Josiah Sinclair
NAGTAYO siya ng kaniyang sariling private investigation agency pagkatapos niyang mag-retiro ng maaga bilang isang US SEAL soldier.
Ang pagiging isang SEAL na yata ang pinakamahirap na pagsubok na nadaanan niya sa kaniyang buhay. Para maging isang SEAL, dumaan siya sa isang mahigpit na pagsasanay na halos tumagal ng mahigit sa isang taon. Sinanay kasi silang maging bihasa sa lahat ng aspeto ng pakikipaglaban sa tubig, lupa o maging sa himpapawid man.
At sa pagiging imbestigador niya ngayon, hindi niya ipinapaalam sa kaniyang mga kliyente at maging sa mga taong nakakasalamuha niya ang tungkol sa kaniyang pagreretiro Mahirap na dahil baka ma-intimidate sa kaniya ang mga ito. Kung mayroon mang nakakaalam ng kaniyang pagreretiro ay tanging mga piling tao lamang.
Katatapos lamang niyang mag-kape nang pumasok si Bianca sa kaniyang opisina, ang pinaka-huli niyang kliyente. Tinulungan niyang lutasin ang problema nito ukol sa lupain nito.
Kinakamkam kasi ng tiyuhin nito ang buo nitong pag-aari. Inabot din ng ilang buwan bago nila tuluyang na-kumbinsi ito na sumuko na lamang sa ginagawa nitong kasamaan. Tinakot kasi niya ang tiyuhin ni Bianca na mapipilitan siyang isiwalat sa publiko ang ginagawa nitong pagnanakaw sa pondo ng gobyerno.
Palibhasa’y gobernador ito sa probinsiya nila Bianca at ayaw mawala sa pwesto kung kaya’t napilitan itong isuko ang lahat ng mga titulo na hawak nito.
“Hello Joss, are you free tonight?” tanong ni Bianca sa kaniya pagkatapos nitong umupo sa harapan ng kaniyang lamesa.
Tiningnan niya ito. Kung susuriin ito sa pamantayan ng isang tunay na lalake, talagang hindi ka mapapa-hindi sa lahat ng mga bagay na inaalok nito. Maganda ang hubog ng katawan nito at samantalang ang mga mata naman nito ay tulad ng sa isang bughaw na kalangitan. Malulusog din ang mga dibdib nito na siyang lalong nagpapaganda dito.
Sa madaling salita, Bianca is a hot and fine lady. A perfect lady for a man like him dahil bukod sa maganda at ma-pera na, may utak pa.
“What do you think? Are you trying to tease me again young lady?" sarkastiko niyang sagot dito. Wala siyang panahon makipag-date, lalo na sa isang kliyente kagaya nito.
Humalakhak naman ito bago nito kinuha ang kaniyang tasa na pinag inuman niya ng kape. Pumunta ito sa dirty kitchen saka inilapag ang tasa. Tumingin itong muli sa kaniya.
“I’m just teasing you, ikaw talaga.”
“I know. What’s up?” matipid niyang sagot dito bago niya isinara ang folder na kanina pa niya binabasa pagkatapos niyang buksan ang kaniyang opisina.
Tinitigan niya ito na abala na ngayon sa paghuhugas ng kaniyang pinagkainan. Sinubukan niya itong pigilan dati sa pagiging dishwasher nito ngunit ito pa ang nagalit sa kaniya.
Simula nuon ay hindi na niya pinipigilan ito kapag ni-ra-ransack nito ang office niya. Buti na lamang at wala dito ang ka-partner niya dahil tiyak na magiging playground ang kaniyang opisina kapag nagsama ang dalawang ito.
“Alam mo Joss, wala akong planong maghugas ng tasa mo. Pero nang makita ko itong lababo mo na punong-puno ng mga plato na dapat hugasan, di na ako nakatiis! Lagi na lang ganito, eew!” iritable nitong sagot sa tanong niya ngunit may halong biro sa boses nito.
“Aba, ikaw ang lumapit diyan sa lababo at hindi ko na kasalanan kung ano man ang makita mo diyan. Busy ako kaya wala akong panahong maghugas.”
“You really need a girlfriend.”
“I don’t need one.”
“You don’t need me?”
Napa-atras siya sa kaniyang kinauupuan. Ano raw? Girlfriend? Nag-a-apply ba ito sa kaniya? No way! Lalake dapat ang unang mag propose. At kahit na lalake siya at nasa kaniya ang karapatang iyon, wala siyang planong mag-girlfriend.
BINABASA MO ANG
If I just could
Romance"I know it's been a long time since your mother left you. I also promised you that, I won't even mention her name or ipapaalala ko siya sayo kasi alam kong malulungkot ka na naman. But, I promised her that, I will always be at your side and I will a...