Azi's POV
"Happy Father's Day!"
Binati 'ko ang dad 'ko kahit na sa picture frame ko lang s'ya nakita. Hindi 'ko s'ya nakasama for 18 years, 'til now. Ang sabi ni Mommy sa'kin, may ibang pamilya na si Daddy, kaya hindi 'ko rin masisi si Mommy kung bakit galit na galit s'ya kay daddy.
"Azi, baby! Are you ready?" narinig 'ko ang boses ni Mommy mula sa labas ng kwarto 'ko. Kumatok s'ya at pumasok. "Let's go na."
I smiled at her. "Yes Mom, sunod na 'ko." Nag madali akong mag lagay ng mascara at lipstick. Sayang naman yung maganda 'kong mukha kung 'di ko pa susulitin sa makeups diba?
Huminto ang kotse namin sa harap ng isang restaurant. Hindi porket wala akong 'dad' na maitatawag, hindi na namin ise-celebrate ang Father's Day. Si Mommy na ang naging ina at ama 'ko for 19 years. Lahat ng tungkulin at suliranin ni Daddy, si Mommy na ang gumawa. Hindi 'ko nga alam kung baka kahit minsan, eh na-konsensya s'ya sa pag iwan na ginawa n'ya sa'min. Prosecutor si Mommy, nakapag-tapos s'ya ng pag-aaral, at nabubuhay n'ya 'ko nang mag isa.
"Ano sa'yo baby?" tanong sa'kin ni Mama pagka-pasok palang namin sa restaurant.
Umirap ako at bumulong sa kan'ya, "Mom, hindi na nga ako baby!"
"O'sige na, hindi na, oh ano bang want mo ba--Azi." talaga 'tong si Mommy, nang aasar pa. Mula noon, hanggang ngayon, hindi na nag bago ang tawag n'ya sa'kin. Ngayon 'ko lang s'ya pinupuna kasi nakakahiya na 'no! Wala akong makitang sanggol sa mukha 'kong 'to.
"Hawaiian nalang, saka Pepperoni." inilapag 'ko ang bag 'ko at pumwesto na ng upo. Hindi 'ko na kailangang tumingin sa menu book kasi alam 'ko na naman 'yung palagi 'kong binibili.
"Hindi 'ka ba nauumay 'nak?" seryosong tanong ni Mommy at nagkibit-balikat lang ako. Katabi lang ng office ni Mommy ang restaurant na 'to, kaya naman, suki na kami rito, hehe.
After 5 minutes, dumating din 'yung pizza na in-order namin. Nag-usap lang kami ni Mommy about sa mga bagay-bagay. Since today is Father's Day, I asked her again about him. "Mom, what if.... bumalik si Daddy?" naging seryoso ang mukha n'ya mula sa pagkaka-ngiti.
"May gusto ka pa ba, baby?" napapansin 'ko ang pag-iwas n'ya sa tanong 'ko. "By the way, how's school?"
"Mom." madiin 'kong sinabi at binitawan 'ko ang pizza na kinagatan 'ko.
"Aw, sorry Azi. Tinawag nanaman kitang baby, nasanay na kasi si Mommy e." ngumiti s'ya ng pilit at parang walang narinig na tanong mula sa'kin.
"Mom, naiinggit ako sa best friends 'ko." pinipigilan 'ko ang luha 'ko at hindi pa rin s'ya sumasagot. "Hindi 'ko sinasabing hindi ka pa sapat, Mom. Pero kahit sinong anak naman siguro, kailangan ng isang ama."
Hinawakan ni Mommy ang mga kamay 'ko. "Azaleia, i'm sorry. Kung pati ikaw nahihirapan sa situation. Hindi 'ko sinasagot ang tanong mo kasi alam 'kong never mangyayari 'yun." napapansin 'kong patulo na ang mga luha n'ya, pero pinipigilan n'ya 'yun. Sobrang naawa ako sa kan'ya at sa sarili 'ko. Dad, why? Anong nakita mo sa ibang babae na wala kay Mommy?
"M-mommy, i'm sorry. Naiintindihan 'ko." ngumiti ako kahit na hindi 'ko na nakuha ang sagot na hinihintay 'ko. Sa bagay, ano nga bang mangyayari kung iisipin 'ko pa 'yun? Babalik siguro s'ya kapag nalaman n'ya ng artista na 'ko.
***
Avi's POV
"Happy Father's Day, Paaaaa!" sinalubong 'ko si Papa dito sa hospital.
"Oh Avi, why are you here?" lumapit naman sa'kin si Papa at dinala 'ko sa office nila, yes. Nurse ang Dad 'ko, hindi nga lang kalakihang ospital ang pinapasukan n'ya, but at least, nabubuhay n'ya 'ko nang mag isa. Isinilang ako ng Mama 'ko, sabay iniwan kay Papa. Ayos 'no? After mag pa-sarap, iiwan nalang ako? Aba kakaiba.
"Pa, Father's Day ngayon, moment natin sana ngayon, kaso walang holiday sa schedule mo, tch." nag cross-arms lang ako at ini-abot ang regalo 'ko. "Oh ayan, baka sabihin mo, kinalimutan kita e. Hehe." ngumiti lang s'ya at itinabi 'yon sa ilalim ng desk n'ya.
"Thank you, nak." itinap n'ya ang ulo 'ko at kinilig naman ako. Tuwang tuwa ako kapag tinatap ni Papa ang ulo 'ko, kung minsan, iki-kiss n'ya pa ang malalapad 'kong noo. Hihi, mainggit ka sana, Ma.
"By the way, may tatanungin sana 'ko sa'yo, Pa." nag-aalangan 'kong isinambit. Gusto 'ko s'yang tanungin about kay Mama, pero hindi 'ko alam kung sasagutin n'ya ba yun, magagalit ba s'ya o kung mapapatay n'ya ba 'ko. Kung noon, napagpa-pasensyahan n'ya 'ko sa mga tanong ko about kay Mama, baka ngayon hindi na.
Tumingin s'ya sa'kin at tinanong ako. "Ano 'yun?"
"About sana kay M----" napahinto ako nang mag-ring ang phone n'ya. Sumenyas lang s'ya sa'kin na umuwi na 'ko, laking epal. Bad timing.
Nacu-curious ako. Hindi 'ko alam 'kung anong hitsura n'ya, bakit n'ya kami iniwan, kung may half brothers/sisters ba 'ko. Sinasabi lang sa'kin ni Papa na, nag hiwalay sila at ibinigay ako kay Papa ng sapilitan. Hindi 'ko alam kung anong dahilan ni Mama, pinagisipan pa kaya nila kung sino ang magpapalaki at bubuhay sa'kin, eh kasi naman, parang napakadali lang ng sitwasyon para sa kanila. Hindi man lang ba nila 'ko inisip, yung kapakanan 'ko, yung kinabukasan 'ko at kung ano pa.
Pumara na 'ko ng jeep at pumunta na sa 7 Eleven, cashier ako dun. From 1 PM to 1 AM. Ayos 'no? Okay lang 'yun kasi 5 AM to 12 NN naman ang classes 'ko. Grade 12 na 'ko, kaya naman sinusulit 'ko na ang sarili 'ko sa pagta-trabaho. Dahil kapag college na 'ko, panigurado buong araw 'ko nakalaan sa pag aaral 'ko. Ayoko rin na si Papa pa 'yung mag po-provide ng gamit at gastusin 'ko sa school. Kaya naman nagsisikap akong makaipon, para kahit hati kami sa tuition. Pero, gagawin 'ko ang best 'ko para naman makapasa sa exam at makakuha ng scholarship.
By the way, ako si Maria Avrila Andres. Baka lumiyab ako kapag tinawag n'yo 'kong "Maria", baduy din ng Avrila, kaya Avi nalang, hihi. Abnormal kasi ng nanay 'ko e, wag talaga s'yang papakita sa'kin.
***
A/N: Trip 'ko lang, kahit walang support okay lang, sanay naman ako. Sana tuluy-tuloy na 'to, huhu. Ganda pa naman ng naiisip 'kong flow. HAHAHAHAHAHAHA.
Son Naeun as Maria Azaleia Rivera & Maria Avrila Andres.
Kapag natapos 'ko 'to, ipapakita 'ko yung story ng parents, promise. HAHAHAHAHA.