CHAPTER 18

991 33 22
                                    

A L E X

"Papa is sorry." The man stares for the very last time at the familiar beautiful eyes that he never gets tired of looking at before pressing his lips onto the forehead of his child. His whole body was trembling with fear in the quiet night as he no longer hesitated to look behind him as he heard his child start crying for his touch and love. Soon enough, the hurtful wail of the child stopped for reasons he knew.

With tears flowing on his cheeks and a heart that aches in sadness, he ran as fast as he could, leaving the child alone in someone else's arms.

**

Naimulat ko ang mga mata ko at walang ibang bumungad sa akin kundi ang malabong paningin ko habang nakatitig sa kulay puting kisame. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nauwi akong bigo dahil sa sakit.

"A-ah!" Daing ko na naging dahilan upang marinig ng babaeng natutulog sa gilid ko.

Huminga ako ng malalim kasabay ng paghahanap ng komportableng posisyon bago ako naglabas ng buntong hininga. Ngayon pumasok sa aking isipin ang nangyari bago ko mahanap ang sarili ko ngayon na nasa loob ng clinic.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Napunta ang paningin ko kay Kim nang tanungin niya ako habang inalaylayan ako sa bawat kilos ko. Bilang pag amin, umiling ako sa kanya.

"M-masakit pa katawan ko." Paos ang aking boses na sagot sa kanya.

"Anong nangyari? Ang usapan galit lang ah." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong makita sa kanyang mukha ng sabihin niya sa akin iyon. Ang nakikita ko kasi sa kanya ay pag-aalala at nakakalokang tingin sa kanyang mukha.

"Galit nga. Bawal ba maging galit through action?" Simple kong sagot na naging dahilan upang pitikin ako sa noo ni Kim. Dumaing naman ako sa sakit sa kanyang ginawa kasabay ng pagtingin ko sa kanya ng masama.

"Pwede naman pero baliw ka ba? Nagka-close head injury ka sa pinaggagawa niyo." Panenermon niya sa akin at naalala ko naman ang ginawa ni Lucas kung bakit nasabi ni Kim sa akin iyon.

"Kay Lucas ka magalit dahil siya ang sumipa sa akin."

"'Yun nga. Si Lucas ang sumipa. Alam mo rin ba na muntik din siyang magka-fracture sa panga sa ginawa mo? Siraulo. Bakit pang malakasan naman kasi close combat ninyo? Pareho lang kayo na deserve sermonan." Magkasalubong na ang mga kilay ni Kim ng sabihin niya sa akin ang mga iyon.

"Wala kaming ginawa na makakapag paglabag sa rules ng akademya." Halos bulong ko ng sabi sa kanya.

"It's not all about the rules, Alexis. Ang buhay ninyo ang sinasabi ko. Your condition was close to being critical, which could lead to death. Hindi mo ba naiisip 'yon?" Isa pang sermon ang tinapon sa akin ni Kim pero hindi naman ito ang naging rason para maapektuhan ako at magalit din sa kanya.

Mabilis naman na napansin ito ni Kim kaya naging kalmado ang mukha niya at napailing sa aking harapan.

"You're not irritated with me since you have no regrets and are satisfied with what you did, aren't you?" Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot upang ipakita na nakuha na niya kung bakit kalmado pa rin ang hitsura ko.

"Just be thankful that we are not dead yet," I said to her as I closed my eyes and let myself sleep once again from the heavy feeling of tiredness.

"Good Lord. The rumor that you are as deadly as him is a fact." The last thing I heard from Kim before I left the real world.

***

"It is great that you are almost fully recovered. I guess the prescribed medicine given by Miss Everzon really works fast for you and Lucas." Nandito ngayon si headmaster upang bisitahin ako sa aking kondisyon. Si Lucas naman ay nasa katabing kwarto ko lang at mas naunang binisita ni headmaster kaysa sa akin. Ayon sa kanya, mabilis na kumalat ang balita sa nangyari dahil na rin sa pag anunsyo ni Axys sa kanya.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now