CHAPTER 5

1.2K 39 6
                                    

A L E X

This is awkward.

Kasabay ko ngayon si Kai sa paglalakad at hindi ko alam kung saan kami magsisimula sa little tour niya. Ang sarap murahin ni Axys at iniwan niya ako sa taong hindi ko naman gaanong ka-close.

"Bakit galit na galit ka sa sahig?" Seryoso niyang sabi sa akin ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.

"Let's start?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"This place is the Main Building of Demonic High, where the office, dorms, clinic, and guidance office are." Pinagmasdan ko lang ang tinuro niyang Main Building. Hindi naman ako ganoon naging interesado dahil dinaanan na namin halos ang mga nandito.

Mga ilang minuto lang ay naglakad na ulit kami. Napunta naman ang aking paningin kay Kai na ngayon ay seryosong nakatingin sa aming harapan. Sumilay ang ngisi sa aking labi dahil ngayon ko lang napagtantong mayroon palang hitsura itong kasama ko. Siguro ay halos lahat ng gusto ng isang babae sa isang lalaki ay nasa kanya lalo na't malakas pa naman ang dating niya. Hindi pwedeng hindi siya kilala dito.

"Alam kong gwapo ako." Napunta sa kanyang mata ang aking paningin nang magsalita siya at saka kumunot ang aking noo.

"Kapal."

"Sinasabi ko lang 'yung totoo." Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan na lamang siya.

"Pero paano muna 'yung titig? Parang hinuhubad na ako ah. " Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya nang tumalikod siya upang tingnan ako. 

"Mag unos dila ka nga." Medyo iritable kong sabi sa kanya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakarinig naman ako mula sa kanya ng mahinang pagtawa.

"Miss Masungit, ito naman 'yung Hentix Building." Pagtuturo niya sa building na kaharap namin. Hindi naman ito ganoon kalayo sa isang entrance door ng Main Building kung nasaan kami. "The classrooms are here, and other things that a Demonic High student needs to enhance his or her skills and ability." Kagaya ng Main Building ay malaki rin ang Hentix Building na sinasabi ni Kai. Marami na ring mga estudyante ang pumupunta doon. Siguro ay malapit na magsimula ang kanilang klase.

"Meron pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Meron pa." Maikli niyang sabi. Naglakad ulit siya and as usual sumusunod lamang ako sa kanya.

Pumunta kami sa loob ng Main Building at nagtaka naman ako kung bakit kami bumalik sa loob. Hindi naman na ako nagtanong pa.

Pumunta kami sa canteen at inilibot ni Kai ang kanyang mga mata bago kami pumasok sa loob. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit tayo nandito?" Nakakunot ang aking noo habang sinasabi iyan.

"Kumain muna tayo. Sasabihin ko rin sayo ang mga rules and regulation dito." Wala na akong nagawa dahil nahila na niya ang kamay ko.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now