CHAPTER 2

1.4K 45 9
                                    

MEA

"Ha?" 'Yan lamang ang nailabas ng bibig ko.

"Mea, I am sorry. But we need to change your name." Sinserong sabi niya. Kunot noo ko parin siyang tinitigan.

"Para saan?" Hindi ko maintindihan si Mom, sa mga sinasabi niya.

"Hindi ko makita kung bakit kailangan pa itong palitan." Dugtong ko.

"Alam mo ba kung bakit kita inampon?" Tumango ako.

"Oo, sinabi mo sa akin kaninang nasa orphanage pa tayo. Kaya mo ako inampon dahil nasa akin ang personalidad na gusto mong iampon." Sagot ko sa kanya.

"May isang rason pa." Nagtaka naman ako.

"I adopted you because, I need a heiress in my company." Nagulat ako.

"Ano? Bakit? Bakit ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. 

"Wala akong asawa, Mea. Wala akong anak. Kailangan ko ng tagapagmana ng kumpanya ko kapag hindi ko na kayang ipatakbo ito kapag tumanda na ako. Ikaw ang napili ko dahil nakikita ko sayo na kaya mong ipatakbo ng maayos ang kumpanya ko. Gaya nga ng sabi ko kanina, gusto ko ang personalidad mo kaya kita inampon. Nakikita ko sayo ang sarili ko." Naguguluhan pa rin ako.

"Ano bang klaseng kumpanya 'yan?"

"Assassin."

Ano daw?

"Hindi basta-bastang kumpanya ito. Hindi ito 'yung kumpanyang alam mo, Mea. Ang Kumpanya ng Assassin, nagpapatakbo ka ng ilang miyembro dito. Kaya ko papalitan ang pangalan mo dahil gusto kong panibagong buhay naman ang uumpisahan mo sa ibibigay kong pangalan." Paliwanag niya. Tulala pa rin ako sa mga sandaling iyon dahil hindi pa pumapasok sa isip ko ang mga pinagsasabi niya. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi pa pumoproseso sa utak ko ang mga nangyayari.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now