CHAPTER 1

1.9K 52 7
                                    

M E A

Pagkatapos akong pagalitan. Dumeretso nalang ako sa kwarto at nagkulong. Hindi ko na tinuloy ang kinakain ko dahil nawalan na ako ng gana. Hiniga ko ang sarili ko sa kama at napabuntong hininga.

"Ahh! Gusto ko ng umalis dito!" Pinikit ko ang mata ko. Para lamang akong ibon na nakakulong.

Narinig ko ang pag ikot ng door knob. Umupo ako sa kama at pinagmasdang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Sister.

"Mea." Tawag niya sa akin.

"Samahan mo akong pumunta sa opisina at may importante akong sasabihin." Sabi ni Sister. Tumango ako at tumayo. Unang naglalakad si Sister at sinusundan ko naman siya.

Isa si sister sa mga mababait na madre dito sa orphanage. Kahit na malapit ako sa gulo ay hindi niya ako pinapagalitan bagkus ay sinasabi niya lang sa akin na kailangan ko ng magpakatino dahil walang mapapala sa akin ang pagiging basagulera. Pero lahat ng problema ko ay alam niya, naiintindihan niya. Sinabi ko na rin na kahit anong iwas ko sa gulo ay kusa itong lumalapit. Parang dumadaloy na talaga sa dugo ko. Kahit ganun naiintindihan niya pa rin iyon.

Habang palapit na palapit kami sa opisina niya lalong gumugulo sa isip ko kung gaano kaimportante ang sasabihin niya. Ayaw ko namang manghinala na may mag aampon sa akin dahil kahit isa eh walang may gustong kumuha sa akin.

Pumasok na siya sa loob kasunod ako. Bumungad sa akin ang magandang babae na prenteng nakaupo. Umupo si Sister sa upuan niya at inalok ako sa isang upuan na kaharap ko 'yung babae. Umupo ako doon.

"Mea." Napatingin ako kay sister. "This is Miss Klein. Siya ang mag aampon sayo." Sabay ngiti sa akin. Nagulat ako. Hindi ako makapaniwala. Dahan dahan akong napatingin sa mag aampon sa akin. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Napakaganda niya. Maputi at bata pa ang hitsura. Kulay tsokolate ang buhok niya kagaya sa akin. Nakakaakit ang mata niya at may matilos na ilong at kulay rosas na labi.

"Hi. I'm Aleah Micah Klein." She smiled at me and handed her hand. Tinignan ko naman iyon. Should I accept it? Should I be nice to her? I don't even know her personality yet, but let's see.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Merylea Cortez, 'Mea' for short. Nice to meet you." Pagpapakilala ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin, kaya sinuklian ko din siya ng ngiti.

"Masaya akong makita kayong nagkakasundo." Singit ni Sister. Napangiti naman si Miss Klein.

"Hindi ba kayo nagkamali ng pinili Miss Klein?" Bigla 'kong tanong sa kanya. Nagulat naman siya sa tanong ko. Binawi niya iyon at ngumiti ulit. "Hindi ako nagkakamali na pinili kita Mea. Ikaw ang gusto 'kong ampunin dahil nakikita ko sa personalidad mo ang gusto 'kong ampunin." Pagpapaliwanag niya.
'Tuwang tuwa ako dahil sa wakas ay may magaampon na sa akin, parang kanina lang ay hinihiling kong makaalis sa orphanage na ito at tingnan mo nga naman wish granted agad.

"Maraming salamat." Masigla 'kong sinabi sa kanya. Hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa tuwa.

"Walang anuman."

"Maari na kayong umalis, Binibining Klein." Sabi ni Sister. Tumango naman si Miss Klein.

"Ngayon na?" Gulat na tanong ko sa kanila. Natawa naman sila sa ibinigay kong reaksyon sa kanila.

"Oo, Mea. Okay na ang lahat ng mga papeles mo. Ayaw mo pa bang umalis?" Sagot naman ni Sister sa akin. Dali-dali naman akong umiling sa kanyang sinabi at narinig ko naman ang pagtawa ni Miss Klein dahil doon.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now