina pa siya naghahanap ng flower shop ngunit wala siyang makita. Pagliko niya sa kanan ay agad na may sumulpot na babae na nagmamadali sa pagtakbo mula sa kaniyang kaliwa.

Ang akala niya ay magagalit sa kaniya ang babae pero hindi man lang siya nito pinansin dahil agad itong sumakay sa sasakyan nito na nakaparada sa kabilang kalye saka mabilis na umalis.

Nasulyapan din niya ang isang flower shop sa kaniyang kaliwa, marahil dito galing ang babaeng muntik na niyang masagasaan.

Pagkatapos niyang maiparada ang kaniyang sasakyan kung saan nakaparada ang sasakyan ng babaeng muntikan na niyang masagasaan ay agad siyang tumawid sa kabilang kalye upang puntahan ang flower shop na nakita niya.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang biglang may tumawag sa kaniyang cellphone.

“Joss, our plan has been compromised. We need a new bait.”

Sabi ng boses sa kabilang linya. Ito si Xander, ang dati niyang ka-partner noong imbestigador pa siya. Marunong din ito pagdating sa field combat kagaya niya pero mas bihasa ito pagdating sa computer.

Pero ngayon ay nagtayo na siya ng modeling agency upang gawing scapegoat sa kaniyang paghihiganti.

Ang balita kasi niya ay isang mad killer ang pumatay kay Bianca na ang tanging mga target ay mga models. Kung hindi dahil sa tip ni Xander ay hindi siya magkakaroon ng idea kung sino ang pumatay sa kaniyang girlfriend.

Nanghihinayang nga lang siya dahil hindi niya naipadama dito ang dapat na maramdaman nito bilang kaniyang kasintahan. Naiinis tuloy siya ng marinig ang balitang iyon.

“Thanks Xander. I’ll call you later, I want to be alone for a while.”

“Wait! Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi ka pa rin nakaka-recover? Ilang taon nang wala si Bianca. You should get over with her.”

“I can’t. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapatay ang taong pumatay sa girlfriend ko.”

“Bahala ka. Just keep it easy.”

Tinapos niya ang tawag na iyon. Huminga muna siya ng malalim bago niya hinawakan ang doorknob papasok sa flower shop.

Pagkapasok niya ay nagulat siya nang makita si Bianca ang nagbabantay ng shop!

“Hello, how may I help you.” Tanong sa kaniya ng babae.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang akala niya ay si Bianca ito pero nagkamali siya. Magkasingtangkad at magkahawig lang sila pero hindi ito ang kaniyang girlfriend, ibang tao ito.

“I need some flowers.” Matipid niyang sabi. Iniiwasan niyang magtama ang kanilang mga paningin dahil baka hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na halikan ang babaeng nasa harapan niya. Nakasuot kasi ito ng fitted sleeveless shirt na siyang nagpapaganda lalo sa hubog na pangangatawan nito.

“For what occasion sir?”

“For anniversary…”

“Great! Katatapos ko lang gawin itong bouquet of red roses . For sure magugustuhan ito ng pagbibigyan mo sir.”

“How much?”

“Only seven hundred fifty pesos sir. Bibigyan na rin kita ng free dedication card for your message sir.”

Huminga muna siya ng malalim bago niya iniabot ang buong isang libo sa babae na nagbigay sa kaniya ng bulaklak.

Ang pagkakataon nga naman parang pinaglalaruan siya. Una, kamukha ni Bianca ang babae. Ikalawa, katatapos lang nitong ayusin ang mga pulang rosas na gusto rin ni Bianca. At ang pinakahuli, halos magkasintulad ng babae at si Bianca pagdating sa tono at enerhiya ng pagsasalita.

“Sir? Change po ninyo, two hundred fifty pesos.”

Nagulat siya. Nawawala na naman siya sa sarili. Tumalikod na lamang siya sa babae pagkatapos niyang kunin ang kaniyang inorder na bulaklak.

“Keep the change and this flower is for the death anniversary of my girlfriend.” Aniya bago siya tuluyang lumabas ng shop.

If I just couldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon