6: I'm You, But Prettier

6 0 0
                                        

Avi's POV


Kasama 'ko si Mommy ngayon, jusko day! Ang mga pinagbibili n'ya sa'kin, kung 'di labas balikat, eh yung mga bestida naman na 'di man lang umaabot sa tuhod 'ko, itim itim ng binti ko bes.


"Ma, ayoko talaga ng ganito, hindi 'ko type." bukod kasi sa ayoko sa styles ng clothing, nahihiya na din ako s'yempre. Nasanay ako ng hindi binibilhan, jukay jukay lang, okay na!


Tumitig s'ya sa'kin ng matalim, na ikinatakot 'ko naman agad, s'yempre wala akong idea kung pa'no ba s'ya magalit diba, baka iwala n'ya 'ko dito sa SM North, 'di 'ko pa naman alam daan dito. "Mag tigil ka ha, gusto 'ko sa bawat oras, presentable ka. Tingnan mo si Azi, ang ganda ganda diba?"


Napakamot nalang ako sa ulo 'ko nang bigla namang itabig ni Inang itong braso 'ko. "Ano ba 'yan, Vi? Bakit gan'yan 'yang buhok mo? Parang isang taon kang di nag shampoo at conditioner." Lumabas na kami sa isang store, ewan 'ko kung anong basa dito, h&m nakalagay e, how and much 'yata. "Ipapa-salon natin 'yan, ayo'ko ng gan'yan. Mas maganda pa buhok ng mga ninuno kesa sa'yo!" Napatikom nalang ako, baka ma-high blood e. Mainit pa naman ang weather ngayon, baka sumabay pa ang ulo ni Inang, so opo nalang ng opo, okay.


 Nang makauwi kami, agad akong umakyat sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi 'ko na iniligpit 'yung ipinamili namin na ubod ng dami. Oo hindi lang dami, may ubod talaga, bessy!


"ARAY!" nagulat ako sa sigaw na marinig 'ko.


"Owemji twinnie, ano bang ginagawa mo 'jan?" nadaganan 'ko s'ya walang'ya. "Bakit gan'yan ka matulog? Ay sobrang kapal ng blanket mo, kaya 'di 'ko napansin, an'jan ka pala. By the way, I have poor eyesight kasi."


"Alam mo, mag tigil ka na. Una, kwarto 'ko 'to, anong pakialam mo? Sa 'baba ka matulog. Pangalawa, alam mo kung ano 'yung makapal? Yung mukha mo, what the f! Sana naman mag shower ka muna or half bath, makikitabi ka nalang diba? Mas maa-appreciate 'ko kung sa lapag ka matutulog. Wala din akong pakialam kung 50/50 pa ang vision ng mata mo or kahit bulag ka pa!" gigil na gigil s'yang nag salita at bumalik sa pagkakataklob ng blanket.


Kinuha 'ko ang isang unan at ang mini red carpet sa kwarto n'ya at hinila palabas ng room n'ya. "FYI, 20/20 ang normal vision ng mga mata natin, 'yun lang. Jaljjayo, saranghae mwa." nag korean finger heart ako sabay sara ng pinto. Napakatalim talaga ng dila non, kung 'di 'ko lang kam----kapatid 'yun. Napatay 'ko na 'yon eh. Kambal 'ko ba talaga 'yon? Ba't mas maganda 'ko? Hehe. 


I lay down on the sofa. I put the carpet down, since I'm not going to use it anymore . Mas komportable ako sa sofa hihi, lambot pa.


Nang ipikit 'ko ang mga mata 'ko, bigla namang nag ring yung phone 'ko. Akala 'ko may tatawag na sa'kin ng gan'tong oras, reminder lang pala. Saklap bes. "Mission 61" 


Sa gang namin, bawat isang member ay may 88 missions. And nasa 61 na 'ko, makikipag-laban ako sa isang member ng kabilang gang. Kapag natalo ako, guess what? S'yempre isa-isang bubugbog sa'kin yung seniors 'ko. Sumali lang naman ako for self defense. Hindi 'ko in-expect na ganito 'yung kaganapan sa ganitong grupo. Syempre grade 2 lang ako nung sumali ako. 


11:27 pm. Go pa rin. Agad akong nag palit ng damit,  white v-neck plus swagger shorts. Lakas maka-jeje 'no? Eh bakit ba?


Nag makarating ako sa isang abandoned site sa dulo ng street, nag dasal ako at pumasok agad sa lugar. "Finally, Avril!" nakatayong sumigaw si Kali. Ang isa sa mga senior 'ko, ang pinaka-close 'ko sa gang. Ako nalang pala hinihintay. Hindi na namin pinatagal ang laban. 


Itinali 'ko ang buhok 'ko at inilapag ang cellphone. Tatlong segundo bago tumunog ang bell. Sign 'yun na, fight na. Mas maliit sa'kin ang kalaban 'ko, pero nakikita 'ko sa hitsura n'ya na malakas s'ya. Damn I forgot. Nakalimutan 'kong suotin ang contact lens 'ko. Pa'no 'to?


Hindi ako kumilos. Hinintay 'kong s'ya ang gumawa ng first move. Yumuko ako sandali, bigla akong napapikit nang maramdaman 'kong may sumipa sa t'yan 'ko. Tumalsik ako at nahilo ako dun. Hindi ako sanay lumaban ng walang lenses. "AVRIL, STAND UP." sobrang lumalabo ang mga paningin 'ko at hindi 'ko alam 'kung anong gagawin 'ko. Jusko Avi, wake up! 


Huminto ang panlalabo at pag-likot ng paningin 'ko at nasaktuhan 'ko naman ang mga binti n'ya, dahilan para bumagsak s'ya at makabawi ako. Sinamantala 'ko ang pakikisama ng mga mata 'ko kaya't agad akong kumilos. Bumwelo ako at yumuko ng bahagya para mas mag sharp yung vision 'ko. Ikinuyom 'ko ang mga kamao 'ko at tinatagan ang mga hita.


Tinalon 'ko ang isang kahoy sa gilid gamit ang kanan 'kong binti at ginamit sa pag sipa ng kaliwa. Sa madaling salita, ginamit ko ang kahoy sa pag bwelo 'ko at para sa ulo 'ko s'ya tamaan.  Sinuntok 'ko ang magkabilaang pisngi n'ya, umikot at agad na nag bigay ng isang sipa. Hindi na s'ya nakakilos pa gawa nang puro sa ulo ang tama n'ya.


"That's it!" pumalakpak naman si Koki at Kiko sa ginawa 'ko, sila yung pinakabatang myembro. 8 years old sila pareho, kambal. Mabuti pa 'tong kambal na 'to. Nagkaron ako ng kaunting galos, pero hindi naman malala. Nag apir lang kami ni Kali, at pinauwi ako agad. 


Sobrang sakit ng sikmura 'ko, sabayan pa nung mga pasa at galos 'ko sa mukha. Umupo muna ako sandali sa bench at in-unlock ang phone 'ko. "I'm you, but prettier."  isinend 'ko 'to ng sampung beses  sa number ni Azi. Hihi, natutuwa ako. Ngayon nalang ako ulit naka-unli. 


Nabitawan 'ko ang phone 'ko at parang bumabagal ang pag galaw ng mga nasa paligid 'ko, unti unti ring nandidilim ang mga paningin 'ko.


"Gasoline Queen, wake up."


***

Bagal mag update hehe. Mian.

Lost PiecesWhere stories live. Discover now