CHAPTER 4

1.3K 36 3
                                    

A L E X

"So, this is your room." Pagkapasok namin ni Axys kanina sa Demonic High ay agad kaming dumeretso sa dormitory ng akademya.

"Hindi kita kasama sa kwarto kaya asahan mo na ibang mukha ang makikita mo." Pagtutuloy niya.

"Sige, pumasok ka na at magpahinga. Maaga na lang kitang pupuntahan bukas." Pagkatapos niyang sabihin ito, tinapik niya ang balikat ko at tuluyan ng umalis.

Bumuntong hininga muna ako bago pumasok at naabutan ko ang madilim na kwarto sa loob. Sa gilid ko ay may lamparang nagsisilbing ilaw sa madilim na kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto upang hindi ko magising ang nasa gilid ko na mahimbing ng natutulog.

Napamura ako ng binuksan ko ang magiging lampara ko. Nakakalat sa pader at working table ang kinaiinisan kong kulay rosas na bagay na tinatawag na Hello Kitty.

"What the fuck?" Bulong ko. Magbibigay na nga lang ng kwarto si Axys, sa Hello Kitty lover pa niya ako pinakwarto.

"I hate cats, err." Bigla kong sabi. Wala naman akong nagawa dahil baka ito nalang ang bakanteng kwarto sa dorm kaya titiisin ko nalang.

Tumingin ako sa orasan at alas tres na pala.

Napag isipan ko na ayusin ang mga gamit na dala ko bago ako matulog at magpahinga. Pagkabukas ko ng maleta ay halos mga neautral colors at iilan namang hindi ang mga nandito na inimpake para sa akin ni Mom. Ikumpara mo naman sa ka-roommate ko na kulang nalang ay kulay bahaghari na.

Mahigit isang oras at kalahati akong nag-aayos ng gamit at damit kasama na ang paghilamos ko sa banyo kanina. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama dahil sa pagod kasabay ng pagpatong ko sa aking kanang kamay sa aking mukha.

Nakakapagod.

Isang salita ang maihahantulad ko sa isang araw ko na wala sa bahay. Dahil na rin sa pagod ay agad akong nakatulog. Sana nalang ay walang mambubulabog sa akin mamaya. Paniguradong masisigawan ko iyon dahil kailangan kong maghabol ng tulog.

**


Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa ingay na narinig ko mula sa banyo. Nakakunot at medyo nakapikit pa ang aking mga mata nang tumayo ako sa aking higaan. Naglakad ako papunta sa banyo upang malaman kung ano ang sanhi ng ingay na narinig ko. Nang iminulat ko ng maayos ang aking mga mata, naabutan ko ang kasama ko sa dorm na naka upo sa tapat ng inidoro.

"Anong nangyari?" Walang ganang sabi ko.

"Ha? Wala. May nahulog lang." Halata sa boses ng babae ang pagkataranta. Hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na lang ako papalayo sa banyo. Pumunta ako sa kusina upang maghilamos at saka dumeretso sa dining area para maupo habang hinintay ko naman siyang lumabas ng banyo.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now