CHAPTER 7

1K 36 2
                                    

AXYS

"Umupo ka nga rito, Ax. Nahihilo ako sayo." Pagsasalita sa akin ni Kim na nakaupo sa gilid ko ngayon. Kanina pa kasi ako palakad-lakad at hindi mapakali kakahintay sa paglabas ng doctor.

Hindi ko alam kung pano ko ba mapipirmi ang sarili ko. Sandali akong pinalibutan ng kaba at takot nang makita ko kasi si Alex na nasa bisig ni Lucas kanina. Mabilis lamang ang pangyayari. Ang huling nakita ko na lamang bago ako sumabay kay Lucas sa pagtakbo ay ang namumutlang mukha ni Alex.

Nandito kami ngayon sa waiting area ng clinic. Pitong tao kaming naghihintay sa mensaheng ibibigay sa amin ng doctor tungkol sa kondisyon ni Alex. Prente lamang naka-upo sina Kim at ang mga Illuminati habang ako, ako lamang ang nakatayo.

"Axys." Hindi ko alam kung pang-ilang tawag na sa akin ni Kim iyon. Tumayo siya at hinawakan ako sa balikat na naging sanhi para mapatigil ako sa paglalakad.

"Umupo ka muna. Please." Pagmamakaawa niya kasabay ng pag-alalay niya sa akin sa upuan. Ilang oras na kasi kaming naghihintay dito at sa mga oras na iyon walang lumabas o pumasok man lang sa emergency room ng clinic.

"Sai, are you aware about this?" Mula sa katapat namin ni Kim, narinig ko ang malalim at malamig na boses ni Lucas. Nakakrus ang mga binti niya at taimtim na nakatingin sa amin. Wala naman siyang ibang ibinigay na ekspresyon sa amin kundi ang kilalang seryoso niyang mukha.

"No." Tapat kong sabi sa kanya. Hinintay ko naman siyang magbigay ng ibang ekspresyon pero nabigo ako.

"Alex is burning with fever, and you don't know anything about it?" Malumanay pa rin ang boses niya pero naging dahilan naman ito para umigting ang panga ko. You can't hide anything from me, Lucas.

"She is acting a bit weird earlier and we asked her if she was okay. She answered yes." Sabat ni Kim sa aming dalawa na may malumanay na boses.

"At kampante na kayo nang sabihin niyang okay siya?" Napunta ulit ang paningin ko kay Lucas at hindi ko maiwasang ipagsalubong ang kilay ko dahil may hula na ako kung saan mapupunta ang usapang ito.

"Ano bang gusto mong mangyari, Lucas?" Pagsasalita ko na ngayon.

"You are so dumb for not noticing all of her actions all day. I hope you at least played your role as her friend." Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. Na-ikuyom ko naman ang kamao ko at pinipigilan ang sarili kong magpatianod sa galit na nararamdaman ko.

"Watch your word, Lucas!" Nakita ko naman ang pag angat ng gilid ng labi niya.

"I am telling the truth, Axys." Pagsagot niya sa akin.

"Sino ka ba para sabihin sa amin 'yan? Bakit hindi mo rin ilugar ang sarili mo? Alex is not your friend might as well mind your own damn business. Don't you think?" Sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at saka niya ikinabit ang kanang kamay sa kanyang bulsa.

"She is my business, Sai. Remember, she is my auntie's adopted child." Pagkatapos niyang sabihin iyon nagsimula siyang maglakad palabas ng clinic. Napabuntong hininga ako kasabay ng paghilot ko ng sintido. Bakit ka umalis kung may pakialam ka pala sa kanya dahil adopted child siya ni Miss Klein? Putangina.

"Ax, balitaan mo nalang kami sa kalagayan ni Alex. Sundan lang namin 'yon." Narinig ko ang boses ni Drake sa harapan ko. Umangat ako ng tingin at sa halip na kay Drake ito mapunta, naagaw ito ni Kroxe na nasa likuran niya. Nakatingin ito sa akin ng ilang segundo bago naglakad din palabas para sundan si Lucas. Doon ko rin napagtanto na lumabas na rin pala ang ibang mga miyembro ng Illuminati. Bumaling ang paningin ko kay Drake at tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now