“HE’S a real jerk Jenni! Believe me!” nagwawala pa rin si Kairi pagkatapos nilang buksan at makapasok sa loob ng flower shop.Nag-kwento ito na nakilala nito si Kyro sa mismong opisina nito, na bestfriend naman ni George na close friend ni Danica. Ang akala nilang lahat ay makikita na ni Kairi ang kaniyang prince charming sa katauhan ni Kyro
pero mas naging worst pa yata ang first meeting scenario nito sa binata. Winisikan niya ng tubig si Kairi.“Just give the monkey a chance Kairi I’m sure you like him too.”
“Wha—what are you saying!?” depensa ni Kairi sa sarili.
“Got yah!” Nginisian niya ito bago niya ito nilapitan na malapitan.Itinapat niya ang mukha niya dito ngunit lumalayo ito sa kaniya.
“Uy, Kairi, parang may tao sa labas oh, ang gwapo!”
Bigla namang napalingon si Kairi sa pintuan.
“We—welcome to our flower shop! We pick our flowers today so you can pick it up tomorrow!”
Napatanga naman siya sa ginawa ni Kairi bago siya humalakhak ng malakas. Ano raw!? Kakaibang motto ata yun para sa kanilang shop! But then again, it’s very nice!
“Wa—wala namang tao Jenni! Niloloko mo lang ako eh!”
“Wala nga. Two points!” sabay lahad ng dalawa niyang daliri dito pagkatapos ay inakbayan niya ito. Wala na talaga sa sarili si Kairi dahil sa pangalang ‘Kyro’ pa lang ay natatameme na ito.
“In love ka nga Kairi, aminin mo na kasi!”
“Hindi nga! Mayabang siya at wala siyang galang! Ang akala niya siguro porket hot-shot siya eh mahuhulog na ako sa kaniya, hindi no! Hard to get pa rin itong friend mo Jennni!” anito bago sinuntok ang sariling dibdib, tanda ng katapangan at pagpapakita ng pride nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya bago siya bumalik sa kaniyang trabaho.
“Well, sabi mo eh… pero crush mo?” mabilis niyang sabi dito.
Agad namang sumagot si Kairi habang inaasikaso ang income-expense sheet nila.
“Oo! I mean no! Never!”
“You’re such a bad liar Kairi and I like you for it, you’re too easy to see!” aniya dito bago niya ito sinabuyan ng mga lantang dahon at talutot.
Nginisian lang siya nito bago ito nag-seryoso ng pakikipag-usap. Mukhang babawi ito sa kaniya!
“And how about you Jenni, it seems like you’re in high spirits, what happened?”
Niyakap niya ang buoquet of roses na inaayos niya bago niya ito inamoy.
“You won’t believe it but I will be applying for a part-time model ngayon!”
“Talaga lang ha? At sino naman ang nabulag mo?”
“It’s a big secret. Besides, I’m there to work and not to fall in love like you!”
“Kakainin mo yang sinabi mo Jenni, mamatay man yang Kyro na yan!”
“Ikaw talaga, pati yung taong walang kalaban-laban dinadamay mo.”
“Whatever!” bumuntong hininga si Kairi bago ito lumapit sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya.
“In any case, I’m happy for you Jenni.”
Animo’y naging maamong tuta ang kaniyang mukha pagkatapos marinig ang cute na boses at pananalitang iyon mula kay Kairi. Kahit kailan talaga, panira ng comedy moment itong babaeng ito sa tuwing inaasar niya ito. Pasalamat ito at wala si Danica at si Cathy sa tabi niya dahil kung hindi, bugbog sarado ito sa kanila.
“Thank you Kairi! I’ll do my best to get that part-time job!”
“And that’s not more. May good news din ako sayo!”
“Ano naman yun? Ayaw ko na ng lalake at mga reto dahil wala akong panahon diyan.” Aniya habang tinatapos niya ang buoquet na ginagawa niya.
Umiling naman si Kairi sa kaniya bago ito umikot na parang bata sa likuran niya saka ibinigay ang isang susi sa kaniya. Duplicate key ito ng kanilang flower shop.
“I want you to co-manage this flower shop with me Jenni. So that means, hindi ka lang magiging part-time model, magiging part-time owner ka
na rin ng shop natin!”“Re—really!? You must be joking!”
“Read my lips. I’m not joking— my business partner.”
Niyakap na lamang niya si Kairi!Talagang napaka-swerte niya pagdating sa kaibigan. Magkakaroon na siya ng part-time job, naging businesspartner pa niya ito. Wala na nga talaga siyang hihilingin pa sa itaas. Kahit na siguro wala siyang maging fafa like Cathy, at least, everything is in place for her. Ito na talaga ang simula ng kaniyang swerte!
Couple weeks later…
HINDI pa rin nakakabalik si Xander upang ibigay ang report nito tungkol sa murder case ni Bianca. Naiinip at naiinis na siya dahil laging busy ang cellphone nito sa tuwing tatawagan niya ang dating kasamahan. Naisipan muna niyang mag-kape upang magpalamig ng ulo. Pagka-pindot niya sa down button sa elevator ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone! May tumatawag sa kaniya, isang unregistered number. Agad niya itong sinagot.
“Hello? May I speak with Josiah?” sabi sa kabilang linya. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil alam niyang hindi si Xander iyon.
“Kyro, it’s been a while, what’s up?”
“Finally! I’ve been calling you for ages, anong nangyari sa iyo?” may pag-aalala nitong tanong sa kaniya.
“Nagkausap na ba kayo ni Resty? Sigurado ako, mabibigla yun kapag nalaman niyang na-kontak na rin kita.”
“Marami lang akong inaasikaso. In fact, I’m not doing anything sensible right now. I need to kill somebody to make myself busy, may target ka ba?” pagbibiro niya dito kahit na alam ni Kyro na nagsasabi din siya ng totoo.
Humalakhak naman si Kyro. Marahil kung nasa tabi niya ito, mabubulunan na naman ito sa tuwing nagbibiro siya dahil once in a bluemoon lang mangyari iyon.
“Actually, I badly need your help. I have a friend who’s being threatened by some kind of a maniac or something. I can’t help her alone, not even Resty.”
Bumukas ang elevator ngunit hindi siya sumakay dito. Pinili niya munang kausapin ang dating ka barkada kaysa mag-kape mag-isa.
“Sounds fun. Don’t tell me— hindi ka pa rin nalalagay sa tahimik?”
“Ako? Ewan ko lang. Ayokong pag usapan natin dito ang lovelife ko pare. You know me.” Depensa ni Kyro.
“Ikaw ba, kamusta ka na? Meron ka na
bang asawa?”“Wala at wala akong balak pag-usapan ang lovelife ko pare.” Ganti niya dito. Gusto niya itong batukan sa tuwing nagsisimula itong mag-open-up samga lovelife issues nila. Pasalamat lang ito at wala ito sa harapan niya dahil
kung hindi—“I need to go Joss. I will send you all the information you need.”
Maingay na sa kabilang linya ni Kyro. Marahil naghahalungkat na naman ito
ng kung anu-ano habang kausap siya.“It’s nice to hear your voice again. Later!”
Aaminin niya, nakaramdam siya ng kaunting ginhawa pagkatapos marinig ang boses ni Kyro. Kung hindi niya matutulungan ang kaibigan niya, tiyak na sasama ang loob sa kaniya nito pati na rin si Resty. Huminga muna siya ng malalim bago niya tinungo ang fire exit. Magha-hagdan na lang siya pababa ng building kaysa sumakay ng elevator. Pakiramdam niya kasi ay kailangan niyang mag-warm-up bago niya pag-aralan ang kasong ibibigay sa kaniya ni Kyro. Tatanggapin niya ito habang wala pa si Xander. Kung nasaan man ito ay wala siyang panahong manghula. Basta’t ang mahalaga ay ang magkaruloon siya ng gagawin na kung saan maaari niyang ibuwis ang kaniyang buhay.
BINABASA MO ANG
If I just could
Romance"I know it's been a long time since your mother left you. I also promised you that, I won't even mention her name or ipapaalala ko siya sayo kasi alam kong malulungkot ka na naman. But, I promised her that, I will always be at your side and I will a...