CHAPTER 6

1.4K 41 9
                                    

A L E X

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Nasa harapan ko ngayon si Axys at sinesermonan ako sa ginawa ko kanina. Masama ko siyang tinitigan.

"Sila ang nauna and besides why do you allow yourself to be oppressed like that?" Nakita ko naman na nag iba ang ekspresyon niya.

"I need to hide my identity." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"I just want to." Agad na sabi niya nang makita niyang naguluhan ako. Hindi na ako nagsalita at nagtanong pa. Tumalikod nalang ako at nagpasyang magpahinga nalang sa dorm.

"Alex! Saan ka pupunta?" Sigaw sa akin ni Axys.

"Gusto kong matulog." Sigaw ko sa kanya pabalik at saka ko tinaas ang kamay ko bilang pagpapaalam.

Alam ko naman na kung nasaan banda ang dorm ng mga babae kaya hindi naman ako maliligaw sa malawak at malaking paaralan na ito.

"Aray!"

Napa-upo ako sa sahig dahil may nakabangga sa akin. Grabe naman.

Napapikit naman ako ng mariin dahil sa sakit na naramdaman ko dahil sa aking pagkakabagsak.

Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa kaharap ko ang iritable kong mukha.

Kumunot naman ang aking noo dahil nakita kong nakalahad ang kamay niya sa akin pero bago pa mawala ang galit ko sa kanya, matalim ko na siyang tiningnan. Inalis ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at saka ako tumayo.

"Watch where you are going." Sabi ko sa kanya kasabay ng pagtaas ng gilid ng labi niya. Tss.

"Sorry?" Sarkastikong sabi niya pero sa halip na makipag-away ako, napailing nalang ako at nilagpasan siya. Sino ba siya para pagsayangin ko ng oras?

"Hey!" Sigaw niya. Hindi ko na siya pinansin at pingpatuloy ko nalang ang paglalakad ko. Ilang tao pa ba ang mambibwisit sa araw ko?

Pumasok ako sa dorm at naabutan ko pa si Marist na nagsusuklay ng buhok. Napansin naman niya ako kaya humarap siya sa akin at ngumiti.

"Hi, Alex!" Binagsak ko ang katawan ko sa kama at ipinatong ang kanang braso ko sa aking mukha. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga pagkatapos.

"Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong pero hindi ako sumagot. Hindi ko naman na siya ulit narinig pang magsalita pagkatapos noon. Sa tingin ko ay nakuha niya ang dahilan kung bakit hindi ko siya kinakausap.

Mga ilang minuto lang ay narinig ko na lamang ang mahinang pagsara ng pinto na senyales na lumabas na si Marist sa aming dorm room.

**

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tumayo ako sa kama at tinignan ang orasan.

4:00 pm

Napahaba ang tulog ko. Pumunta ako ng kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay. Naramdaman ko na may kumikirot sa may bandang pulso ko. Tinignan ko ito at may nakita akong bahid na sugat dito.

Kumunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong natamong sugat simula noong makaharap ko ang mga Ladies hanggang sa makabangga ko 'yung lalaki sa corridor kanina. Paano ako nagkasugat dito?

Kumuha nalang ako ng ointment at band aid sa first aid kit sa banyo at nilagyan ang sugat ko. Sariwa pa ito kaya mahapdi pa.

Pagkatapos kong ikabit ang ointment at band aid sa sugat ko, napagpasyahan kong lumabas muna ng dorm. Pagkalabas ko ng dorm, lahat ng mata ng ibang tao ay nasa akin.

Demonic High: School of AssassinWhere stories live. Discover now