Seven

6 1 0
                                    


Same day, many years ago

GABI na nang matapos silang mag-date ng kaniyang nanay sa Manila. Gaya ng ipinangako ng nanay niya, naging full-time mom nga ito ngayong weekend. At pagkatapos nilang mananghalian ay bigla siyang hinila nito upang mag-date daw sila sa malayo. Agad naman siyang pumayag dahil minsan niya lang makasama ang ina dahil sa pagiging busy nito sa trabaho.

Nasa loob sila ng kotse habang binabaybay ang highway pabalik sa kanilang bahay sa Bulacan.

“Nag-enjoy ka ba anak?” tanong sa kaniya ng ina pagkatapos pagkatapos guluhin ang kaniyang buhok. Sinimangutan niya ito.

“Hindi! Napagod nga ako eh!” sarkastiko niyang sagot dito bago niya ito nginitian.

Halos wala silang kasabay na mga sasakyan sa sobrang luwag ng daanan. Napakapayapa ng kanilang dinadaanan. Tumingin siya sa kabilang linya ng highway at ganun din ang kalagayan nito. Napakasarap talagang magmaneho pag walang kasunod na mga sasakyan.

“Ma, ito ba ang graduation gift mo sa akin?”

“Ang alin iho? Itong pagiging full-time mom ko ngayong weekend at yung date natin kanina?”

“Oo mama.”

“Of course not, I want to give you something more iho. Something na talagang makakatulong sa iyo paglaki mo. But I’m not sure if you’re going to like it since you’re not the type of man for such thing.”

Nagtaka siya sa sinabi nito. “What are you talking about mom?”

Magsasalita na sana ang nanay niya nang biglang may mabilis na truck na dumaan sa gilid nila. Halos abutin ang gutter ng sasakyan nila ngunit mabilis namang naikabig ng nanay niya ang sasakyan papalayo dito kung kaya’t ligtas pa rin sila.

“Hey watch it! Ang luwag ng daan oh!” sigaw ng kaniyang ina.

Pinakalma muna ng kaniyang ina ang sarili nito bago ito muling nagsalita. Huminga muna ito ng malalim saka tumingin sa kaniya.

“I want you to become a—“

“Ma, watch out!” agad niyang sigaw ng mapansin na nag-slide patungo sa center lane ang truck na nag-overspeed sa kanila kanina. Hindi naman nataranta ang kaniyang ina habang nag-iisip ito ng paraan kung papaano sila makakaiwas sa truck na iyon.

Nang mapansin ng ina niya na talagang hindi sila makakaligtas sa mangyayaring aksidente, niyakap na lamang siya nito ng mahigpit bago inilayo ang kaniyang paningin sa nag papagulong-gulong na truck habang papalapit ito sa kanilang kotse.

Ang mga sumunod na pangyayari ay tanging katahimikan at kadiliman na lamang.

MADILIM ang paligid ngunit may naririnig siyang mga boses. Boses ng mga lalake ito. At kung hindi siya nagkakamali ay kilala niya ang mga ito.

Sina Kyro at Resty ito na mga kaklase niya since college at hanggang sa grumaduate sila! Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Tama nga siya, sila nga ang naririnig niyang boses.

Pero nasaan siya? Anong nangyari?

Ang mama niya!

Mabilis siyang bumangon ngunit nakaramdam siya ng matinding pagkirot mula sa kaniyang likuran. May sugat siya ngunit kinakailangan
niyang maging maingat sa pagkilos. Pinakalma siya ni Resty bago siya muling bumalik sa pagkakahiga.

“Joss, how are you feeling?” may pag-aalala tanong sa kaniya ni Resty. Hindi naman makatingin ng deretso sa kaniya si Kyro kung kaya’t ito na lamang ang una niyang tinanong.

“Kyro, what happened to my mom?”

“She’s— she’s—“

“She’s fine actually!” putol ni Resty ngunit halata na nangangalid ang luha sa mga mata nito.

If I just couldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon