CHAPTER 27

189 8 2
                                    

A L E X

Lahat kami ay tumayo at yumuko kay Mr. Allen para bigyan siya ng respeto.

"Of course, Uncle." Malaki ang ngiting sabi ni Axys sakanya. Tinignan ko si Kroxe at tumango siya sa akin. Umalis ako sa pwesto ko at saka ko sila sinundan.

Naglakad kami palabas ng canteen at tahimik lang akong sumusunod sakanila. Kapantay ko sa paglalakad si Kroxe samantalang si Mr. Allen ay nauuna sa amin.

Ito ang pangalawang beses na nagkita kami ni Mr. Allen at hanggang ngayon ay tanda ko pa rin ang pangyayaring naganap sa library. Kaya niya pala sinabi sa akin ang mga 'yon. Mas naging malinaw na sa akin ang lahat. Tangina kinakabahan tuloy ako.

Nagtaka ako ng lumabas kami ng, academy. Narinig kong nag-unlock ang pintuan ng SUV na nakapa-park sa harap. Nakita ko namang hawak-hawak ni Mr. Allen ang susi nito.

Nang makarating kami doon ay pinagbuksan ako ng pinto ni Kroxe at saka siya umupo sa may shotgun seat. Mr. Allen started the car and then drove out of the academy. Gusto ko sanang magtanong kung saan kami pupunta ngunit hindi na ako nag abala pa dahil nahihiya din ako magsalita.

Awtomatikong bumukas ang gate ng DH line tila ba kabisado nila ang sasakyan ng Royal Headmaster.

This is my first time getting out of the DH line. Pagkalabas namin ay bumungad pa rin sa amin ang mga naglalakihang puno.

I was staring at them and thinking what if someone was watching us like Flaegh's brother behind those trees and ready to attack us? I shook my head.

Napatingin ako sa rear-view mirror ng kotse at nagulat ako ng saktong nakatingin din si Mr. Allen doon. Agad naman akong umiwas ng tingin. Fuck.

"Are you okay?" He asked in concern. I gave him a small smile and a nod.

"You look pale." He said. Tumingin naman sa akin si Kroxe. Napabuntong hininga nalang ako.

"I...I'm just imagining things and..." I laughed nervously. "I'm getting scared." Hinawakan ni Kroxe ang kamay ko at saka siya ngumiti sa akin.

"Walang Chishing makakalapit sa atin. Dad's car will protect us at saka mabilis ang takbo natin. So, don't worry no one will attack us." Kroxe said.

Kahit papaano ay nawala ang kaba at takot ko sa sinabi ni Kroxe. Magkakasama kasi kaming tatlo kaya natatakot ako. Lalo na't wala na kami sa loob ng DH line ngayon at kami pang dalawa ni Kroxe ang gustong patayin ni lolo. Kaya feeling ko kami ang pinakabinabantayan nila.

Ayoko pang mamatay. Not now.

Tumingin ako ulit sa rear-view mirror at doon naman ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong kay Mr. Allen.

"Where are we going?" Napatingin naman sa akin si Mr. Allen at ngumiti siya sa akin.

"Our home."

**

Ilang oras na ang nakalipas simula nung umalis kami sa academy. We entered a tunnel and it was a long tunnel. I decided to close my eyes and lean on my seat while it's still dark. I opened my eyes when I feel the sunlight in my skin. Tumingin ako sa bintana at nagulat ako.

Iba na ang bumungad sa akin ng imulat ko ang aking mata. There are trees lined up on the side of the road. I also saw rice fields and neighboring houses. Ang gandang tignan.

Napansin kong walang gaanong sasakyan ang dumadaan sa lugar na ito. Saan ba 'to?

I saw a signboard on the side of the road and it says 'Manila 2km'. Nanlaki ang mata ko.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now