NAGKITA sila ni Bianca sa isang pizza restaurant dahil natuloy ang kanilang date!Tinakot kasi siya ni Bianca na kung hindi siya makikipagkita dito ay magpapatiwakal ito. At dahil hindi na siya makatiis sa ginagawa nitong pagkunsensiya sa kaniya ay pumayag na rin siyang makipagkita dito. Hindi lang iyon, bago pa sila magkita ay nakita niya ito sa mismong harapan ng bahay nila upang bigyan siya ng pabango at ipaalala dito ang kaniyang pagsipot.
At dahil doon ay hindi na nga talaga siya nakatanggi. Tiyak, bago matapos ang gabing ito ay talagang mag kakaroon na nga siya ng girlfriend!
“Paano mo nalaman kung nasaan ang bahay ko kanina? And don’t tell me, na noon mo pa alam kung saan ako nakatira?” tanong niya kay Bianca pagkatapos iabot sa waiter ang menu pagkatapos umorder.
Ngumisi ito sa kaniya. “Imbestigador ka, you should know.”
“Let me guess. Sinundan mo ang kotse ko noon after kong lumabas ng office, right?”
“Korek! At dahil diyan, may reward ka sa akin!”
Inilahad niya ang kaniyang palad sa mukha nito upang pigilan ito sa anumang balak nitong gawin. He had enough of her childish play dahil suko na rin siya dito. This time, siya naman ngayon ang mauuna.
“Flowers, for you.” aniya bago niya ito binigyan ng isang payak at simpleng ngiti. Isang ngiti na ngayon na lang niya naramdaman simula ng makilala niya ito. Marahil, nabihag na rin nito ang kaniyang puso. Puso na maraming pag-aalinlangan pagdating sa pag-ibig na hinihiling nito mula sa kaniya.
Agad namang tumayo si Bianca pagkatapos makita ang mga bulaklak na binili niya dito. Agad siyang niyakap nito saka hinalikan sa labi.
She doesn’t care if there are people looking around them. What she only cared about is him. This is the moment she’s been waiting for– ang mahalin din siya ng hard-to-get na lalaking ito!
“You always knew that I like red flowers, don’t you honey?”
“Imbestigador nga ako diba? Of course I know.”
“So tinatanggap mo na ang alok ko sayo?”
“Ang alin?”
“Ang maging girlfriend mo!” Di sinasadyang napasigaw ito, tiningnan tuloy sila ng mga tao sa paligid nila.
Namumula naman ang pisngi niya habang sinasabi sa mga tao na nakatingin sa kanila na walang dapat ipag-alala.
“Oo na! Sa kakulitan mong yan as if may magagawa pa ako para umiwas sayo?”
Sinuntok siya nito sa braso. “Ayaw mo ata eh!”
“Namimilit ka kasi.”
Nginisian na lamang siya nito bago siya nito muling hinalikan sa labi.
“Alam mo honey, para kang bata pag nabibigla. Magaling ka ngang detective pero hindi ka pa rin uubra sa akin!”
“Talaga lang ha?” tanggi niya dito kahit alam niyang totoo ang sinasabi nito. Nagpaubaya na siya. Tutal, girlfriend na niya ito at nagkatotoo nga ang sinabi nito.
May pag-aalinlangan siyang nararamdaman sa pakikipag-relasyon dito pero kung si Bianca naman ang magiging ka-partner niya, alam niyang magiging maayos ang lahat para sa kanila. Niyakap siya ng mahigpit ni Bianca bago ito bumulong sa kaniya. Nakaharap ito sa labas ng madilim na bintana na puno ng mga ilaw. Tanaw na tanaw nito ang magandang tanawin mula sa likuran niya. Kung sa loob ng restaurant ay may kaingayan ng kaunti dahil sa mga taong nag-uusap, sa labas naman nito ay parang napakatahimik at payapang-payapa.
“Honey, ang pagmamahal ko sayo ay tulad ng mga ilaw na yan sa labas. Kahit kailan, hindi ito mawawala kahit ang mga nakapaligid sa mga ito ay kadiliman.” Anito bago hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
“Biancs…” bulong niya dito habang hinahaplos niya ang buhok ng kasintahan, napakalambot nito at mabango. Napaka-swerte niya dahil wala na siyang hahanapin pa dito.
She’s too perfect for him.
“I know it’s been a long time since your mother left you. I also promised you that I won’t even mention her name or ipapaalala ko siya sayo kasi alam kong malulungkot ka na naman. But I promise to her that I will always be at your side and I will always love you. I will be your all.”
Niyakap din niya ng mahigpit ang bagong nobya. Tuluyan na rin na nahulog ang loob niya dito.
This girl is all he needs to be complete. Kung mawawala pa si Bianca, there’s no reason for him to live.
“Bianca...
"Ipinapangako ko rin na—“
“Sshh… You don’t need to make any promises. Sapat na ang pagmamahal mo sa akin para maging maligaya ako.
After all that I’ve been through, ikaw lang pala ang kailangan ko. I had enough being alone and I want to spend the rest of my life with you…” mas hinigpitan pa nito ang pagyakap nito sa kaniya.
“Honey, I lo—“
Biglang nabasag ang salamin sa likuran niya. Kasabay nito ay ang pagkalat ng pulang likido sa iba’t-ibang bahagi ng restaurant malapit sa lugar nila. Hinigpitan niya ang paghawak kay Bianca upang ilayo ito sa bintana ngunit na pansin niya na maluwag na ang pagkakahawak nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang katipan ngunit hindi na ito gumagalaw dahil patay na ito.
Tiningnan niya ang paligid at halos tulala rin ang mga tao sa paligid nila. Nasira din ang mga pulang rosas na ibinigay niya dito. Ngunit higit sa lahat ay wala na rin si Bianca…
Ang babaeng kauna-unahan nagmahal sa kaniya.
——————————————————
PS; Guy's okay lang ba na mag comment kayo?? Gusto ko kasing malaman yung mga medyo mali dito sa ginagawa kong story, para sana mas ma improved ko pa siya. Please, subukan niyo lang basahin, first time ko kasi itong ginagawa ko na story e. Salamat sa time niyo
BINABASA MO ANG
If I just could
Romance"I know it's been a long time since your mother left you. I also promised you that, I won't even mention her name or ipapaalala ko siya sayo kasi alam kong malulungkot ka na naman. But, I promised her that, I will always be at your side and I will a...