2: Meet Azi

9 0 0
                                    

Third Person's POV


Maria Azaleia Rivera, the almost perfect one. Nung time na nagpa-ulan si God ng kagandahan, sinalo n'ya na siguro lahat. Dancer s'ya ng squad nila, s'ya rin ang palaging inilalaban saa beauty pageants at sa kung saang events sa University nila. Miski isang tuldok ng tigyawat at kulangot, wala kang makikita sa kan'ya. Sobrang linis at perfect n'ya kung titingnan mo. Matangkad din s'ya at maputi. Pure maganda, pure maldita. Mabait s'ya kung kailan n'ya gusto, mula noon kasi, nasanay na s'ya na ang ibang tao ang nag a-adjust para sa kan'ya. Magaling rin s'ya pag dating sa instruments. Nasa kan'ya na nga siguro ang lahat, kung tatanungin mo kung matalino ba s'ya.... okay change topic.


"Azi, nakatanggap kami ng offer galing sa isang makeup brand. Tinatanong nila kung okay ka lang bang maging endorser nila?" umupo sa tabi ni Azi si Nikki at Hazel; best friends ni Azi. Si Nikki ang humahawak ng fan-pages ni Azi, hindi pa s'ya artista, pero may fan na s'ya. Ayaw s'yang payagan ng Mommy n'ya na mag workshop or mag-artista, gawa nang pwedeng ma-ungkat ang family issues nila. 


Ngumiti si Azi sabay kuha ng phone ni Nikki. "Ay sige bet 'ko 'yan! Sana clothing naman sa susunod hehe." 


"Hi, i want it. But do you have any dress?" reply ni Azi sa message sa kan'ya gamit ang fan-page account n'ya. Ini-abot n'ya kay Nikki ang phone sabay bagsak sa kama n'ya.


"AZALEIA! ANO 'TONG SINABI MO?!?!" napatayo si Nikki sa pagkakahiga nang mabasa ang ni-reply ni Azi. 


"Gusto ko kasi damit i-endorse, di ko kasi alam spell or english. Bakit, may mali ba?" ngumuso lang ito sabay selfie kasama si Hazel.


"Alam mo naman 'yan si Nikki, lahat pino-problema. Yaan mo na 'yan bessy." sabay hawi sa buhok si Hazel. "Pwede namang sabihing x-send. Diba?" nag apir lang sila ni Azi at napa-iling naman si Nikki.


"Oy guys, una na pala 'ko. Ngayon 'ko lang nabasa text ni Dad, hindi kasi kami nakapag-celebrate last week, kayo na bahala jan ha, babush!" tumayo si Hazel at naiwan si Azi at Nikki sa kwarto.


"Kayo? Wala kayong bonding ng Dad mo?" bored na tanong ni Azi.


"Actually, meron. Mga 15 minutes kasi, nandito na sa Manila si Daddy." yumuko lang si Nikki dahil kilala n'ya si Azi, madalas magalit 'to kapag naiiwang mag-isa. "Pero di nalang siguro 'ko sasama."


"No." madiin na sinabi ni Azi. "Go ahead, para makapag-prepare ka." ngumiti ng pilit si Azi at nag talukbong ng unan.


Naka-idlip s'ya sandali. Pagka-gising n'ya, naligo s'ya at nag bihis. Suklay dito, kilay doon. Contour dito, blush on doon. 


Lumabas s'ya suot ang kan'yang white crop-top at denim high waist shorts.


Pumunta ng mall, kumain sa resto, at dumaan din ng bar.


"Azi! Long time no see!" bati ni Yexel kay Azi. S'ya lang naman yung lalakeng baliw na baliw kay Azi, half gwapo; pure f*ccboi.


Umirap lang si Azi at umupo sa harap. Sumenyas lang s'ya sa bartender at binigyan na s'ya ng wine. 


"Ano ba 'yan, miss mo na 'ko agad?" bumulong si Yexel kay Azi at sinigawan s'ya nito.


"Can you please stop?!" she rolled her eyes sabay inom sa wine n'ya.


Hinawi nito ang buhok ni Azi. "Alam mo, pakipot ka pa." sabay halik sa leeg nito.


"Diba sabi 'ko, tumahimik ka?!" ibinuhos ni Azi ang iniinom n'ya sa mukha ni Yexel. 


"What the f*ck Azi!" ngumisi si Yexel sabay hila kay Azi dahilang masiksik s'ya sa sulok ng inuupuan n'ya. "Wag mo 'kong subukan, Azaleia." pilit na niyayakap nito si Azi at akmang hahalikan ito.


"Stop nga daw kasi e." may isang lalakeng kalmadong nag salita mula sa likod sabay hila sa shirt ni Yexel at sinapak ito sa mukha. Huminto ang music at napunta sa kanilang tatlo ang atensyon ng mga tao. Sinipa n'ya ito sa dibdib; dahilan para mahirapan s'yang tumayo. Nag mamadaling hinila ng lalaki si Azi palabas at tumakbo sa loob ng convenience store. 


"Ba't mo ginawa 'yun?" tanong nito sa lalaking nakasama n'yang tumakbo.


"Miss, binabastos ka na. Ikaw pa galit?" ngumisi ito at iniwas ang tingin. "Pero, thank you ha?" ngumiti ito ng plastik. "Sa susunod kasi, wag ka nang magba-bar ng mag-isa. Babae ka pa naman."


"Eh ano naman? Bakit may gender rules na ba sa bar? Ikaw ba nagpatupad nun?" umiling lang ang lalaki at lumabas ng store.


"HOY!" sumunod ang babae sa labas at nilingon naman s'ya nito. "THANK YOU! OKAY KA NA?"


Nag commute pauwi si Avi dahil hindi n'ya kakayaning mag drive sa kalasingan. Mahina s'ya pag dating sa alcoholic beverages.


"MOMMYYYYYY!" sigaw ni Azi habang kumakatok sa pintuan ng bahay nila.


Gulat na gulat ang Mommy n'ya sa kan'ya. "Avi! What's going on?!" inalalayan nito si Avi pahiga sa sofa.


"Mom, ang tanga tanga ni Daddy, no? Sobrang perfect mo naman, pero nag hanap pa rin s'ya ng iba." tumawa ito at umiyak. "Mom, ipakilala mo lang s'ya sa'kin. Masaya na 'ko promise."


"Azaleia, stop please." naluha ang Mommy ni Azi at pinunasan n'ya ang sarili n'yang luha gamit ang likod ng mga kamay n'ya. 


"No, Mommy! Pagod na pagod na 'ko, ni-minsan ba inisip n'yong dalawa kung anong mararamdaman 'ko? Ba't parang hindi? Bakit?! Mommy?!" umiiyak lang si Azi at pilit na inilalabas ang lahat ng sama ng loob.


***

A/N: So ayun, si Azi, mabait naman s'yang anak, pero nasa ugali n'ya talaga yung pagiging maldita n'ya. Let's see kung anong pinagkaiba n'ya kay Avi. Kamsaranghae.

Lost PiecesWhere stories live. Discover now